Aisha's Pov
Incoming call: Angel Blue
"Hmm?"
(Anong oras na hindi ka pa gumigising?)
"What do you need?"
(First day ngayon at late ka na!)
Tumawag lang siya para sabihin 'yon? Inaantok pa ako eh! Puwede naman akong umabsent ngayon.
Bakit ba kasi nakalimutan kong ngayon nga pala ang unang araw ng klase? Hay nako!
Bahala na nga!
Pagdating ko sa room introduction lang ang naabutan ko. This is what I hate about first day of classes.
"Miss Lopez! Why are you late?" Gustuhin ko mang sagutin ang tanong niya, hindi ko pa rin nagawa dahil wala talaga ako sa mood
"So, everyone finished introducing themselves, kayong apat na lang ang hindi pa." Bumaling pa sa direksiyon namin si Sir
Tumayo na lang ako dahil masyado nang maraming atensyon ang natutuon sa amin at ayoko niyon.
"I am Aisha Greene Lopez."
"Irene Azalea Lim"
"Angel Blue Ventura"
"..."
Kahit kailan talaga tong Mendoza na ito! Napakatamad talaga magsalita eh.
"She's Princess Violet Mendoza and no, she's not a princess." Ako na ang nagpakilala sa kanya. Panigurado naman kasing hindi na naman magsasalita ang babaeng iyan.
Irene's Pov
I noticed Aisha frowning, again. She's always like that during first day ceremonies haha
Ayaw niya kasi talaga sa maingay kahit na siya ang isa sa pinakamadaldal sa amin. Naiirita rin siya sa mga babaeng walang ibang inatupag kung hindi ang mag-inarte sa harap ng mga transferees
"Cess." Napansin ko kasing wala na naman siyang pakielam sa paligid eh.
Tinignan niya lang naman ako at tinaasan ako ng kilay hudyat para magpatuloy ako sa sasabihin ko.
"You okay?" Tumango lang naman siya at pumikit na naman
"Can you go with me later after class?" Tanong ko pa
Wala ba talaga siyang balak magsalita ngayong araw? Iling at tango lang ang ginagawa niya ah?
Oh well, that's not my problem anymore.
Angel's Pov
"Angel aren't you gonna eat?" Aisha asked.
"If I know gusto mo lang kainin ang pagkain ko." Inirapan pa ako ng bruha!
Incoming call: 09*********
Tingin niya ba maiisahan niya ako? Matalino yata 'to!
Panigurado namang si Dustin ang tumatawag. Ilang beses niya nang sinubukang makausap ako pero ayoko at sisiguraduhin kong hinding-hindi mangyayari iyon.
"Angel will you please finish your food first before you lose your senses?"
Ang sungit talaga nitong si Irene while si Princess naman natutulog, na naman. Hindi ko nga alam kung natutulog ba talaga siya kasi naman, may libro na nakatakip sa mukha niya
"Aisha, is Princess sleeping?"
"Obviously"
Napansin ko namang busy si Irene sa phone niya kaya sinilip ko kung ano ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...
