Dustin's Pov
I saw how my sister reacted to Toffer's gift. She's happy, that's all I can say.
I'm glad that they met each other, who would've thought that they'll be in good terms?
"Ang ganda ng necklace, thank you talaga Toffee Toffee!" Umakbay lang si Toffer sa kapatid ko at kinurot ang ilong.
Akala ko hindi na kami iinom, pero nang mapagod sa pagsuswimming, nagkayayaan ulit kami.
"Nasaan na si Aisha?" Napatingin naman kami kay Mom nang bigla siyang sumilip dito
"Nasa guest room na Mom, lasing na lasing na iyon eh." Sagot naman ni Gel
"Alright! Matutulog na rin kami ng Dad mo, goodnight kids!"
Pag-alis ni Mom, bumalik na kami sa pag-inom at nagkwentuhan na rin.
"Gel! Irene! Dapat gayahin niyo 'tong si Princess, may control siya sa pag-inom." Napansin ko kasi na walang tigil sina Gel at Irene eh
"Mas malala kaya iyan uminom sa amin! Nagpapaka-goodgirl lang yan ngayon." Sagot naman ni Angel sa akin
"Luh, mabait naman talaga ako!"
"Cess, huwag kang sinungaling! Nananapak ka kapag lasing na."
"Ikaw 'yon." Pagbalik pa ni Cess kay Irene
"Hindi ah! Babe, hindi ako ganoon. Kilala mo ako, hindi ko kayang manakit." Mahinang sabi pa ni Irene kay Xander
"HAHAHAHA lasing na kayong dalawa, let's go!" Inakay na ni Princess si Angel at Irene na ngayon ay lasing na nga.
Tutulungan na sana namin si Princess pero umiling lang siya kaya hinayaan na namin. Sinundan na lang namin sila ng tingin habang umaakyat.
Nakita ko pa ang pagbatok ni Cess kay Angel dahil nangungulit siya habang paakyat sa kuwarto.
"Anong plano niyo bukas?" Tanong ko nang mawala na sa paningin naman iyong tatlo.
"Baka magpalate na ako, alam ko naman kasing kapag inagahan ko, didikit lang sa akin ng didikit ang lintang Jessica na iyon eh." Prince said
"Sasabay na ako sayo p're, maaga kasi doon sina Azalea eh."
"E'di sabay sabay na tayo bukas! Fortuner mo na lang gamitin natin Dustin." Tumango na lang ako sa sinabi ni Toffer
"Ubusin na lang natin 'to tapos uwi na rin tayo." Sabi naman ni Prince
Habang umiinom, hindi ko mapigilan hindi isipin si Aisha. Kanina kasi, siya lang ang walang regalo sa akin.
Hindi ko na lang pinahalata sa kanila na nalulungkot ako. May pinagsamahan pa rin naman kasi kami kahit papaano, kinalimutan niya na ba talaga iyon?
I miss her so much, I miss my Greene.
Tapos kanina, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin dahil inis na inis ako nang malaman kong may importanteng lalaki siya sa buhay niya.
Kaya ba napakadali sa kanya na iwan ako?
"Lalim naman yata ng iniisip mo, Dust?"
"May sinasabi ka Xander?"
"Malalim nga, hindi ako narinig eh." Napailing na lang ako sa sinabi niya.
"Bakit ba ako ang pinagdidiskitahan niyo? Ayan nga si Prince may Yellie na, may Jessica na, may Princess pa!"
"Bakit ako ang pagdidiskitahan niyo, ako ba ang may birthday?" Sinungitan pa ako ng loko
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Genç KurguKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...
