Xander's Pov
Nang mawala na ang araw, mas dumami ang umattend sa party. Sa dami ng tao, hindi ko na mahanap ang girlfriend ko.
Napakahands-on kasi nila kaya minu-minuto chinicheck nila kung maayos ba ang lahat.
Nang mapansin ang oras, hinanap ko na sa sina Prince at sinabi ko sa kanilang sisimulan na namin kung ano ang dapat gawin.
Sinignalan ko na din naman si Angel kung ano ang gagawin niya kaya okay na. I'll just wait for her there.
Pagdating namin sa rooftop, everything's perfect already and I hope she'll like it. Bago makarating sina Angel dito sa university, nandito na kami sa rooftop.
Dapat nga magpapalate kami dahil iyon ang usapan kagabi pero pinilit ko silang agahan dahil aayusin pa namin 'tong rooftop
"Dustin okay na ba ang fireworks?"
"Okay na okay na"
"Toffer how 'bout the food?" He just smiled at me
Si Prince na lang ang hinihintay namin. Sana naman magawa niya.
Sa totoo lang nanginginig ang mga kamay ko habang sinisindihan iyong mga kandila na nakaayos para magsilbing guide niya papunta sa table namin.
I hope she'll like it!
"Toffer wag mo nga upuan ang mga lobo, baka pumutok!"
"Sino puputok?" Muli niyang tanong na parang hindi ako narinig dahil sa lakas ng music mula sa party
"Ikaw! Baka maputok mo iyong mga lobo."
"Hindi iyan!" Nakaupo kasi siya doon kaya inirapan ko na lang.
Natigilan naman ako nang makita ko na ang girlfriend kong inaalalayan ni Prince. Si Angel lang kasi ang maglalagay ng blindfold kay Irene dahil kailangan siya sa party kaya si Prince na ang umalalay sa girlfriend ko
"Sino ka ba!?"
"Tss"
"Prince?" Inaalalayan ni Prince si Azalea papunta sa pinakadulo ng candle.
Tinanggal na naman ni Prince ang blindfold ng mahal ko at mukhang nag-adjust pa ang mata niya dahil sa dilim.
"Oh fu—!" Napahawak naman siya sa labi nang marealize na muntik na siyang magmura at nginitian ako.
"What's the meaning of this?" Hindi ko siya sinagot, hinintay ko lang siyang makalapit sa akin
"Ano ba kasing nangyayari?" She asked me while looking at the foods I ordered.
"Happy monthsary?" Napanganga lang naman siya nang batiin ko siya ngayon
"Wow, nag-effort ka para sa monthsary?"
"Yeah, don't you like it?"
"I love it! But you don't have to this babe, I mean just by assuring me that you love me is already enough."
"I want to do this, babe."
"And thank you for that. You're making me feel so special, baka masanay na ako niyan."
"E'di masanay ka. Mas mabuti nga iyon para wala ka nang iba pang makita bukod sa akin."
"I love you Alexander, happy monthsary."
"I love you too, My Azalea."
Tumayo naman ako at niyakap siya. I was about to kiss her but then, the fireworks stole her attention.
"You prepared all of these?" Tanong niya pa sa akin
"Yes, so I deserve a kiss."
"Adik ka talaga sa kiss!" Sabi niya pero ginawa rin naman.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...
