14

48 1 0
                                    

Treatment

Tanghali na ng makarating kami sa pagiistay-an namin, halos mamangha ako habang dumadaan ang Van sa napakalaki at nakakakapos ng hininga na ganda ng Blue Lagoon dito sa Ilocos, tulad ng sabi sa mga palabas ang dagat ay kasing kulay ng langit at ang buhangin naman ay sobrang puti, nang matapat na kami sa malaking gate kung saan may nakalagay na Hannah's ay mas lalo pa akong natuwa, kinuha nila Tito ang villa na kung saan malapit sa pool, hindi ko alam kung si Tito ba ang nagbayad ng lahat pero hindi ko na lamang nagawang itanong yun kay Papa na manghang mangha rin sa mga nakikita, nang makapunta na kami sa kanya kanyang villa ay excited akong nagpalit ng damit, naka rashguard ako na kulay itim at maikling short na kulay itim rin, itinali ko rin ang buhok ko kung saan bumagay sa akin ito, napatingin ako kay kuya na kakalabas lang sa bathroom, nakasleeveless siya na kulay dark blue at short, nakasabit ang shades niya sa gitna ng damit niya at nakahawak sa magkabilang bewang niya kong pinasadahan ng tingin, ngumuso lang ako sakanya atsaka humalukipkip

"Good choice" nakangising sabi niya, bago ko siya sagutin ay hinila niya na ko palabas ng villa, kaming dalawa palang ang tao sa pool kaya nagawa pa naming magpicture dalawa

"Sali naman kami diyan" napatingin ako kay Nate na tumatakbo na papalapit sa amin, messy ang hair niya at suot suot niya na ang shades niya katulad ni kuya ay nakasleeveless din siya na kulay dark green at short, ngumiti ako sakanya atsaka siya tinulak sa tabi ni kuya, agad kong pinindot ang camera ko ng nagkatinginan silang dalawa, tatawa tawa ako ng makita ang picture nila

"bromance" natatawang sabi ko, tinignan rin yun ni Nate at halata kong medyo natawa rin siya pero ng tignan ko si kuya ay sa iba na ang tingin niya kaya napatalikod ako para tignan kung sino ang tinitignan niya at dun nakita ko si Maddie na naglalakad na papalapit sa amin, nakashade rin siya at kitang kita ang kasexyhan niya sa suot niyang sky blue na two piece na tinapalan niya ng kulay puti na sarong, nilapitan niya ko kaya nginitian ko siya

"Fern, bat nagrash guard ka?" maarteng tanong niya habang pinapasadahan ng tingin ang itsura ko

"bakit? ayos naman ang suot niya ah?" malamig na sabi ni kuya kaya binalingan siya ng tingin ni Maddie, ng tignan ko si kuya ay nakangiwi na siya kay Maddie

"mas okay nga yung suot niya eh kaysa naman sa nagpapakita ng balat" kibit balikat ni kuya atsaka siya nagdive sa swimming pool, napatingin ako kay Maddie na nakatungo at kagat kagat na ang labi niya

"Mads, ang sexy mo" pagiiba ko ng usapan atsaka niya ko tinignan at nginitian

"Thanks Fern, ikaw nga ang mas may magandang katawan sa atin dito pero ikaw naman yung tagong tago, pero siguro kaya nakaganyan ka dahil sa over protective mong kuya" may inis sa tonong sinabi ni Maddie sa huling linya, pinigilan kong mapangiti kaya naman napanguso ako at nginitian na lang siya

"Sige, swim lang ako ah" paalam niya atsaka niya hinubad ang sarong niya at lumangoy na ruon, napatitig ako sa ganda ng view, infinity pool ang pinagsiswimmingan nila at sa harap ng infinity pool ay kitang kita mo naman ang view ng napakagandang Blue Lagoon, nang tabihan ako ni Nate ay may dala dala na siyang camera kaya nagpicture kami ruon pagkatapos ay inaya niya na rin akong magswimming kaya nagsumunod na rin kami sa swimming pool at tuwang tuwa na lumangoy ruon

Nang maghapon na ay tinawag na kami nila Mama ang sabi ay kumain raw muna kami dahil hindi pa kami nagtanghalian, sumunod na ruon sila kuya kaya naman ako ang nahuli pero bago ako umalis ay nilingon ko pa ang palubog nang araw kaya nagawan ko tong kuhan ng litrato kasama ang infinity pool

Kinabukasan ay sa Blue Lagoon kami pumunta nila kuya, malamig ang simoy ng hangin dahil umaga palang at pasikat palang ang araw kaya nagkuhaan kami ng litrato at gandang ganda kami dahil sa dagat at buhangin nito, nang mapagod ako sa kakalangoy nahiga ako sa mala-powder na buhangin at napatingin sa langit, rinig na rinig ko ang tawanan nila at kampay ng mga paa sa pagsiswimming, nahinto lamang ako sa pagtingin sa langit ng maramdaman kong may maupo sa tabi ko

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon