Prince's Pov
"Prislet Gracess!" Imbis na si Prislet ang humarap sa akin, ang nakakunot na noo ni Princess ang sumalubong sa akin
"Kung makasigaw ka naman diyan, ano ba ang nangyari?" Sinalubong na nga ako ng aking pinakamamahal na asawa at kinuha na ang bag ko.
"Hmm, where's my kiss?" Ngumuso pa ako at hindi naman ako nabigo dahil hinalikan niya nga ako sa labi.
"So, why are you shouting?" Tanong niya pa habang naghahain na ng pagkain.
"Pinatawag na naman ako ni Angel sa Meraezim dahil may sinuntok na naman daw ang anak natin."
Yes, si Angel! Siya na kasi ang nagmanage at siya na rin ang tumayong principal ng university kaya sobrang stressed iyon ngayon.
"Baka naman kasi may ginawang masama sa kanya iyong nasuntok niya? Hindi naman mananakit iyang anak mo kung hindi naubos ang pasensiya niya."
"Pinagtatanggol mo pa?" Napahilot pa ako sa sintido ko dahil sumasakit na talaga ang ulo ko.
"Pakinggan na lang muna natin ang paliwanag ni Prislet, okay? Halika, hilutin ko muna ulo mo." Hinila na niya ako paupo sa sofa habang siya at nakatayo para mahilot ako.
"Nasaan na nga pala iyon?" Tanong ko dahil wala akong marinig na kahit anong ingay mula sa anak ko
"Kasama ni Shade at Jake na dumalaw sa puntod ni Krisha"
"Bukas na pala ang death anniversary ni Ate." Ngayon ko lang naalala, busy kasi ako sa kumpanya kaya nakalimutan ko.
"Yes, and we'll go to the airport later."
"Airport? Why? Anong gagawin natin doon?"
"I knew you'll forget about it haha!"
"So, anong mayroon sa airport?"
"Eroplano."
"Cess!"
"Haha joke lang! Ngayon ang balik ng iba nating mga kaibigan mula sa honeymoon nila di ba?"
Oh right! Sina Irene at Xander, pati na rin sina Aisha at Dustin.
"Isasama ba natin ang mga bata sa pagsundo?"
"Ano pa nga ba? Hindi naman magpapaiwan ang tatlong iyon."
Oo nga naman, basta galaan ang pinaguusapan hindi puwedeng mawala ang tatlong magpipinsan na iyon eh.
"May balita ka ba kay Gel? Nananahimik iyon ngayon eh." Napakibit-balikat lang naman ako dahil hindi naman kami madalas nagkikita ngayon.
"Ang sabi lang ni Toffer sa akin, feeling niya raw buntis ang asawa niya dahil lagi raw siyang inaaway kahit wala naman daw siyang ginagawa."
"Kahit naman hindi buntis si Angel palagi pa rin naman silang nag-aaway eh. Kailan ba natigil sa bangayan ang mag-asawang iyon?"
"Oo nga 'no? HAHAHAHA huwag na nga natin sila pag-usapan."
"Okay."
"Misis ko?"
"Ano?"
"Solo natin ang bahay ngayon oh."
"Obvious naman."
Ano ba iyan! Hindi man lang makuha ang gusto kong sabihin HAHAHAHAHA!
"Gusto mo na bang sundan natin si Prislet?" Bulong ko at hinila na siya paupo sa lap ko.
"Magtigil ka nga diyan, kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak mo."
"Hmm! Ang bango bango naman ng asawa ko."
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...