Irene's Pov
"Stop it!"
"Why? Hmm?"
"Shh! Tigilan mo na kasi!"
"Bakit ba? Ang bango ng leeg mo eh." Muli ko na naman siyang kinurot dahil sa kakulitan niya.
Kanina niya pa kasi ako hinahalikan sa leeg dahil ang bango raw.
Nakakahiya na kaya! Alam naman niyang nandito sina Toffer at Angel pero patuloy pa rin siya sa panlalandi sa akin.
"Hayaan mo na kasi ako Azalea"
"Hindi ka ba nahihiya kina Angel?"
"Bakit ako mahihiya, akin ka na naman?"
"Ewan ko sayo, ang kulit mo!"
"Ang Azalea ko kinikilig ayieee~~"
Hindi ko na lang siya pinansin at nagfocus na lang sa movie. Bahala siya diyan, hindi naman siya magpapapigil eh.
"Ay!"
"Sorry na baby ko sige hindi na ako makulit basta pansinin mo na ako. I love you." Pabiro ko naman siyang sinampal sa pisngi at yumakap na ulit
"E'di kayo na ang sweet!" Sabay na sabi ni Toffer at Angel kaya nagkatinginan sila.
"Luh, baka kayo." Pang-aasar ko pa
"Oo nga, sarap ng higa mo diyan p're ah." Natawa na rin ako sa sinabi ni Xander.
Nakaunan kasi ang ulo ni Toffer sa kandungan ni Angel habang si Angel naman ay nakasandal sa sofa na inuupuan namin ng boyfriend ko
"Azalea iwan na natin sila dito?" Bulong naman sa akin ni Xander nang hindi na kami pansinin ng dalawa
"Saan naman tayo pupunta?"
"Sa room mo?"
"Bakit sa room ko?"
"May gagawin tayo." Tinaas baba niya pa ang kilay niya kaya napakunot ang noo ko.
"Tsk dito na lang tayo atsaka ano namang gagawin natin sa kuwarto ko?"
"Gagawa ng baby?"
"Aray! HAHAHAHAHAHA tama na masakit!" Tumayo na siya at nagtatakbo sa buong theatre room.
"Aray! Sorry na sorry na! Hindi ko na uulitin HAHAHAHAHAHA!" Hindi ko kasi siya tinigilan ng hampas.
"Bakit ka ba nanghahampas? Iyon din naman ang gagawin natin sa future ah?"
"ALEXANDER!"
"HAHAHAHAHA oo na! Hindi na po!" Pinigilan niya na ang mga kamay kong sumasabunot na sa buhok niya ngayon.
Nang hilahin niya ako, napaupo ako agad sa lap niya dahil nawalan ako nang balance. Inirapan ko lang siya habang hinahalik-halikan pa ang balikat ko
"Toffer nakikita mo ba ako?"
"Oo naman AB, ako ba nakikita mo?"
"Oo pero grabe iyong dalawa diyan hindi yata tayo nakikita! Ni hindi nga naisip na may kasama silang dalawa eh!"
"Okay lang yan AB kahit hindi nila tayo pansinin wag mo nang alalahanin iyon kasi ako, lagi lang sayo ang atensyon ko at ikaw lang ang lagi kong pagtutuunan ng pansin"
Kinilabutan naman ako sa sinabi ni Toffer kay Angel kaya sinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib ni Xander na tawang-tawa rin sa sinabi ng kapatid ko
Nang natapos ang pinapanood namin, lumabas na kami at tumungo sa dining room. Gabi na pala potek!
Masyado kaming nag-enjoy kaya hindi na namin namalayan ang oras.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...
