Chapter 24

17 0 0
                                    

Princess' Pov

Nang makabalik sina Irene at Xander, magkaholding hands na sila kaya alam ko na agad na ayos na sila

"Balikan mo na si Aisha doon, baka lasing na." Bungad ko kay Irene kaya bumalik na ng sila sa pool area

"Ikaw, hindi ka iinom?" Napalingon naman ako kay Angel na may dalang snacks

"Sino magbabantay sa inyo kapag nalasing ako?"

"Haha kahit kaunti lang, birthday ko naman."

"Alam mong hindi na ako titigil kapag nagsimula." Sabi ko pa

"Nandito naman ako, kaya sige na uminom ka na." Napataas naman ang kilay ko nang biglang sumabat si Prince sa usapan namin ni Gel

"What?" Pagkaklaro ko pa sa sinabi niya, baka kasi namali lang ako ng dinig.

"You've been away for a month, you should spend time with your friends."

"I...I know what to do, thank you."

"Alright." Sabi niya at umalis na

What the fuck did just happen? Iniiwasan ko nga siya pero siya naman ang kusang lumalapit.

Sabay na kaming pumunta ni Gel sa pool area at nakita namin na naghuhubad na si Aisha. This is what I'm saying.

"Babe, pigilan mo si Aisha." Narinig ko pang sabi ni Xander kay Irene

"Hayaan mo, nakaswimsuit na naman iyan." Nakita ko ngang nakasuot ng two-piece si Aisha at mabilis nang tumalon sa malalim na parte ng pool

"Hoy hindi niya abot iyan!" Sigaw naman ni Angel nang makitang kamay na lang ni Aisha ang kita

What the fuck! HAHAHAHAHAHAHA

"Lasing na iyan gago!" Natatawa pang sabi ni Irene habang tinatawanan lang si Aisha

"Tulungan niyo na, baka mamatay pa iyan diyan." Sabi ko pa sa dalawa

"Hayaan mo, ginusto niya iyan." Lasing nang sabi ni Irene

"Gaga ka talaga! Tabi nga." Binatukan pa ni Gel si Irene at kinuha ang salbabida at tinapon kay Aisha

"Ang saya!" Napailing na lang ako sa sinabi ni Aisha nang makaahon. Baliw talaga!

"See? She enjoyed it!" Tatawa-tawa pang sabi ni Irene

"Xander, pagpahingahin mo muna iyang si Irene. Mahihirapan ka diyan kapag nalasing pa iyan nang sobra." Sabi ko kay Xander na nakaakbay ngayon kay Irene

"Yeah, she drank a lot."

Ako naman ang pumalit sa puwesto ni Irene nang alalayan na siya ni Xander papasok sa bahay.

Kumuha na nga ako ng bote at binuksan iyon para uminom na rin. I think I'll need this too, to calm myself down.

"What's up with you and Prince? You're avoiding him." Tanong sa akin ni Angel habang pinapanood si Aisha na lumulutang lang sa pool

"It's for the best."

"Yeah?"

"Hmm."

Bumalik na lang ako sa pag-inom at nanahimik habang pinapanood na ang mga lalaking naglalaro ng water gun ngayon.

"I'll just join them, okay lang?" Paalam naman sa akin ni Gel habang hinuhubad na ang pamatong niya

"Sure go ahead, enjoy your day."

"Hindi ka sasali?"

"Dito na muna ako." Tumango naman siya at tumakbo na papunta sa pool

Nagulat naman ako nang biglang umupo si Dustin sa upuan na nasa harapan ko. He's already shirtless, mukhang plano na ring magswimming.

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon