Angel's Pov
It's been 3 weeks and Toffer is still avoiding me. Nagkakasama nga kami pero parati naman siyang nasa malayo.
Madalas na kasi kaming lumabas kasama sila dahil nga sa sinasama ni Irene si Xander habang si Aisha naman ay sinasama si Dustin.
Naiinis ako! Naiinis ako kasi ang saya niya habang kausap sina Aisha pero ako hindi niya man lang matignan!
"Gel, nagtitipid ako ngayon kaya huwag mong sirain iyang laptop ko." Napatingin naman ako kay Princess na bigla na lang nagsasalita
"Huh?"
"Hindi naman kasi iyan typewriter! Kung makapindot ka naman diyan akala mo ang tigas ng keyboard tss."
"Sayo na, baka masira ko pa nga iyan." Binalik ko na nga sa kanya dahil wala akong balak magbayad kung masira ko iyon
Nandito kami ngayon kina Irene dahil niyaya niya kaming magsleepover. Matagal na rin ang huli naming sleepover kaya ayon!
"Cess, baka masipa ka niyan ni Irene HAHAHAHA." Sabi ni Aisha dahil biglang tumabi si Cess kay Irene na kanina pa natutulog.
"Hindi iyan!" Sabi pa niya at sumiksik pa kay Irene para yumakap.
"Princess gisingin mo na nga yang si Irene. Ang haba na ng tulog niyan ah." Inilingan naman ako ni Cess
"Let her sleep, puyat yan kagabi." Princess said
"Puyat? Ang aga natin natulog kagabi ah."" Sabi naman ni Aisha na nakafocus pa rin ang mata sa TV
"Nambulabog kaninang 3am si Xander para lang makausap 'tong si Irene. Hindi niyo namalayan kasi ang sarap ng tuloy niyo."
Oh, okay!
"Gel, may nagtext sayo."
Halos malaglag naman ako sa sinabi ni Aisha kaya nagmadali akong kunin ang phone ko sa tabi niya. Nakacharge kasi eh.
"Nagtext na si Toffer?" Tanong ni Aisha habang sumisilip sa phone ko
Akala ko nga siya na eh!
"Hindi!"
"Sino iyan?" Tinuro niya pa ang phone ko
"NDRRMC!"
Tawang-tawa naman silang dalawa sa sinabi ko. Nakakainis talaga! Oo na aaminin ko na, miss ko na si Toffer!
Iyong mga pang-aasar niya sa akin, mga pambubwisit niya! Bakit kasi siya iiwas kung kailan nasanay na ako sa presensya niya?
"Makatitig ka naman diyan sa picture ni Toffer, bakit hindi mo na lang siya titigan sa malapitan? Nasa baba lang naman sila." Napatingin naman ako kay Aisha
"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" Napailing-iling naman siya at nakita kong nakatingin lang din sa akin si Princess
"Nagsave ka pa ng picture ni Toffer, parati mo naman nakikita." Sabay turo pa ni Cess sa phone ko
Oh shit!
Yeah, I saved a photo of him. Kinuha ko galing sa IG niya kasi ang guwapo niya doon eh.
"Hay nako Angel, umamin ka na kasi! Kami lang naman 'to." Napakunot na ang noo ko sa sinabi ni Aisha
"Anong aaminin ko?"
"Anong aaminin ko?" Panggagaya pa sa akin ni Princess kaya natawa ako
"Parating tinitignan nang palihim, nakamonitor sa social media, nagsave ng picture, at nakaabang sa phone araw-araw. Hmm? What can you say about that?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Cess
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...
