Chapter 29

16 0 0
                                    

Princess' Pov

Nandito na ako ngayon sa ospital kasama si Ken at Jiarene.

Hindi makatingin sa akin si Jia at alam ko na kung bakit. Alam kong tulad ng iba, may takot rin siya sa akin pero hindi ko alam kung bakit.

Simula pagkabata, ayaw niya na talagang tumitingin sa akin pero noong huling pumunta siya dito, ang lakas ng loob niyang kalabanin ako? Tss!

"Paano ako uuwi ng ganito ang itsura ko?" Hindi pa pala siya nakakapagpalit ng damit at masasabi kong grabe talaga ang mangyayari kaya si Angel ang nagalit.

Punit-punit na ang damit ni Jia at puro pasa talaga siya, pumutok din ang labi niya dahil sa mga sampal ni Angel.

Ayaw kasi ng babaeng iyon sa mga sinungaling tapos binaliktad pa yung kwento nila ni Aisha kaya ayon wala na, hindi na siya napigilan pa

"Hanggang sa gumaling ang mga sugat mo sa mukha, doon ka muna sa condo ni Angel, pero pagkatapos niyon, wala na kaming responsibilidad sayo."

Sa kotse ko pinasakay si Jia, mahirap na baka pati si Ken landiin niya at sa oras na mangyari iyon, baka hindi lang pasa ang abutin niya sa akin.

Nakasunod lang naman sa akin ang kotse ni Ken. Hindi ko nga alam kung bakit iyan nandito, nagulat na lang ako kanina nang inakbayan niya ako paglabas na paglabas ko pa lang ng cafe.

Sa New York siya nakatira kaya nagulat ako kanina kung bakit nandito siya at wala man lang pasabi!

"Thank you for stopping her a while ago." Oh wow! The bitch is thanking me? That's new, mukhang may nadulot din palang mabuti ang pagsampal ni Angel sa kanya.

Marunong na siyang magpasalamat pero kailan kaya siya matututong humingi ng tawad? Ipasampal ko kaya ulit 'to kay Angel?

"Siguro hindi lang pasa ang aabutin ko kung hindi mo siya pinigilan." I remained calm and silent since wala naman akong sasabihin sa kanya.

Pagdating namin sa condo unit ni Angel, pinindot ko na ang passcode niya kaya ngayon nandito na kami sa loob.

Ito yung condo unit na niregalo namin sa kanya noong nag-eighteenth birthday siya, so hindi talaga ito ang main niya.

"Huwag na huwag mong pakikielamanan ang mga gamit ni Angel, kung ayaw mong madagdagan ang mga pasa mo. Kabisado niya ang bawat ayos ng mga nandito at malalaman niya kung may ginalaw ka o may pinakielaman ka." Bilin ko sa kanya nang mahatid ko siya sa guest room

Masyadong detailed si Angel pagdating sa mga gamit niya at gusto niyang nakaayos ang lahat

Nang matapos kong sabihin sa kanya ang mga hindi niya dapat gawin, iniwan na namin siya ni Ken sa unit ni Angel at tinext ko na din sa kanya ang passcode ng unit.

"Princess, date tayo? Maaga pa naman eh"

"Maaga? Hey Kenneth, it's 4pm already." Inakbayan niya na ako habang papunta sa parking lot, kainis talaga tong lalaking 'to eh

"I dont care, ang tagal din nating hindi nagkita 'no!"

"It's your fault! I was in New York for a month, but you didn't even show up and meet me!"

"I wasn't in New York that time, okay? I was in California when you were in New York that's why we were not able to meet."

"Yeah right!" Pumasok na ako sa kotse ko at ganoon din ang ginawa niya.

Bahala siya sa buhay niya, basta ako uuwi na. Buti na lang nga at hindi traffic ngayon kasi talagang gusto ko nang magpahinga, nakakapagod na eh

Pagdating namin sa bahay, hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako sa kwarto ko. Kaya na niya ang sarili niya hindi ko na siya kailangan pang samahan. Ano siya bata?

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon