Princess' Pov
Bangag na bangag ako ngayong hapon dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi.
Napuyat ako sa apat na makukulit na iyon tsk! Hindi tuloy ako nakapasok ng morning class ko.
Nang makapasok ako sa room, sinalubong agad ako nina Aisha at Angel na mukhang excited pa samantalang ako dito ay lutang na lutang.
"Princess guess what?!"
"What?"
"Guess nga eh!"
"Just spill it up Aisha."
"Badtrip na naman ang prinsesa." Narinig ko pang bulong niya kay Angel
Patuloy pa rin naman sila sa pagtalon kaya napangiwi na lang ako sa sobrang hyper nila. Ano bang mayroon?
"Don't jump too much Greene, I don't want them looking at you." Napairap na lang ako sa sinabi ni Dustin kay Aisha. Sila na ang sweet!
Ay wow, akala mo naman hindi kami sweet ni Prince kagabi? Fuck! Naaalala ko na naman tuloy mga nangyari kagabi.
"Hiramin ko muna si Greene ah." Hinila niya na nga si Aisha at umalis na silang dalawa
Umupo na lang ako at hinayaan si Angel magmukhang tanga habang nakatayo sa harapan ko.
Hindi na rin nila nasabi sa akin iyong sasabihin nila. Hay nako!
"AB, I might kill those guys who keeps on checking you out. Baka nakakalimutan mong nakaskirt ka?"
"Ay oo nga pala I forgot! Sorry."
Lumayas kayo sa harapan ko! Ang sasakit niyo sa mata! Ang sakit na nga ng ulo ko, dadagdag pa kayo?
"Alis nga!" Ginaya niya pa ako para mang-asar kaya binato ko siya ng ballpen
"Lim! Ilayo mo nga 'tong babaeng 'to sa akin."
"Grabe Cess! Pinapamigay mo na ako, I can't accept this!"
"Drama mo." Umirap pa ako at pumikit na lang dahil ang sakit talaga ng ulo ko
"Halika nga rito! Baka makasapak pa ako ng lalaki eh, daming tumitingin sayo." Hinila na rin ni Toffer si Angel kaya naiwan na ako dito mag-isa
Natahimik din sa wakas!
Teka, nasaan nga pala si Prince? Hindi ba siya papasok ngayon? Lumingon ako sa upuan nila pero wala siya.
"Si Prince ba? Wala eh." Tumango na lang ako sa pang-aasar ni Toffer.
Nang magsimula ang klase, nakabalik na rin naman iyong dalawa pero nanahimik na sila. Dapat lang!
Habang nagdidiscuss, biglang tumunog ang fire alarm kaya agad na nag-evacuate ang mga estudiyante.
Bakit walang sinabi na may fire drill ngayon?
Nagkatinginan naman kami nina Angel pero nagkibit-balikat lang sila.
Nang makarating kami sa evacuation area, may mga fire truck doon, ambulansya at mga bumbero.
Ang biglaan naman yata?
Kung ano-ano na ang sinabi ng mga nagsasalita sa harap at wala akong maintindihan dahil hindi naman ako nakikinig haha
"Yes this is a fire drill but the truth is, I just made this as an excuse to surprise my woman and tell everyone how I feel for her."
What?
Napatingin ako sa harapan at nakita kong nandoon si Prince. Anong ginagawa niya diyan?
Bigla naman lumapit sa kanya si Dustin at inabot ang gitara. Will he play it? Damn it's been a long time huh
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...