Feel your warm
Pagkagising ko ng umaga ay tinotoo nga ni kuya ang sinabi niya sa akin, maaga kaming nagliguan at dali-daling pumasok sa Van, nanduon na rin sila Nate at Maddie pati sila Tita Natasha at Tito Michael, hindi na namin nagawang kumain ng umagahan dahil sabi na rin nila Mama ay sa bayan na lang kami kakain, pinasadahan ko ng tingin si Maddie, nakatuon ang atensyon niya sa cellphone niya at kunot noong pinasok niya ang dalawang earphones niya sa tenga niya, nakavneck gray siya na pinatungan niya ng simpleng jacket rin na kasing kulay ng damit niya, nakaleggings rin siya at nakadekwatrong pinasadahan niya lang ng tingin si kuya na nakaawang ang labi habang pinagmamasdan siya, nakaprinted tshirt siya na pinatungan rin niya ng jacket na siya namang bumagay sa denim niyang pantalon, tumabi ako kay kuya at agad hinubad ang jacket ko, ipinatong ko ito sa hita ko at pinagmasdan ang pagupo rin sa tabi ko ni Nate, dark blue tshirt ang suot suot ko at simpleng denim short, ipinatong sa akin ni Nate ang jacket niya kaya agad akong napatingin sakanya, hinagod niya ang buhok niya at prenteng nakaupo lang sa tabi ko at nakatingin lang sa salamin ng Van, nakared v-neck tshirt siya at pantalon, simple lang ang ayos niya pero iba ang kakisigang naipapamalas niya kahit sa simpleng damit lang, naikagat ko ang labi ko ng nakanguso niya kong lingunin
"malamig, bakit mo pa ibinigay sa akin ang jacket mo?" mahinang sambit ko ng makitang nakapikit ang iba pa naming kasama, humalukipkip siya at medyo inilapit sa akin ang bibig niya
"exactly, It's cold you'll need that" husky ang boses niya ng pagkabulong sa akin, tumindig ang balahibo ko sa pagkasabi niya sa akin
"paano ka?" mahinang tanong ko sakanya, nagaalala
"I'm okay just stay beside me so I can feel your warm" ngumisi siya ng umiwas ako ng tingin sa sinabi niya, tahimik kong sinunod ang sinabi niya, nakapikit si kuya habang patong patong ang ulo niya sa balikat ni Maddie na nakapatong naman ang ulo sa bintana, ngumuso ako ng umusog papalapit kay Nate ng maramdaman ko na ang braso niya'y tumigil na ako sa pagusog, sinilip ko siya at nakitang gumuhit ang ngiti sa labi niya, naestatwa ako sa pagpatong niya ng ulo niya sa balikat ko, pero kalaunan ay hinayaan ko na lamang iyon ng maramdaman ko na rin ang antok
"hey" napadilat ako sa kumakalabit sa braso ko, takha ko siyang tinignan at agad namilog ang bibig ko ng makita ang paligid ng iminuwestra sa akin ni Nate ang bintana
"wow" tanging nabanggit ko ng makita ang mga fastfood rito na animoy gawa sa sinaunang panahon ang disenyo ng paligid, napangiti ako at agad ginising si kuya at maddie, napangiti sila sa nakita
Nang mapagdesisyunan ng bumaba ay inalalayan pa ko ni Nate para makababa ng maayos, ngumiti ako sakanya at inabot ang jacket niya sakanya, pinagmasdan niya muna kong suotin ang jacket ko bago niya sinuot ang sakanya, marahan akong naglakad para pagmasdan ang paligid, agad kong hinila sila kuya para makipagpicture rito, tuwang tuwa kaming kumuha ng litrato sa paligid, nang mapadpad kami sa mga bilihan ng souvenir ay halos maubos namin ang paninda ng bawat bahay na makikitaan namin ng souvenir
"Gutom na ko" narinig kong daing ni kuya habang nakasimangot at hawak hawak ang mga pinamili ni Maddie, natawa ako ng mahina ng balewalain niya ang mga babaeng napapatingin sakanya
"Kung ganoon ay kumain na tayo" narinig kong sabi ni Tito Michael, parang nagliwanag ang mukha ni kuya sa narinig at parang asong sinundan si Tito Michael na naglalakad patungo sa isang fastfood kung saan may isang malaking sign na nakalagay na Chowking, pagpasok namin duon ay dumiretso agad kami papunta sa itaas nito, pagupo ko agad akong tinabihan ni Nate, nilingon niya ko at nginitian kaya nginitian ko rin siya pabalik
"gutom na rin ako buti nalang naunang magreklamo si Frank" natatawang sambit ni Nate, natawa ako sa sinabi niya at napailing
Agad kaming kumain ng madala ang order sa mesa namin, natatawa pa ako ng kuhan ng litrato ni Maddie si kuya at asaring batang musmos dahil sa kagutuman nito, inirapan lang siya ni kuya at pinagpatuloy ang pagkain niya
Pagkatapos naming kumain ay lumabas ulit kami at bumalik sa pagkukuha ng litrato, natawa ako ng umaktong bata si kuya nang makakita ng playground kung saan makikita naman ang malawak na field, may mga bato sa paligid nito kung saan pede kang maupo kaya naupo muna ko rito at nakangiting pinagmasdan ang tatawa tawang si kuya ng madapa ang bata ng lingunin ng bata si kuya ay matalim niya tong tinignan nilapitan ni Maddie ang bata at kinausap, nakita ko kung paanong napawi ang ngiti ni kuya at agad na ngumuso at mapungay ang mga matang tinignan si Maddie na matalim na rin ang tingin sakanya
Nahinto lang ako sa pagngiti ng magangat ako ng tingin kay Nate na tumabi sa akin, nakangiwi ko siyang tinignan ng ngitian niya ko
"Wala ka bang gustong kainin?" tanong niya sa akin, napanguso ako at agad siyang sinagot
"gusto ko ng sundae" nakangusong sambit ko, napatitig siya sa akin at agad na napangiti
"pero malamig na ang panahon? bat gusto mo nang sundae?" natatawang sambit niya, inirapan ko siya at tumingin na ulit kay kuya na hinahabol na ang batang tumatawa tawa na nagtatago sa likod ng binti ni Maddie
"eh ... I just want to, kainis ka! nagtatanong ka tas, che!" inirapan ko siya ng tawanan niya ko, napanguso ako ng makita ko yung mga babaeng pasulyap sulyap kay Nate, nagtiim ang bagang ko ng pumasok sa isip ko si Mason, ano kaya ang mararamdaman ko kung pagtinginan rin siya ng mga ibang babae?
"okay, we'll go buy that sundae" napaharap ako kay Nate at nawala na sa isip ko ang tungkol kay Mason, nakangiti kong inabot ang inilahad niya saking kamay para tumayo, mabilis kaming nakarating sa isang maliit na mukhang bilihan ng takeout, may nakalagay na Mcdo sa taas nito kaya agad akong napatingin sa kung saan katulad ng kinainan namin kanina ay ganun din kalaki ang Mcdo na kaugnay ng binibilhan namin
Nakapila kami ni Nate sa harap ay may dalawang babaeng nangunguna sa amin habang sa likod naman ay dalawang lalaki, napalingon ako sa lalaking kumalabit sa akin
"Hi" bati niya, makisig siya at nakapamulsa sa magkabilang bulsa ng pantalon niya, nakaprinted tshirt rin siya na dahilan kung bat nadepina ang katawan niya, mapupungay ang mata niya habang pinagmamasdan ako, napangiwi ako ng makita ang maputla niyang labi na nakangisi sa akin, agad kong naramdaman ang paghatak ni Nate sa akin papunta sa likod niya
"Oh ... may bf ka na pala" nakita ko ang pagngiwi niya kay Nate, matalim lang siyang tinititigan ni Nate kaya agad niyang itinaas ang dalawang kamay niya at nakangiwing tinignan si Nate
"sorry po" mahinahong sambit niya, nakita ko ang paglunok niya kaya agad kong hinila ang laylayan ng damit ni Nate at agad niya naman akong nilingon, ang kaninang tiim bagang niya ay agad nawala ng tignan ako, tumikhim siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko, napanguso ako ng iharap niya ko sa likod ng babae sa harap ko, nang tanggalin niya ang kamay niya sa mga balikat ko ay nabigla naman ako ng maramdaman ang mga kamay niya sa beywang ko kaya agad akong napatingin duon, napaawang ang labi ko ng makita ruon ang jacket niya kaya agad ko siyang nilingon pero diretso lang siyang nakatingin at nagawa niya pang hawakan ulit ako sa balikat at iurong, agad akong napaharap sa babaeng nakatitig sa likod ko mukhang kay Nate nakatingin, nang mapatingin siya sa akin ay aligaga siyang nagtanong kung ano ang order namin
Matapos namin makuha ang inorder namin ay tahimik na nasa likod ko lang si Nate kaya agad ko siyang nilingon
"Huy" kalabit ko dito, nakanguso niya kong pinasadahan ng tingin kaya napatigil kami sa paglalakad, tumaas ang kilay ko sa ekspresyon niya kaya agad niya kong tinignan sa mga mata ko
"W-Why?" nauutal niya pang sambit, napaangat ang labi ko at agad siyang sinagot
"bakit mo nilagay ang jacket mo sa akin?" sinubo ko ang kutsara ko ng kumuha ako ng sundae
"because those kind of guy enjoying the view of your skin, fern" malambing niyang tugon, napanguso ako sa sinabi niya at agad siyang tinabihan
"thanks" may ngiti sa labing sabi ko rin sakanya, bumaba ang tingin niya sa akin at agad niya kong nginitian, inakbay niya ang kamay niya sa akin at hindi ko naman na iyon pinansin, nagpatuloy na kami sa paglalakad at masayang nagkuwentuhan hanggang sa tawagin na kami dahil naroon na silang lahat sa Van
to be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...