Xander's Pov
Sinundan ko si Irene noong nagwalkout siya. Bad timing ba ang nangyari kanina?
Kasalanan ko ba kung kahapon ko lang narealize na gusto ko pala siya?
Yeah, I like her at hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa taong kinaiinisan ko
What's happening to me? Last month ko lang siya nakilala tapos nagustuhan ko na siya? Posible ba iyon?
"Why are you following me?"
"Huh?"
"Bakit mo ako sinusundan?" Hinarap na niya ako at nakikita ko talaga sa mukha niya ang inis.
"Umalis ka kasi kanina, nag-aalala lang ako kasi gabi na baka kung saan ka pa pumunta"
"Iyong kanina, ano iyon? What are you thinking? Are you really out of your mind?"
"Look Azalea, I mean it, lahat ng sinabi ko kanina totoo iyon. Liligawan kita, kaya sana payagan mo ako."
"What? You think you like me? Stop it Xander, you're just challenged because I'm different from others."
"I do! I know what I feel, so let me just express it to you." Sabi ko pa
"Xander, this conversation is going nowhere. Bahala ka na sa buhay mo, yes, I gave you a chance to know me better but I won't give you a chance to be part of my life"
After she said that, umalis na siya. She left me here alone. Doesn't she feel the same way?
"Xander, don't give up on her. She's new to these so she doesn't know how to react. Kaya mo iyan!"
"Thanks Toffer."
"You're always welcome." Sumama na ako sa kanya pabalik sa bahay nila at nagpaalam na rin ako kina Tita
"Ingat ka Xander!"
"Opo, salamat po sa dinner." Nginitian naman nila ako kaya nagpaalam na rin ako kina Princess.
Pagpasok ko naman sa bahay, sinalubong agad ako ni Ate Krisha.
Anong ginagawa niya rito?
"Ate Krisha what are you doing here?"
"Alexander! Di ko na alam ang gagawin ko! Nagiguilty na ako kasi hindi ko pa sinasabi kay Prince iyong tungkol sa Krince bar"
"Aminin mo na sa kanya ang nangyari Ate, mukha namang okay na siya ngayon. Mas mabuti na rin na malaman niya para hindi na lumala pa." Advice ko pa sa kanya
"Okay, I'll tell it to him tomorrow, bago siya pumasok. Balitaan mo na lang ako kung anong magiging reaksyon niya ah." Tumango na lang ako at tumayo na para ihatid siya
"Do you have something to say?" I looked at her when she asked me that.
"Ate Krisha, posible bang magkagusto ka sa isang babae na sandali mo pa lang nakilala?" Lalo naman siyang napangiti sa tinanong ko.
"Of course, posible naman yan. You know Xander, when it comes to love, walang pinipiling oras iyan." Sabi niya at pinaupo ulit ako.
"Magigising ka na lang na mahal mo na pala siya. Kaya nga may love at first sight di ba? Pero in my case, I don't believe that kasi para sa akin, may posibilidad na mahulog ka sa tao kung nakasama mo na siya kahit sandali lang, iyon bang tipong nakilala mo na siya."
"Ate Krisha, love agad? Hindi ba pwedeng like pa lang?"
"Hay nako Alexander Red! Doon din ang punta ng nararamdaman mo."
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...