Chapter 8

23 1 0
                                    

Toffer's Pov

On the way na ako papunta sa campus, dahil pinapapasok kami ng maaga ni Prince. Ano kayang mayroon?

Isa pa pala! Bakit kaya hindi sa bahay natulog si Irene? Kanina kasi gigisingin ko na dapat siya pero pagpasok ko sa kuwarto niya, ang linis at walang tao

"Tagal mo!"

"Wow naman Xander! Parang 5 minutes lang akong late eh"

"Whatever."

"Prince ano ba kasing gagawin natin at kailangan pa natin pumasok ng maaga?" Tanong ko nang makita ko siyang nakasandal sa hood ng sasakyan niya

"We'll talk about some matters"

Hindi na nga ako nagtanong pa dahil baka kung ano pa ang sabihin nila para lang manahimik ako.

"At bakit kailangan dito tayo sa rooftop?" Tanong ko ulit na may halong pang-aasar haha

"Occupied na ang ibang lugar"

"Hmm? Talaga ba?" Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya napataas na lang ako ng kamay.

Umupo kami sa lapag dahil baka mapagalitan pa kami ng apat na masusungit kapag umupo kami sa upuan nila

"Kilala ko na ang pinapabantayan sa atin"

"Sino?"

"It's Brianna Gelene Anderson"

"Who is she? I mean I heard her name before but, what's with her?" Tanong naman ni Xander

"I still don't know. I just heard Ate Krisha talking to Mom then she mentioned Anderson's name."

Napabuntong hininga na lang kaming lahat dahil hindi namin alam kung paano magsisimula.

I just really don't get it! What's with that woman?

"Toffer mukha kang tanga diyan"

"Wow nahiya naman ako sayo Dust"

"Dust ka diyan! Ano ako, alikabok?!" Binato niya pa ako ng bag niya na naiwasan ko naman.

Natigilan naman kami nang makita sina Irene na nagtatakang nakatingin sa amin.

"What are you doing here?"

"Ah Angel, ano we were just discussing things." Bakit ba ako kinakabahan?

"What?" Segunda pa ni Irene

Teka, parang kulang sila ah? Nasaan si Princess?

"We talked about Anderson, it's better to talk about her here instead of other places right? I mean, it's safer when there's no one around." Paliwanag naman ni Xander

"Tss now that you're done, maybe you can leave?" Pagpapaalis na sa amin ng kapatid ko

"Yeah, sorry." Umalis na nga kami nina Prince sa rooftop.

Hindi na rin kami nakipag-argumento dahil mukhang wala sila sa mood. Mahirap na 'no! Baka kami pa ang pagbuntunan.

"Bakit ba kasi hinila niya pa si Princess?"

"Oo nga eh! Iyan tuloy!"

"I guess he'll be fired after this."

"Ano ba kasi ang nangyari?"

Napatingin naman ako sa mga kababaihan na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko na pinag-uusapan si Princess.

"Excuse me, anong mayroon dito?" Tanong ko sa babaeng nakita ko

The Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon