39

60 1 0
                                    

Feels like Home

7 years had passed, many things happened in my life, I remember the day when tita Fierra smiling widely at me when she saw me at the airport

"Tita" patakbo kong niyakap si Tita ng iminuwestra niya sa kin ang dalawa niyang kamay, naramdaman ko ang higpit ng yakap niya

"How are you, fern? omygod! you're so beautiful, sweetheart" hinawakan niya ang magkabila kong pisngi habang nginingitian, napanguso ako sa sinabi niya at parehas kaming natawa

"Come on, we're going to my house, or should I say our house now? huh?" napangisi ako sa sinabi ni Tita, kalaunan ay narating nanamin ang bahay niya

Maliit lang ito pero yari sa bato, malaki rin ang espasyo sa labas ng bahay niya kung saan may malaking swimming pool, ang bahay ni Tita ay nakatayo sa parang bundok kaya naman hindi na ko nagtakha sa bumalot na simoy ng hangin sa mga balat ko

"Wow" sambit ko matapos malibot ang bahay ni Tita, nginitian niya lang ako habang nagaayos siya ng mga gamit sa kusina

"Your room is on the right side, sweetheart, I'm sure napagod ka sa flight mo, you can rest first" napangiti ako sa slang na pagkasabi ni Tita sa akin non

"Thankyou tita" nginitian niya lang ako pabalik kaya hinila ko na ang maleta ko papunta sa kwartong nakalaan para sa akin, malinis ito at talagang parang sinakto para sa akin, nilapag ko ang maleta ko sa sulok atsaka nagpahinga sa kama

Hinilot ko muna ang sentido ko bago ko kinuha ang cellphone ko para magtext

Me : Ma, I'm already here, Miss ko na kayo agad

Naipikit ko ang mga mata ko ng maihiga ko ang kalahating katawan ko, kailangan ko nang masanay dahil ilang taon ako rito

Mama : Miss ka na rin namin, Anak, magiingat ka diyan ha? magaral ng mabuti atsaka huwag kang magpapasaway sa tita mo

Me : opo, Mama, kayo rin po magingat po kayo diyan

Hindi ko napansin ang oras na nakatulog ako ng gisingin nalang ako ni Tita para kumain

"I already enrolled you, fern" nakangiting sambit niya, napatingin ako sakanya atsaka ko rin siya nginitian

"Tita, you think I can blend in? like I'm a filipino and I speak our language, I wonder if they talk to me at italian language and I can't answer them in that language too" inikot ko ang tinidor ko sa pastang kinakain ko habang nakatungo, nalingon ko lang si tita ng hawakan niya ang balikat ko at sinsero akong nginitian

"Don't worry, I enrolled you to a school where you can speak english" napangiti ako sa sinambit niya atsaka maligayang tinapos ang pagkain

Ilang buwan lang ay nagsimula na agad ang pagaaral ko, tulad ng inaasahan ko'y magkaiba talaga ang sistema ng pagaaral sa italya kumpara sa pilipinas, kalagitnaan ng June ang simula rito at magtatapos sa kalagitnaan rin ng September

Nang makapagtapos ako sa senior school ay 19 years old na ko, isang taon para sa isang unibersidad nanaman para makuha ko na ang pinapangarap kong course, maraming paghihirap ang ginawa ko para makapagtapos ng pagaaral at nang tuluyan na kong matapos, duon ko rin nalaman na si kuya na pala ang namamahala sa kompanya namin sa pilipinas, tuwang tuwa ako ng sabihin niya yun at dahil ruon napagdesisyunan ko na ring magtayo ng branch rito sa Italya, pagkakuha ko ng diploma noon ay siyang pagalis ko na rin sa bahay ni Tita, tuwang tuwa siya sa mga narating ko at wala naman akong ginawa kundi magpasalamat nang dahil sakanya

"Fern" napalingon ako sa lalaking nakatayo sa likod ko, inalis niya ang salamin sa mga mata habang nakangisi't nakatitig lang sa akin

"Nate!" agad ko siyang niyakap pagkakita sakanya, tuwang tuwa ako pagkaalis ng yakap sakanya, kakatapos ko lang magsenior ng makita ko si Nate rito sa Italya

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon