Chapter 19

17 0 0
                                    

Toffer's Pov

Maaga ako gumising ngayong araw para ipagluto si Angel ng breakfast. Dumaan naman muna ako sa guest room para tignan siya.

She's sleeping peacefully right now, and she really looks like an Angel. My Angel...

Inayos ko muna ang blanket sa katawan niya bago ako lumabas para magluto na. Hindi na kami makakapasok ngayon kaya hindi na ako nagmadali pa.

Incoming call: Dustin

"Bakit?"

(Iyong kapatid ko, wala kang balak ibalik iyan?)

"Haha mamaya!"

(Hindi na kayo papasok?)

"Hindi na kami aabot eh."

(Ingat kayo!)

"Nga pala, may balita na ba kayo kay Princess?" Tanong ko kay Dustin dahil alam kong paggising ni Angel, iyon agad ang iisipin nito

(Wala pa rin nga eh kaya hindi ko makausap ng maayos si Greene hanggang ngayon.)

"Sige, salamat."

Saktong pagbaba ko ng tawag, nakarinig ako ng footsteps palapit dito sa kitchen.

"Ang bango naman Toffer!" Aniya at tumabi na sa akin

"Hindi pa nga ako naliligo."

"Iyong niluluto mo kasi!"

"Haha binibiro lang kita. Good morning!"

"Morning din!"

Umupo naman siya at pinanood na lang ako. Napansin ko naman na natulala na naman siya at parang malalim ang iniisip.

"Umagang umaga, namomroblema ka agad."

"I'm thinking about Princess."

"I know."

"Kumakain kaya siya ng maayos? Nakatulog kaya siya o buong magdamag umiyak? Damn, I can't imagine how she's doing right now." Sabi niya at yumuko dahilan para lapitan ko siya

"Angel, hindi naman siguro pababayaan ni Princess ang sarili niya."

"Hindi ko lang mapigilan mag-alala."

"O siya mamaya na natin iyan pag-usapan. Kumain na muna tayo."

"Hmm, okay!"

Ako na rin ang naghanda ng mesa para hindi na siya mapagod. Ito ang paraan ko para makabawi sa mga araw na iniwasan ko siya.

"How was it?" Tanong ko nang matapos kaming kumain

She showed me her sweet and satisfied smile, so I did the same. Nakakahawa talaga ang ngiti niya haha

"I didn't know that you can cook."

"Now you know!"

"Ang tagal na nga noong huli akong nagluto, mabuti naman at nagustuhan mo." Nahihiyang sabi ko pa

"I appreciate your effort haha.

"At dahil diyan, tara may pupuntahan tayo!" Hinila ko na siya at nagpatuloy lang sa paglalakad habang hawak ang basket na may laman na pagkain

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon