Exam
Pagkarating sa school ay umupo agad ako sa upuan ko, sa upuan ko'y rinig ko na ang mga usapan nila tungkol sa nangyaring prom, nakinig na lamang ako ng music at pinasak ang earphones sa tenga ko atsaka nahiga sa lamesa ko, ilang minuto pa'y naramdaman ko ang pagkalabit sa akin kaya agad kong naitingala ang ulo ko ruon
"Goodmorning" nakanguso si Curt habang tinatanaw ang mukha ko, inalis ko ang earphone sa tainga ko atsaka ko siya nilingon ulit
"Goodmorning" bati ko rin pabalik, ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik
"Class, tomorrow na ang exam ng mga top 10" pagkasabi non ni Maam ay agad akong napaayos ng upo, napalunok ako atsaka huminga ng malalim
"Kaya naman, magaral kayong mabuti" pagkasabi niya nun ay binigay na rin namin ang mga project namin sa subject niya kaya halos wala na rin kaming ginawa sa araw na iyon kundi ang ipasa lang ang project namin sa bawat subject
Hindi ko nagawang daldalin ang iba kong kaibigan dahil nagpakabusy ako sa pagbabasa ng mga lectures namin ng nakaraan, hindi rin naman nila ko makausap dahil na rin sa pagbabasa ko, buong araw ay wala akong ginawa kundi magbasa at hindi sila pansinin, may times na ngingitian ko sila at ganun nalang yun, mabilis na natapos ang araw na iyon ng hindi ko nakita si Mason at wala akong ginawang kadesperadahan para sakanya, kaya nang maguwian ay dumiretso ako kaagad sa library pero hindi pa ko tuluyang nakakapasok ng makita ko si Mason at Tracey malapit ruon, nagtatawanan sila at sobrang lapit nila sa isa't isa, nilunok ko na lahat ng laway ko para hindi ko subukang maiyak o makaramdam ng kahit ano, kaya kahit nanginginig ang mga paa ko'y nagtuloy ako sa paglalakad, naramdaman ko ang tingin nila sakin ng madaanan ko sila pero hindi ko na sila nagawa pang lingunin paglagpas ko, agad kong hinanap ang librong kakailanganin ko para sa test bukas
Pagkauwi ko sa bahay ay pinatay ko kaagad ang cellphone ko para hindi na rin mapunta ruon ang atensyon ko at para na rin mapigilan ang sarili ko sa pagmemessage kay Mason, tutok ako sa pagaaral at kapag kakatok lamang si Mama sa kwarto para kumain na kami ako natatapos sa pagrereview, pero pagdating ng gabi ay natapos na kong magreview kaya agad na rin akong naglinis ng katawan at dumiretso sa pagtulog
Mabilis na lumipas ang oras at pagkagising ko'y mabilis rin akong nagayos, pagkarating ko sa school ay nasa small garden na ang iba kong kaklase na tutok sa pagrereview kaya dumiretso ako duon para na rin magreview pa ulit kahit na napagaralan ko na iyon kagabi
Ni hindi kami nagkibuan ni Curt ng makatabi ko siya dahil tutok rin siya sa pagbabasa sa notebook niya kaya kinagat ko na lamang ang mansanas na pinabaon pa sakin ni kuya para daw makatulong sa pagrereview ko, matapos kong matandaan ulit lahat ng nareview ko'y pinagmasdan ko na lamang ang mga kaklase ko, tutok na tutok rin sila sa pagaaral kaya naman pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain sa mansanas, matapos kainin yun ay nahiga ako sa mga kamay ko na pinatong ko sa lamesa, pakiramdam ko'y matagal ang pagkakatulog ko ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko'y napatingin agad ako ruon
Napaayos ako ng upo ng makita si Mason sa table kung saan duon kami naglunch noon, si Maddie ang tumawag sa akin nang kawayan niya ko, nakita ko ang mabilis na pagsulyap ni Mason sa akin pero hindi ko man lang nagawang mangiti noon kaya pilit na ngiti na lang ang sinukli ko kay Maddie atsaka ako tumayo papaalis ruon, naglakad ako hanggang sa makapunta ako sa cafeteria, wala masyadong tao dahil na rin regular time lang ito para sa iba pang estudyanteng hindi top 10, napaupo ako sa isang table kung saan walang katao tao, sumandal ako sa pader na malapit rito atsaka napatitig sa kung saan
Kailangan kong magfocus sa pagaaral! Fern, alalahanin mo ang Papa mo! ang kompanya ninyo! ang lahat ng to! kung bakit kailangan mo tong gawin! alalahanin mo lahat!
Nang marinig ko na ang bell ay umakyat na ko sa assign room para sa amin, halos mapamura pa ko nang kasama namin ang section nila Mason sa iisang room
Ano bang hindi mo maintindihan sa titigilan na kita? bakit nandito ka nanaman? at bakit kailangan pang makita pa kita ulit?
Nang makita kong naupo siya sa harap ay naupo kaagad ako sa likod at iniwas ang paningin ko sakanya, paulit ulit ko nang dinasal na sana'y ilipat kami ng room or hindi kaya sila, pero nang dumating na rin ang proctor ay halos maisumpa ko ang sarili ko dahil pinalipat rin kami ng upuan, at nakakatawang nasa harap na ko ngayon at siya'y nasa likod, gusto kong magmura dahil ayokong lumingon dahil alam kong sa paglingon ko'y automatic na titignan ko siya, umayos ako ng upo at kahit para na kong bato rito dahil pinipigilan kong lumingon lingon sa paligid ay ginawa ko pa rin, para sa katatahimik ng utak ko kakaisip sakanya
Natapos ang araw na iyon ng hindi ko siya ginagawang tignan pa ulit, lahat ng pagiwas ay ginawa ko kahit na para akong tanga ay ginagawa ko parin, may minsan nga'y tinanong ako bigla ni Maddie
"Hindi mo na ba gusto si Mason?" gusto kong matawa ng pagkalakas lakas sa tanong niya, ano bang tingin niya sa nararamdaman ko? isang laro lang?
"bakit mo naman natanong yan?" umiwas ako ng tingin at umayos ng upo para pakinggan ang sasabihin niya
"kasi hindi ko na nakikitang nilalapitan mo siya eh or tinitignan man lang" paliwanag niya, kung alam mo lang kung gaano ako nagtitiis, Maddie! kung alam mo lang kung anong pasakit tong pinapasok ko ngayon maiintindihan mo rin ako
"hindi naman, nagfofocus lang talaga ako sa test" ngiting hilaw ang naipakita ko sakanya pero mukha namang naniwala siya ruon kaya iniwan niya na rin ako kaagad
Sa sumunod pang dalawang araw ay wala akong ginawa kundi ang iwasan siya, para na kong nahihibang sa bawat segundong pumapatak at nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko, nakakagat ko ang labi ko kapag ibibigay ko ang test paper at susulyapan siya, para akong tanga sa ginagawa ko dahil hindi ko rin siya maiwasang pagmasdan kahit malayo, pero nang last test nanamin ay hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong pagmasdan siya habang nagtetest pa siya, nauna ako sa pagsagot dahil na rin madali na sa akin ang test na yun, sa t'wing iaangat niya ang tingin niya'y siya ring pagiwas ko kaagad ng tingin, gusto kong sumigaw dahil sa ginagawa niya sa utak ko, para na kong nababaliw, nahaplos ko ang labi ko nang makita kong ayusin niya ang salamin niya habang sinasagutan ang test paper niya
Bakit kailangan mong maging gwapo ng ganyan? para na kong sinasapian dahil sa iba't ibang kiliting nararamdaman ko sa pagtingin palang sakanya, Nang maguwian na'y dun ko na lubusang nakausap ang iba ko pang kaklase, nasa sulok kami at nagtatawanan ng makita ko si Mason na papadaan sa amin, agad napawi ang ngiti ko't mabilis na nagpaalam sa mga kaklase ko para pumasok ulit sa room at kuhain na ang gamit ko
Hindi ko na kinakaya to! Unti unti akong nilalamon ng mga iniisip ko, nahilot ko ang sentido ko ng tuluyan ng makauwi ang mga estudyanteng kanina lang narito sa kwarto, napapikit ako habang kinakagat ang labi ko, kailangan ko na siyang tigilan dahil wala rin naman tong patutunguhan! sinipa ko ang isang upuan para ilabas ang inis ko at di pa ko nakuntento at sinipa ang isa pang upuan kalapit ng nasipa ko
Nakakahibang ang nangyayari sa akin, dapat ko nang tigilan ang pagiisip sakanya!
to be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...