Chapter 39

25 0 0
                                    

Aisha's Pov

"Huwag kang magulo Dustin Blue!" Nagtaklob ako ng kumot para hindi niya ako magulo

Inaantok pa ako eh!

"Bumangon ka na diyan! Sige ka, kapag sina Irene na ang umakyat dito, lagot ka talaga." Napabangon naman ako nang mabanggit niya ang pangalan ni Irene

Nagsleep-over kasi kami dito sa bahay nila sa hindi malamang dahilan. Wala, trip lang siguro nilang magpuyat kagabi tapos tinamad na umuwi.

"Maligo ka na ah, sa baba na ako." Iniwan na nga ako dito ni Dustin kaya nag-ayos na ako ng sarili

Nang matapos, dumiretso na ako sa dining area dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Nasa ikalawang palapag pa lang kasi ako, amoy ko na agad ang masarap na niluluto ng kung sino man sa kanila

"Hay salamat!" Napatingin naman ako kay Gel

"Ano?"

"Bakit ba tanghali ka na nagising? Ano pa bang ginawa niyo nitong si Dustin pagtapos natin manuod ng movie?"

"Nabitin kami sa pinanood natin kaya nanood pa kami pagkatapos." Sagot ko kay Angel

"Sus! O tara na kain na tayo." Umupo na nga kaming lahat sa kanya-kanya naming upuan para makakain na

"May balita na kayo kay Cess?" Tanong ko naman habang kumukuha ng pagkain

Nag-aalala na kasi ako sa kanya eh. Tumatawag ako sa phone niya pero hindi naman niya sinasagot.

"She answered my call." Lahat naman kami ay napalingon kay Irene

"Kumusta raw siya?" Agad na tanong ni Angel

"Babalik na ba siya?" Tanong ko pa

"She's hurting a lot, sabi niya nawawala na raw siya. Umalis siya para hanapin ang sarili niya, para mapawi ang sakit na nararamdaman niya pero nang makausap ko siya kagabi, parang mas lumala lang iyon."

"Lumala? Bakit?" Si Toffer naman ang nagtanong

"Nakita niya iyong wedding invitation."

"Fuck! Sinabihan ko na si Prince na huwag padalhan si Cess ah?" Kinausap ko mismo si Prince dahil alam ko ang magiging epekto niyon sa kaibigan ko.

"Baka iyong kay Ken?" Napalingon naman ako kay Xander

"I mean, hindi lang naman si Prince ang gumawa ng guestlist, Yellie contributed too." Sabi niya pa

"Do you think she'll be fine?"

"She was crying when I called her. I didn't know what to say, I felt bad for not being there for her."

"Hey, it's okay. Pupunta naman tayong New York eh, we can finally be with her." Pagpapagaan ko sa loob ni Irene

"Jaydee is not there to comfort her. Yes, Ken is with Cess but it's still different when there's more people supporting her."

"Irene, you know that Princess will feel bad if she finds out that you're crying because of her." Paalala ni Angel kaya iyong pabagsak ko na sanang luha, pinigilan ko na rin

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon