Princess' Pov
"Congratulations, Princess!" Napaharap naman ako kay Krish nang yakapin niya ako bigla
"Hey!"
"Gosh! Ang engrande ng kasal ah!"
"Oo nga eh, hindi ko rin inasahan iyon. Si Prince kasi lahat ang umayos."
"Ang cute lang din dahil si Prislet ang ring bearer niyo." Sabi niya pa
Muli kasi kaming nagpakasal ni Prince nang tumungtong si Prislet ng dalawang taon. Ilang araw lang matapos ang 2nd birthday ng anak namin, nagpakasal na rin kami.
"Speaking of my daughter, nasaan siya?" Kanina ko pa kasi hinahanap pero hindi ko makita
"Sa kakulitan ng anak mo, tingin ko paikot-ikot lang iyon dito."
"Ang daldal nga eh, siya ang kumakausap sa mga bisita kahit hindi siya masyadong maintindihan."
"That's true haha! Ay Cess ayon pala si Prislet, kasama si Jake." Napalingon naman ako sa tinuro ni Ate at nakita ko ng doon ang magpinsan na magkahawak pa ang kamay
Nang bumalik ang atensyon ko kay Krisha, napahawak ako sa braso niya dahil napansin kong nag-iba ang ekspresyon niya
"Hey, are you hurt?"
"H-Huh? Ah nahilo lang ako, baka gutom na haha. Sige maiwan na kita dito, pupuntahan ko muna si Jaydee Black."
"Hatid na kita sa table niyo."
"Huwag na, kaya ko naman." Nginitian niya pa ako at umalis na nga.
Sakto namang dumating na si Prince na dala ang gatas ng anak namin dahil pinakuha ko iyon sa kanya sa sasakyan.
"Si Prislet?"
"Kasama ni Jake kanina."
"Ang likot talaga ng dalawang iyon, magkasundong-magkasundo eh." Natawa rin ako dahil talaga ngang close ang magpinsan.
Sabay naman kaming napalingon ni Prince nang makarinig kami ng matinis na boses na tumatawa.
"Mommy! Daddy!" Napangiti na lang ako nang makitang tumatakbo na palapit sa amin si Prislet
"Pris wait for me!" Humahabol naman sa kanya si Jake na hinihingal na kahahabol sa pinsan
Yumakap agad si Prislet sa binti ng daddy niya kaya sa akin naman lumapit si Jake para humalik sa pisngi ko
"Hi Tita-Mommy!"
"Jake Kridee."
"Tita-Mommy, Pris punched someone in the face earlier."
"Jake! Hindi na tayo bati." Umirap pa ang anak ko kaya agad siyang sinuyo ng pinsan
"At sino na naman ang sinuntok mo, Prislet Gracess?" Tinaasan ko pa siya ng kilay habang nagtatago sa likod ng binti ng daddy niya
"Annoying siya, Mommy! He's been staring at me for quite some time now." Hinihingal niya pang sabi at sumimangot na
"Ayon naman pala love, hayaan mo na." Pagtatanggol na naman ni Prince sa anak niya
"Next time, just confront the person okay? Not every time, you'll result to hurting someone physically."
"Yes, Mommy! I'm sorry." Yumakap naman siya sa akin at hinalikan na ako sa pisngi
"Oh, here's your milk na." Inabot ko naman sa kanya baby bottle pero agad siyang umiling
"Mommy, I want the Purple one."
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Roman pour AdolescentsKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...
