Chapter 47

37 0 0
                                    

Princess' Pov

Nawala ang inis ko kanina nang kumpirmahin nga ng doktor na buntis ako. Para bang biglang napalitan ng saya lahat ng inis na naramdaman ko nitong umaga

Sinabi rin ng doktor na normal lang ang pagsusungit ko dahil matindi raw talaga ang mood swings kapag nagbubuntis.

Akala ko noon simpleng cravings lang dahil every month naman, may week talaga na lagi akong gutom.

Akala ko rin na pagod lang ako sa paggawa ng mga requirements ko sa school, isabay pa ang business ko kaya ako parating inaantok at nahihilo pero iba na pala.

Hindi ko kailanman naisip na buntis ako kaya hindi rin ako pumapayag na magpacheck-up dahil akala ko stressed lang ako.

Napahawak naman ako sa puson ko at hinaplos iyon kahit wala pa naman masyadong bump.

"Happy birthday, mahal ko." Sinalubong ko ng yakap si Prince nang pumasok siya sa kuwarto dala ang vitamins na binili namin kanina

Birthday niya gayon ni Prince pero hindi ko agad siya nabati kaninang umaga dahil nga sa sama ang pakiramdam tapos idagdag mo pa ang inis ko sa kanya.

"Thank you." Hinalikan niya pa ako sa noo at hinila ako paupo sa kandungan niya nang mapaupo siya sa kama

"Are you happy?"

"No words can explain how happy I am right now. We'll be having a baby soon, and this is the best gift I've ever received, Princess Violet."

"Unexpected gift haha."

"And very special."

Napangiti naman ako kahit na nangingilid na ang luha ko. Gosh! Why am I so emotional?

"By the way, do you want to tell our friends now? Malapit na daw sila eh."

"Ikaw ang bahala, gusto mo ba?" Tanong ko naman pabalik sa kanya

"Malalaman din naman nila eh. Atsaka, alam kong matutuwa rin ang mga iyon kapag nalaman nila."

"Then let's tell them later."

Napagdesisyunan na nga naming bumaba para masalubong ang mga kaibigan namin na parating na.

"SURPRISE!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat kaya inalalayan naman ako bigla ni Prince

Bakit kailangan sumigaw?!

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday~~ happy birthday to you!"

Sabay sabay silang kumanta habang papasok ng bahay at may hawak pang cake si Toffer. Si Xander at Dustin naman ang nagpaputok ng party poppers habang sina Aisha, Angel at Irene ay may hawak na mga lobo.

Nang makapasok na nang tuluyan sina Toffer, agad nilang sinugod si Prince at tinulak sa sofa para daganan ito.

Napakamature talaga nila grabe! Tss.

Daig pa ang mga bata eh.

"Princess!" Napalingon naman ako sa tatlo na patakbo ring pumunta sa akin para yumakap.

Nakalimutan ko palang sabihin sa kanila na nakauwi na ako kahapon. Oh well, sobra akong napagod sa biyahe kaya hindi na ako nag-abala pa magsabi sa kanila.

"Kailan ka pa nakauwi?" Tanong agad ni Irene

"Kahapon lang."

"Kahapon? Bakit hindi ka nagsabi, e'di sana nasundo ka namin." Sabi pa ni Gel

"May klase kayo di ba? Atsaka nakatulog na agad ako eh."

"We missed you so much!" Niyakap naman ako ulit ni Aisha kaya napasimangot na ako

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon