Kenneth's Pov
Lumipas ang isang buwan at napansin ko ang pagiging malapit nina PV at Junwei. Hanga rin ako kay Wei eh, hindi siya napagod intindihin ang kalagayan ng pinsan ko
Nabawasan nang kaunti ang pag-aalala ko kasi hindi pinapabayaan ni Wei si PV. Minsan nga maaabutan ko na lang siya sa kitchen, nagluluto ng umagahan eh.
Madalas pa rin kasi ang pagkukulong ni Princess sa kuwarto niya kaya nagpapasalamat ako na nandiyan si Junwei para mapilitan siyang lumabas kahit minsan.
"Ken, I'm leaving today." Ayan, gaya na lang ngayon. Mukhang aalis na naman silang dalawa.
"Saan lakad niyo ngayon?"
"Nagpapasama si Wei sa meeting niya ngayon tapos pupunta kami sa Times Square pagtapos."
"Date huh."
"Di ba ang sabi ko, meeting?"
"May date pa rin, pupunta kayo ng Times Square eh."
"Wala akong panahon makipagdate."
"Kahit si Junwei ang makakadate mo?"
"Alam mo, bahala ka sa buhay mo, tsk!" Iniwan niya na nga ako kaya natawa ako sa reaksyon niya.
Asar na asar na naman eh haha!
Incoming call: Irene
Oh? Bakit 'to napatawag?
May problema kaya sa Pilipinas? Wrong timing naman siya, kung kailan nakaalis na si PV, doon siya tumawag.
Incoming call: Irene
"Crush ko! Anong mayroon?"
(HAHAHAHAHAHA | Hoy Kenneth! Ipapaalala ko lang na may boyfriend iyang nilalandi mo!)
"Hala Irene babes! Are you cheating on me? Malapit na tayo mag-one year ah!? Hiwalayan mo na iyan si Xander!"
(Lakas ng trip mo Ken! Si Cess, kumusta? | Huwag kang epal diyan Kenneth!)
"Babes patahimikin mo nga iyang si Xander, nagseselos na ako ah HAHAHAHAHA! Anyways, bumubuti naman ang pakiramdam ni PV. Lumalabas na siya ng kuwarto at kumakain na rin ng maayos."
(Mabuti naman! Nga pala, sunduin
mo kami pagdating diyan ah.)
"Sure babes! I love you mwah!"
(HAHAHAHA tigilan mo na, asar na asar na 'tong katabi ko | Papatayin talaga kita Ken!)
"Ang seloso naman ng kabit mo Irene."
(HAHAHAHA!)
Narinig kong nagtatawanan na silang lahat doon kaya napailing na lang ako sa kagaguhan ko. Ang pikon kasi ni Xander eh HAHAHAHAHA
"Nasaan kayo ngayon?"
(Stopover namin kaya nakakapag-ingay kami dito. Nga pala, nagkita ba kayo ni Prince?)
"Bakit? Nandito na ba siya?"
(Last week pa.)
Oh shoot! Nagkita kaya sila ni PV? Wag naman sana! Medyo maayos na siya ngayon, ayokong bumalik na naman siya sa pagmumukmok sa kwarto.
Pero hindi rin naman maiiwasan ang pagkikuta nila dahil next week na ang kasal nina Kuya Jaydee at Krisha.
Nalaman kasi ni PV na balak idelay nina Kuya Jaydee ang kasal kaya pinagalitan niya ang kapatid.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Ficção AdolescenteKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...
