4

82 5 0
                                    

Hidden Agenda

"Alam mo, dapat mas maging maingat ka ngayon, Fern" sabi ni Nate sa akin, kinakausap niya ako tungkol sa pagiging top ngayong darating na 1st quarter ngayong second year na ako

"Bakit naman?" nagtatakha pa ring tanong ko

"Syempre, dito mo na mararamdaman yung challenge, kasi marami kang matalinong kasama sa classroom niyo" paliwanag niya sa akin, sa totoo lang hindi ko rin maintindihan kung bakit ganto sa akin si Nate nagsimula siyang kausap-usapin ako palagi noong bakasyon, hindi ko maintindihan kung bakit bigla-bigla ay tumatabi siya at kinakausap ako, minsan nga ay iniisip kong may gusto siya sa akin eh, hindi naman sa nagaassume pero yun lang talaga nafefeel ko, pero hindi pupwede eh kasi nga may pangako kaming apat nila kuya, kaya malabo talaga. Iisipin ko nalang na gusto niya lang na maging close pa kami

"Basta gagawin ko lahat ng kaya ko, ibibigay ko ang best ko, para na rin kayla Papa" tumingin ako sakanya ng may kompyansa sa mata, at ngumiti, napangiti rin naman siya sa akin

"Mahal na mahal mo ang Papa mo no?" uminom siya ng tubig niya at tumingin sa field kung saan may mga nagbabasketball

"Mahal na mahal ko ang pamilya ko, kaya gagawin ko lahat para mapasaya sila" ngumiti ako at pinanood na rin ang mga estudyanteng nagpapractice rin ng sayaw sa field

"Ganun rin ba sila sayo?" makahulugang tanong niya sa akin, napatingin ako sakanya at seryoso siyang nakatitig sa akin

"Oo naman no, masaya kaming pamilya at gagawin namin ang lahat para sa isa't-isa" tumango-tango siya sa tinuran ko, at parang may binulong pa siya pero binalewala ko nalang yun

"Sige Fern, ihatid na kita sa room niyo, mukhang nagbell na eh" tumango ako sakanya at ngumiti

Hindi ko na kaklase si Maddie ngayon dahil nasa second section siya, pero pumupunta-punta naman siya room ko dahil kaklase ko lang naman si Curt Agaizer, ang crush na crush niya, hindi ko pa siya nakakausap pero sa pagkakaalam ko friendly daw siya at palangiti, hindi ko naman siya pinapansin dahil hindi ako interesado sakanya, dahil na rin sa iniiwasan kong maisip si Mason at baka sa di inaasahang pagkakataon mabalik nanaman ang feelings ko sakanya, no waaaay ....

"Ms. Santillan, you're 5 minutes late" sabi sa akin ng president namin na si Gaile

"hayaan mo na president, wala pa naman si Maam eh" ngumiti ako sakanya at nagpeace sign pa

"No, Akin na ang diary mo at para mailagay ko yan sa conduct mo" walang emosyong sabi niya sa akin

"Miss President, you should consider her, she's right, wala pa naman si Maam, hindi ba't ilalagay lamang sa conduct ang late kung nasa room na ang teacher?" napatingin ako sa likod niya at doon prenteng nakaupo si Curt, napatingin ako kay Gaile at ngumiti siya kay Curt

"Okay, Curt ..." humarap siya sa akin at sinamaan ako ng tingin "pasalamat ka at mabait si Curt" atsaka niya ako tinalikuran, saktong pagkaupo ko sa upuan ay pagdating ng teacher namin

Nang maguwian na eh nagmabilis agad akong kumilos para maabutan ko si Curt

"Mister Agaizer" tawag ko rito, inangat niya ang tingin niya sa akin at ngumiti, nakalabas na ang mga kaklase namin at kami nalang ang natitira rito sa room

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon