PamilyaKinabukasan ay nakapunta nga kami ng pamilya ko sa Taal Vista Hotel, maaliwalas ang panahon dahil na rin siguro'y umaga pa lang, bumungad agad sa amin ang malamig na simoy ng hangin
"Anak, ang ganda naman rito" nakangiting aniya ni Papa, nginitian ko lang siya pabalik
"Oo nga ho eh" natutuwa ring saad ko habang tinatanaw ang hotel
"Miss Fern Santillan?" napalingon ako sa babaeng nakapusod ang buhok na binanggit ang pangalan ko, nginitian ko siya ng ngitian niya ko
"I'm Fern Santillan" tumango siya atsaka minuwestra ang daan papasok sa hotel
Ang ganda ng hotel dahil hindi ito mukhang hotel sa harap, mukha lang itong bahay na pinahaba pero mukhang enggrande kahit sa labas pa lang tignan
"Maam, Tagaytay Suite po ang ibinigay sainyo ni Sir" nakangiting sambit niya, nginitian ko nalang siya at tinanguan
"Nandito na po" may itinapat siyang card sa pintuan dahilan kung bakit nabuksan niya na ang pintuan, bumungad sa mga mata ko ang napakagandang view ng paligid
"Maam, here's your ID pass for your room, tawagin niyo na lang ho ako kapag may kailangan pa kayo, Magandang umaga po ulit" nginitian ko siya agad atsaka nagpasalamat pagkaalis niya
Halos magtakbuhan kami ni kuya sa loob nito, bumalandra sa mga mata namin ang lamesa kung saan kami pwedeng kumain, katabi nito ay may dalawang sofa sa harap ay isang lamesa sa tabi naman ng mga ito ay dalawa pang sofa na katulad lang rin nung nauna, pero ang napakaganda rito ay ang makapigil hiningang view ng Taal Lake and Volcano, sobrang mapapanganga talaga sa kagandahan nito
Nakaseparate ang living room sa master bedroom kung saan naroon ang king bed, duon mamamalagi si Mama at Papa at duon naman kami ni kuya sa isa pang bedroom kung saan may dalawang kama rin
Pinaupo muna namin si Papa sa sofa habang nakangiti siya at pinagmamasdan rin ang paligid
"Wow, solid dito princess" maligayang saad ni kuya pagkaupo rin sa isa pang sofa, napalingon ako kay Mama na nakangiti lang rin habang tumatabi kay Papa
"Gusto niyo po bang magpahinga muna?" nginitian ko sila Mama habang umuupo sa tabing sofa ni kuya
"Mabuti pa nga para mamaya ay makapagswimming naman tayo" humagikhik si Mama kaya natuwa rin ako at tinulungan siya sa pagalalay kay Papa papunta sa master bedroom
Pagkahiga ni Papa ay siya ring pagngiti niya sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik
"Anak, salamat rito ah" mahihimigan ang sinseridad sa tono ni Papa kaya nangiti na lamang ako at tanging paghalik na lang sa noo niya ang naigawad ko
Nginitian ako ni Mama sa ginawa ko kaya tinulungan ko na rin siya sa paghiga atsaka ko hinaplos ang noo niya
"Salamat sa lahat, Anak" tanging sambit ni Mama na para bang maiiyak na siya ng sabihin yun kaya ng halikan ko lang rin siya sa noo ay napangiti nalang siya at napapikit ng may tumulong luha sa mga mata niya, agad kong pinunasan iyon atsaka sila nginitiang dalawa
"Mahal na mahal ko po kayo" malambing ang pagkakasabi ko nun matapos yakapin sila, mahigpit at maingat ang pagyakap nila sakin pabalik kaya nang tuluyan na silang pumikit ay siya ring pagalis ko ruon at pagpunta sa tabi ni kuya
"Princess, okay ka na ba?" maingat ang pagkakatanong non sakin ni kuya kaya napangiti nalang ako sakanya
"Magpahinga na lang muna tayo, kuya para naman marami tayong energy mamaya sa mga gagawin" pinagmasdan niya pa ang mukha ko bago tumango at sumunod sa akin papunta sa kwartong nakalaan para sa amin
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...