Him
"Maddie, sino ba kasi yang papakita mo sa akin?" naiinis na sabi ko kay Maddie nang hatakin niya ko papuntang garden
"Shsssssh! Baka marinig tayo dito, Fern" nasa likuran ako ni Maddie habang nandito kami't nakatago sa isang malaking poste
"Ayaaaan na siya! Si Curt!" parang kiti-kiting pumapadyak si Maddie habang ngiting-ngiti na nakatingin sa mga lalaking papalapit na sa amin
Tinignan ko ang nangungunang lalaki, maputi siya at matangkad, may mapupulang labi at matangos na ilong, sa t'wing siya'y ngingiti ay parang hihimatayin ang mga babae, but not me!
May nakaagaw pansin ng mga mata ko, siya'y matangkad rin katulad nung lalaking kinakikiligan ni Maddie, pag tumingin ka sakanya ang simple simple lang niya, hindi nakawax ang buhok niya pero bumagay sakanya ang buhok niya na medyo may pagkakulot, mapupula rin ang labi niya, hindi siya ganun katangos at ang isa pa, nakasalamin siya! he's not my type pero mas gusto ko ang itsura niya keysa doon sa lalaking mahangin na nangunguna pa, kung titignan siyang mabuti hindi siya ganun kagwapo, pero may itsura, at isa pa sa t'wing titignan ko siya ang misteryoso ng dating niya sa akin
Nang papadaan na sila sa harap namin, ni walang reaction ang makikita sa mukha ko, si Maddie lang itong hiyang-hiya at pulang pula pa ang pisngi ng ngitian siya ni Curt, ang sabi sa akin ni Maddie, gusto niya si Curt pero hindi ko alam kung bakit wala naman akong kakakitaang kagwapuhan dun sa Curt na yun
Nalipat ang tingin ko dun sa lalaking nakasalamin, at feeling ko bumilis ang tibok ng puso ko nang tapunan niya rin ako ng tingin, napangiti ako nang malagpasan niya ko, sinundan ko nang tingin ang papalayo niyang likod, at bago pa ako makapagreact bigla na lang akong niyakap ni Maddie
"Ohmaygadh! nakita mo ba yun Fern? wow! grabe! nginitian ako ni Curt" hinayaan kong magkwento sa akin si Maddie habang naglalakad kami papunta sa room namin, it's our first day in highschool at feeling ko gusto ko nang umuwi agad at matulog dahil sa napagod agad ako
"Hoy Fern ah! Ikaw ah! Ano yung tinginan mo kanina kay Mason ha? gusto mo ba siya ha?" napaiwas ako ng tingin kay Maddie nang bigla niyang naitanong yun
"Ha? Mason? Sino naman si Mason?" pagmamaang-maangan ko kahit tuwang-tuwa ako at nalaman kong Mason pala ang pangalan niya
"Yung lalaking kasama ni Curt kanina sa garden, yung lalaking nakasalamin" paliwanag pa ni Maddie, kahit nung una palang ay naintindihan ko na agad
"Mason pala ang pangalan niya ..." hindi ko napigilang mapangiti, at kiligin sa loob
"Ohmygod! Don't tell me si Mayson ang gusto mo?" nanlalaking matang tinignan ako ni Maddie habang nakaturo pa sa akin
"W-why? may girlfriend ba siya? atsaka ... di pa nga ko sure kung may gusto na ako sakanya eh ..." tinignan ako ni Maddie na parang di makapaniwala at bago pa siya magsalita ay umupo na kami sa upuan, hindi na namin ulit napagusapan ang tungkol kay Mason nang ayusin na ang sitting arrangement namin, sa pangatlong row nakaupo si Maddie habang ako ay nasa last row, ngumiti ako sakanya nang irapan niya si Maam dahil hindi kami pinagtabi
"Nakakainis talaga eh, hindi tayo magkatabi" nakabusangot na sabi ni Maddie, kumakain kami ngayon sa canteen at halos hindi magkamayaw ang mga trabahador sa canteen dahil sa dami ng estudyante
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...