Chapter 16

29 0 0
                                    

Princess' Pov

Humiwalay na muna ako kina Irene dahil baka madamay lang sila sa problema ko ngayon. Alam kong may mga iniisip din sila kaya ayoko nang dumagdag pa

Nandito pa rin naman ako sa rooftop pero lumayo lang ako ng kaunti para na rin makapag-isa

Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa akin, puro na lang kasi problema ang buhay ko.

Gusto ko rin naman kasing sumaya ng sobra parang noong dati lang pero alam ko na hindi ko na yon mababalik pa

Iyong panahon na kasama ko pa siya...

Muli ko na namang tinititigan ang litrato naming dalawa. Sana masaya siya ngayon, sana nandito pa rin siya sa tabi ko pero malabo na mangyari iyon eh

Nang ibalik ko naman ang tingin ko sa mga kaibigan ko, napangiti na lang ako ng bahagya.

I'm really happy for them. Kahit na nagsusungit ang mga iyan kina Dustin, alam kong masaya sila

Ang galing lang talaga nila maglaro ng taguan, taguan ng feelings haha

Hindi ko na namalayan pa ang oras dahil bumalik na ako sa sarili noong magdismissal na.

Kinuha ko na nga ang gamit ko at sinabihan na silang magkita-kita na lang kami sa Jaycess

Mabilis naman dumating si Irene kasama si Xander na sinundan na rin nila Aisha at Dustin.

Si Angel naman, nakasimangot pa rin. Ang tahimik niya ngayon, ganito pala ang kalabasan kapag wala si Toffer haha

"Princess nasaan na naman ang tutugtog ngayon?" Tanong ni Irene nang mapansin na walang tao sa mini stage

"Kaya nga tayo nandito." Napataas naman agad ng dalawang kamay si Irene para sabihin na ayaw niya

"Cess, uunahan na kita ah wala ako sa mood." Angel said

"Princess masakit lalamunan ko ngayon." Dahilan naman ni Aisha.

"Mukhang wala naman akong choice di ba?" Nanlaki naman ang mga mata nila kaya nagtaka ang tatlo na lalaki sa naging reaksyon nila

Simula kasi nang mawala siya sa akin, hindi na ako kumanta sa harap ng maraming tao. Nangako rin kasi ako na tanging siya lang ang kakantahan ko.

Pero wala na naman siya sa akin, siguro oras na rin para kumawala na rin ako.

"Seryoso ka Princess?" Gulat na tanong pa rin ni Irene

"Gusto mo ako na lang? Tiisin ko na lang 'tong lala—"

"No need Aisha, I'll be fine." I smiled at them assuringly.

I need to let him go...

He's not mine to keep anymore.

Sa 'king pag-iisa... ala-ala ka. Bakit hanggang ngayon, ay ikaw pa rin sinta?

Hmmmm..

'At sa hatinggabi, sa pagtulog mo, hanap mo ba ako? Hanggang sa paggising mo...

Kailanman ika'y inibig ng tunay

'Wag mong limutin pag-ibig sa 'kin na iyong pinadama. Pintig ng puso 'wag mong itago
sa isang kahapon sana'y magbalik, nang mapawi ang pagluha...

Ba't hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal?

Hmmmm..

'Di makapaniwala, sa nagawa mong paglisan. O kay bilis namang nawala ka sa akin

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon