Toffer's Pov
"Prince tulala ka na naman diyan, ano bang problema mo?"
"Bakit ba kasi hindi pa siya sumama pabalik dito sa Pilipinas?"
"Iyan pa rin ang iniisip mo? P're, isang buwan na ang nakalipas mula nang umalis tayo ng New York pero hanggang ngayon iyan pa rin ang iniisip mo? At bakit ka ba nagdadrama diyan, parati naman kayong magkausap?"
Kami pa lang ang magkasama ni Prince dahil sinamahan muna nina Xander at Dustin iyong mga babae na bumili ng pagkain namin.
Vacant namin ngayon kaya dito muna kami tumambay sa bleachers habang nanonood ng mga nagkaklase sa PE.
"Toffie!"
"Magtago ka na HAHAHAHAHAHA." Kung puwede lang eh! Lintik na Prince na 'to, tinawanan lang ako!
Nandito na naman kasi si Ate Krisha para kulitin ako. Sa kasamaang palad, pinaglilihian niya ako, ni hindi ko alam kung bakit!
Ganoon na ba ako kagwapo na pati ang mga buntis, pinaglilihian ako? Tsk!
"Ate, hehe bakit nandito pa kayo? Jaydee B, akala ko ba flight niyo na pabalik sa New York?"
"Nagtantrums sa airport, ayaw umalis dahil hindi ka raw niya makikita. Kaunti na lang talaga, pagseselosan na kita." Napairap na lang naman ako sa sinabi niya
Huhu! Dapat natuloy na sila sa New York eh!
"Aray ko po! Ate huwag, masakit!"
Pucha! Torture mga p're!
"Ang cute mo talaga Toffie! Ang sarap pisilin ng mukha mo!" Pinagtawanan pa ako nina Prince at Jaydee kaya sinamaan ko sila ng tingin.
Simula nang makarating sila dito, panay na ang pisil ni Ate Krisha sa pisngi ko. Pakiramdam ko nga namamaga na iyon sa higpit ng pagpisil niya eh
"Oy! Nandito pa pala kayo Jaydee? Hi Ate Krisha!" Kumaway pa si Dustin
"We bought pizza na lang ha!" Maarteng sabi naman ni Aisha na may dalang box
"Ate Krish, you want?" Pag-aalok naman ni Xander
"Nah! Ikaw, Toffie gusto mo ba ng pizza?"
"Ayoko, Ate Krish. Mamaya na lang siguro ako kakain."
"What? Hindi puwede! Kailangan mong kumain! Tignan mo nga iyang katawan mo, nangangayayat ka na." Wow, tinanong niya pa ako ha? Tsk!
Halos mabilaukan naman ako nang isubo niya sa akin ang pizza. Kinain ko na nga lang ang bigay niya dahil baka magtantrums pa 'to dito, nakakahiya.
"Toffie, mamaya pumunta ka sa bahay ah."
"Ha? Bakit? Anong gagawin ko doon?" Sinulyapan ko pa si Jaydee na nagpipigil na ng tawa.
Oh no!
"Just go there! I'll make something for you."
"Bumili siya ng maraming carrots, Toffer. Mukhang gagawa na naman ng shake." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Jaydee
Oh shit! No way, not again!
Last week kasi, tumambay kami sa kanila dahil nagyaya si Jaydee na doon na kami kumain. Si Ate Krisha naman, bigla akong nilapitan at may inabot sa akin na baso
Unang tingin ko pa lang doon, sumama na agad ang pakiramdam ko. I fucking hate carrots and that night, she made a carrot shake for me!
Masuka-suka na talaga ako pero pinigilan ko dahil baka umiyak na naman si Ate Krish. Kinabukasan niyon, hindi ako nakapasok sa sobrang sakit ng tiyan.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionKaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hangga...