32

43 1 0
                                    



Pasensya ka na

Pagkagising ko'y mabilis akong kumilos dahil last day na ng foundation ngayon, minabuti ko na munang kumain bago tuluyang dumiretso sa school, wala si kuya sa bahay dahil sa hospital na rin siya nagstay kagabi pagkahatid sa akin

"Fern, buti nahanap kita" bumungad sa akin si Rafa na hingal na hingal, napakapit ako sa braso niya ng habulin niya ang hininga niya

"ayos ka lang ba?" tanong ko rito ng makaayos na siya ng tayo, tumawa siya at ipinakita sa akin ang isang daliri niya na nagsasabing okay lang siya

"bakit mo ba ko hinahanap?" takhang tanong ko rito, kinuha niya ang cellphone niya at ipinakita sa akin

"anong meron diyan?" tanong ko

"save my dad's number, he wanted to know if you and your family can go to hotel, ewan ko ba dun, gustong gusto na pumunta kayo" umiling iling pa siya habang naglalakad na kaming dalawa, nakangiti kong isinave ang number ng tatay ni Rafa sa cellphone ko't binalik rin agad to kay Rafa

"Salamat pala pakisabi sa Papa mo" nakangising sambit ko rin, nginitian niya lang ako atsaka na rin siya naunang maglakad sa akin, susundan ko pa sana siya ng makita ko si Skyler at Eunica malapit sa malaking puno sa field, takha akong naglakad papunta ruon at dun nakita kong may ibinibigay si Eunica kay Skyler na lunchbox

"Sa akin to?" tanong ni Skyler kay Eunica na ngayo'y namumula na ang mga pisngi, nahihiyang tumango si Eunica kay Skyler atsaka napangisi si Skyler sakanya

"bakit mo ko bibigyan nito?" napairap ako ng marinig ang sinabi niya, hindi ba obvious? gusto ka kasi niya!

"k-kasi ginawa ko yan para sayo" pautal utal ang pagkakasabi nun ni Eunica, napatawa ng mahina si Skyler sakanya at halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makitang hawakan niya ang baba ni Eunica para itaas ito at makatingin sa mga mata ni Skyler, nakita kong nanlaki ang mata ni Eunica sa ginawa ni Skyler kaya pinigilan kong matawa at kagatin na lang ang labi ko

"Baka naman ate mo ang gumawa nito para sa akin?" natawa pa ng nakakainsulto si Skyler kaya napaiwas ng tingin si Eunica

"t-tinulungan niya lang ako" ngumuso si Skyler sa sinabi ni Eunica pero pansin ko ang pagtaas ng gilid ng labi ni Skyler

"pakisabi thankyou, atsaka thankyou rin rito" binitawan ni Skyler ang baba ni Eunica at parang nanghina ruon si Eunica pero nanatili siyang nakangiti at nakatitig kay Skyler na ngayon ay binubuksan at tinitignan na ang laman ng lunch box

"Wow, favorite ko to" masiglang sabi ni Skyler na nakapagpangiti ng malawak kay Eunica, kinuha ni Skyler ang sushi sa lunch box at agad tong nilantakan, napapikit pa siya habang kumakain

"K-kumusta?" tanong ni Eunica ng wala siyang ekspresyong tignan ni Skyler

"Sobrang sarap! Wow! The best" masiglang aniya, natuwa si Eunica dahilan kung bat napayakap siya kay Skyler, nasapo ko ang bibig ko ng makita ang gulat na ekspresyon ni Skyler habang may pagkain pang laman ang bibig niya, tumagal ng ilang minuto yun bago umalis sa pagkakayakap si Eunica, agad niyang inilagay sa likod ng tainga niya ang hibla ng takas niyang buhok at napatungo

"S-sorry" nahihiyang sambit ni Eunica kay Skyler na ngayo'y unti-unting napangiti, nakikita ko sa mata niya ang pagkagulat pero mas lumalamang ang saya, mukha siyang anime ng ngitian niya si Eunica

"Okay lang" namamaos ang boses niya ng sabihin yun kay Eunica, napaawang pa ang bibig ni Eunica dahil dun, hanggang sa makaalis na si Skyler ay tulala pa rin si Eunica sa nangyari

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon