Chapter 48

7 0 0
                                    

Prince's Pov

Makalipas ang ilang buwan, umuwi ulit sina Mom and Dad dito sa Pilipinas dahil kabuwanan na nga ng asawa ko at gusto raw nilang makita ang mukha ng pangalawa nilang apo.

Oo, asawa ko. We had a civil wedding months ago, we agreed to do that first then we'll just marry again in the church when our child grows up.

From: Angel
Prince, pauwi ka na ba?

To: Angel
Oo, may nangyari ba?

Si Angel kasi ang nagbantay ngayon dahil pumasok ako sa opisina. May pinaasikaso kasi sa akin si Dad saglit.

Pauwi na rin naman ako pero bigla akong kinabahan nang magtext si Angel.

Pagdating ko naman sa bahay, nakita kong bukas lahat ng ilaw at parang may nagkakagulo sa loob.

Teka! Bakit ang daming sasakyan?

May party ba kami ngayon?

"Cess! Mom, anong nangyayari?" Naabutan ko kasi silang pababa ng hagdan at dahan-dahang inaalalayan ni Mom at Angel si Princess

"Manganganak na yata ako!"

"Ano? Manganganak ka na?"

"Paulit-ulit?! Lumayas ka nga sa harapan ko!"

"Bakit ako aalis? May nagawa ba akong masama o something na ikagagalit mo?" I asked her again pero nakita ko naman na hinampas ni Angel ang noo niya

"Aalis ka diyan o itutulak kita? Bangag ka ba ha? Manganganak na nga ako kaya lumayas ka riyan dahil hinaharangan mo ang daanan!"

Napansin ko ngang nakaharang ako kaya binuhat ko na siya at ipinasok sa kotse ko. Sumunod na rin naman sina Angel at ang iba pa naming mga kaibigan.

Inasikaso agad kami ng mga nurses. Tinawag din naman nila agad ang doktor ni Cess para ipaalam ang pagdating namin.

Dinala na siya agad sa delivery room pero pinigilan ako ng nurse nang akmang sasama ako sa loob.

"Hanggang dito na lang po kayo, Sir." Tumango na lang ako at tinanaw ang mahal kong hinihimas pa rin ang tiyan niya

"Mom, she'll be fine right?"

"Yes of course, Princess is a strong woman." Sabi niya pa habang hinahaplos ang likod ko

"Kayo naman, bakit nanonood lang kayo kanina kay Cess? Ni hindi niyo tinulungan makababa!" Hinarap ko naman sina Dustin, Toffer at Xander na nakasunod na rin

"Kadarating lang din naman n'on! Nagulat kami sa nangyari."

"Tss." Umupo na nga lang ako sa upuan na nandoon at patuloy na nagdasal na maging safe ang delivery niya.

"Anak, okay ka lang ba? Pinagpapawisan ka." Tumabi pa sa akin si Mom

"Okay lang ako Mom, nag-aalala lang ako kay Cess."

"She can do it." Bulong niya pa at tinapik ang balikat ko

Ilang oras din ang nakalipas nang lumabas sa delivery room si Dra. Pace kaya tumayo na ako para salubungin siya. 

"How is she?"

"She'll be transferred to her private room in a while."

"How about our baby?"

"She's a healthy baby girl, you'll see her later."

"Thank you Doc."

"Congratulations." Tinapik niya ang balikat ko at umalis na nga

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon