Irene's Pov
To: Xander
Saan kayo?Tapos na kasi kaming magshopping at hindi pa rin namin sila nakikita. Saan kaya sila nagpunta?
Medyo natagalan din kasi kami sa mall dahil ang daming gustong bilhin ni Angel. Mabuti na nga lang at napigilan na ni Princess eh.
From: Xander
Dito na kami sa club, babe! Nagyaya na kasi sina Toffer ehTo: Xander
Papunta na rin kami diyan. Behave ha!From: Xander
Yess boss! Ingat kayo, I love you!"Irene, tulungan mo na nga iyang si Angel sa mga dala niya." Inis na sabi ni Princess kaya napalingon ako kay Gel na ang bagal maglakad dahil sa dami ng shopping bags na hawak
"Ayan kasi, shopping pa more!"
"Just help me, Irene."
"Tsk! Dapat boyfriend mo gumagawa nito eh." Kinuha ko na nga ang ibang gamit niya at binuhat na iyon
"Kapatid ka naman kaya ikaw na lang muna."
"Ang alin? Jowa mo? Sorry, may boyfriend na ako."
"Gaga! Ikaw muna tagabuhat ng shopping bags ko."
"Napakagaling!" Inirapan ko pa siya na nagpatawa naman sa bruha
Pasalamat siya mabait ako ngayon!
Si Princess ang nagmaneho ng sasakyan dahil iniwan na kami dito ni Ken kanina. May dadaanan pa raw kasi siya kaya hindi siya makakasama sa amin
"Ang tagal pala natin nagshopping 'no?" Tuwang-tuwa pang sabi ni Angel
"Nagtaka ka pa, never naman naging mabilis ang pagshoshopping sayo." Natawa naman ako sa sinabi ni Aisha. Halatang inis na inis eh HAHAHAHAHA
"Grabe ka sa akin ah!"
"O bakit? Totoo naman! Sakit kaya sa paa magikot-ikot."
"Bakit di ka umupo sa isang tabi?" Pagmamaldita pa ni Gel
"Wow ikaw talaga nagtanong ah? Hila-hila mo kaya ako kahit saan ka pumunta." Totoo naman HAHAHAHAHA
Natigil lang naman ang dalawa sa pagbabangayqn nang makarating na kami sa club.
Hindi naman naging mahirap ang paghahanap namin sa table kung nasaan sina Xander dahil kitang kita ko na si Toffer na nakatayo sa couch habang sumasayaw.
Lasing na lasing! Kanina pa ba sila dito? Mukhang kabubukas lang naman ng club? Ay ewan ko sa kanila!
"Hey, what happened to them?" Tinuro ko pa si Dustin at Toffer na panay ang giling habang kumakaway-kaway pa sa mga tao
Nakakahiya sila! Ni hindi naman nila kilala iyong mga kinakawayan nila haha
"Lasing na."
"Paano?"
"Nasa cafe lang kasi kami kanina tapos nagyaya si Prince sa hotel na tinutuluyan niya kaya ayon, uminom na kami doon pa lang."
"At pumunta kayo dito nang nakainom na? Sinong nagdrive?" Pagalit kong tanong kay Xander
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...