Aisha's Pov
Bakit ko naman siya ipapakilala kay Jia? Tsk!
Paano naman nakilala ng bruhang iyon si Dustin? Bakit kailangan niya pang ifollow sa instagram? Kainis!
Incoming call: Aisha
"WHAT?!"
(Oh chill! Sino bang kaaway mo? Wala man lang good morning eh!)
"Ano ba kasing kailangan mo?"
(Wala naman, itatanong ko lang sana kung kumusta kayo ni Du—)
"Fuck off Gel!"
(By the way, I called to inform you that I won't go to class today.)
"Na naman?"
(Hehe, yup!)
"Bahala ka sa buhay mo, matanda ka na." Napahilot naman ako sa noo ko dahil umagang umaga, sumasakit agad 'to
Naghanda na ako ng sarili pero habang nagbibihis ako, nakareceive ako ng text mula kay Irene
From: Irene
Hindi ako papasok, sabihin mo na lang din kay AngelTo: Irene
Pinaglololoko niyo ba ako?!From: Irene
Huh? What's your problem?To: Irene
Hindi rin papasok si Angel eh!From: Irene
Oh, okay. Bakit ka nagagalit, nandiyan naman si Dustin ah?To: Irene
Fuck you!Hindi na siya nagreply dahil malamang sa malamang pinagtatawanan na niya ako ngayon.
Incoming call: Irene
"What now?"
(Bakit ang init ng dugo mo?)
"Tsk!"
(Hmm I think I know why.)
"Huh?"
(You're just jealous)
"Of course not!"
(Oh really?)
"I am not!"
Binabaan ko na nga siya ng tawag dahil mukhang plano niya lang asarin ako. Palibhasa kasi masaya siya sa lovelife niya! Grr!
Kinuha ko na nga ang gamit ko para pumasok na pero hindi pa man ako tuluyang nakakababa, napansin ko nang abala ang mga kasambahay namin.
"Manang anong nangyayari?"
"Ah hija, tumawag kasi ang mommy mo at sinabing may bisita raw na darating ngayon."
"Bisita?" Sino naman?
Pumunta na ako sa kitchen dahil doon naman talaga ang punta ko. Kumuha lang ako ng dalawang tinapay at akmang lalabas na ng bahay pero napatigil ako bigla.
I saw a woman standing in front of my mother. Nakatalikod siya sa akin pero agad na bumilis ang tibok ng puso ko
Oh please! Sana hindi siya si...
"Shit."
"I missed you Aisha!"
I think I have to pack my clothes now and leave the fucking house.
"Haha funny." Inirapan ko pa siya
Lalayas talaga ako kapag nanatili siya dito! Hindi ko kayang nasa iisang bahay kami, baka mabaliw ako nang wala sa oras.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...