Regalo
Ilang araw ang lumipas at dumating na rin ang araw na iniintay namin, sama sama kaming naghahanda sa isang mahabang lamesa kung saan malapit sa dagat, sa paligid ay may mga lantern na nakadisplay sa buhangin, maggagabi na kasi at magnonoche buena na rin, napagpasyahan kasi nila na dito kami magnoche buena, pinayagan naman kami basta raw ay panatilihin namin na malinis ang paligid, habang naglalakad ako papunta sakanila ay nagagandahan ako sa paghampas ng tubig sa dagat, malayo ito para makaabot sa pinaghahandaan namin, white beam waist dress ang isinuot ko dahil kulay puti at red lang raw dapat ang kulay ng attire namin, pinartneran ko ng kulay brown kong wedge ang dress ko na kung saan bumagay ito sa akin, naglagay rin ako ng onting liploss sa labi ko at onting foundation para maglight ang mukha ko, nakangiti kong nilapitan si Nate na nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang dagat, nakared siyang vneck shirt na pinatungan niya ng black formal coat at denim pants katulad ng kay kuya kaya lang ay nakaputi naman si kuya at black leather jacket, si Maddie naman ay nakared lace dress na kung saan bumagay sa pamatay niyang kulay itim na pumps at nagmukha siyang sopistikada dahil sa red lips niya at black eye shadow na bumagay sa maputla niyang balat, napangiti ako at tinabihan si Nate, siniko ko pa siya dahilan kung bat siya napaharap sa akin, nginitian niya ko atsaka niya nilagay ang mga kamay niya sa magkabila niyang bulsa
"Bukas na ang Christmas, anong regalo mo sa akin?" tanong ko rito habang nakatanaw sa naguusap na sila kuya at Maddie sa tabi ng dalampasigan
"Hindi ko nga alam kung ano bang dapat iregalo ko sayo eh, lahat naman ata na saiyo na" ramdam kong pinasadahan niya ko ng tingin kaya napatingin rin ako sakanya, nakangiti niyang inihubad ang coat niya at ipinatong sa akin, nakaawang ang labi ko ng lumakad siya pabalik sa pwesto niya kanina, nagtaas siya ng kilay ng nakatanga parin akong tinitignan siya
"Masyado bang revealing ang suot ko kaya ibinibigay mo sa akin ang coat mo?" umiwas ako ng tingin ng maramdaman ang init sa mga pisngi ko, narinig ko ang mahina niyang pagtawa at naramdaman ko rin ang braso niyang tumama sa akin
"You look gorgeous on your dress, Fern, If only I can wish that I'll see you everyday wearing that dress, I fucking will" natingala ko siya sa sinabi niya at nakitang namumungay ang mga mata niya habang pinagmamasdan ako ng tingin, napangiti ako sa sinabi niya kaya naman hinawakan ko ang magkabila ng coat niya at mas inayos pa ang pagkakapatong nito sa akin, naaamoy ko ang amoy niya sa coat niya kaya ng lingunin ko siya ulit ay sa dagat na siya ulit nakatingin
"Alam mo, mali ka! Hindi lahat nasa akin, may mga bagay parin akong wala na gusto kong makuha" yakap yakap ko ang sarili ko habang iniingatan ang coat sa akin at pinagmasdan lang ang masinsinang naguusap na sila kuya at Maddie
"Tulad ni Mason?" agad akong napatingin sa sinabi niya at nakitang nakahalukipkip na ulit siya habang nakatingin parin sa dagat, nakikita ko ang igting ng panga niya at ang pagkagat niya sa labi niya, napaiwas ako ng tingin at napalunok
"tulad ni Mason" mariin pagkakasabi ko, nilingon ko siya sa gilid ng mga mata ko at nakita ko ang mariin niya ring pagpikit, nang papalingon na siya sa akin ay umiwas agad ako ng tingin
"mukhang hindi ko kayang ibigay saiyo yun ah, mukhang wala akong regalo" sarkastiko siyang tumawa kaya kunot noo ko siyang nilingon, tumikhim ako at huminga ng malalim atsaka ngumiti sakanya
"ako alam ko na ang ireregalo ko saiyo" napalingon siya sa akin at nakitang nakataas ang isang kilay niya habang pinaglalaruan niya ang labi niya, ngumuso siya at ngumiti rin sa akin
"ano naman iyon?" mukha siyang interesado sa tono ng boses niya kaya mahina pa kong natawa at sinabi rin kaagad sakanya
"coat at jacket, madalas mo kasing pinapahiram yung sayo sa akin eh, para naman marami rami ka ng mapahiram sa akin" sabay kaming natawa sa sinabi ko, agad kaming napalingon kayla Mama na nakangiting tinawag na kami at inaanyayahan sa lamesa, inabot ko ang inalok na kamay ni Nate papunta roon
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...