Xander's Pov
Simula nang lumabas si Princess mula sa VIP room, hindi na mapakali ang mga babae.
Si Irene, panay ang dial sa number ni Princess. May tinatawagan naman si Aisha habang si Angel naman ay may kausap ngayon sa phone.
Sobrang nag-aalala sila sa kaibigan. Sinubukan namin silang pakalmahin pero wala iyong nagawa.
Parang nakalimutan nga nila na kasama nila kami ngayon eh.
Si Yellie naman, hinatid na ni Prince sa bahay nila dahil mukhang galing din ito sa pag-iyak. Ano ba kasi ang nangyari sa pag-uusap nila?
"Irene, kumalma ka muna." Muli kong subok na pagaanin ang pakiramdam niya
"Paano ako kakalma Xander? Princess is out there! Wala siya sa bahay nila, wala sa university, wala rin sa madalas niyang puntahan. Sa tingin mo mapapanatag ako?"
"Malaki na si Princess, kaya na niya panigurado ang sarili niya."
"But she needs us."
"Kung kailangan niya kayo, magsasabi siya. Hayaan niyo na lang muna siya mapag-isa, baka iyon din ang gusto niya."
"Irene I just talked to Jaydee, he said Princess didn't contact her either." Pagpapaalam naman ni Angel
"How about Krisha?"
"Hindi rin." Sagot naman ni Aisha
"Airport? Nacheck niyo na?"
"Wala pang update."
Napaupo naman si Irene habang hawak ang ulo. Tinabihan ko naman siya at kinuha ang kamay niya
"She'll contact you when she's ready."
"She's never been ready." Mahinang sabi niya pero narinig ko naman
"She's hurting Xander, I know. She needs someone especially in her state right now."
"Shh, she'll be fine."
"I should've followed her immediately." Hinilamos niya pa ang kamay sa mukha. Nilingon ko naman sina Angel at Aisha na tulala na rin
Hindi nila alam ang gagawin nila, para silang nawawala. Seeing how affected they are right now, I can say that they really treasure their friendship a lot.
"Malakas si Princess, kakayanin niya kung ano man ang bumabagabag sa kanya ngayon." Narinig kong sabi ni Dustin
"She's strong yes, there's no doubt in that but she can also be very vulnerable." Sagot naman ni Aisha kay Dustin
"Princess looks invincible but she's not, she's also breaking down, she's hurting and she's... she's in so much pain right now." Angel said as she looks up, stopping her tears from falling down
I need to do something!
Agad kong hinila si Irene paalis sa Mendlop. Nagtataka man, hindi na siya nagreklamo pa at hinayaan na lang ako.
Iniwan ko na sina Toffer at Dustin dahil alam kong sila lang din ang may alam kung paano mapasaya ang mga kasama nila.
"Amusement park?"
"Yes! You have to relax and have some fun."
"But Prin—"
"Princess won't like seeing you sad. She hates seeing her friends feeling down, right?"
"Hmm."
"And I don't want to be held responsible if ever she comes back and finds out that I didn't try to make you happy."
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Fiksi RemajaKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...
