Mahal Kita
"Maddie ..." nagkautal utal na ko ng banggitin ko pa muli ang pangalan niya, nanginginig ang mga labi ko habang nakaawang to, tinuro niya ko habang nanlilisik at namumugto ang mga mata niya
"Ano bang meron sayo? ha? bakit lahat sila ikaw ang nagugustuhan? ganun ka ba kagaling manlandi? ha? turuan mo naman ako! diba magkaibigan naman tayo?" sarkastiko siyang ngumisi kahit namumula na ang mga mata niyang nakatitig sa akin
"Madd---" hindi ko naituloy ang pagsasalita ko ng isang beses niya pa kong sampalin, hindi ako nasasaktan sa sampal niya kahit pa pakiramdam koy lumalatay ito sa mga pisngi ko, mas nasasaktan ako sa katotohanang ang baba ng tingin sa akin ng kaibigan ko
"You, don't say my name! I don't want to hear it from you, bitch! alam mong gusto ko si Curt! pero bakit? bakit ka nagpapalandi? ha? napakawalang kwenta mong kaibigan!" nanlaki ang mga mata ko habang naeestatwa sa kinatatayuan ko, yun na ata ang pinakamasakit na sampal niya sa akin, gamit lang ang nakakapatay niyang salita
"No ... No ... You misinterpret it, Madd--" tinulak niya ang kaliwang balikat ko kaya agad akong napatigil sa pagsasalita, binalanse ko ang sarili ko para hindi tuluyang mapaupo sa lapag
"I said, don't say my name" mariin at madiin ang pagkakasabi niya noon habang nanlilisik ang mata sa akin, hindi ko na pinagkaabalahan pa ang mga tumulong luha galing sa mata ko na punasan pa
"He ... He's ... He confessed his feelings, but ... But I turn him down, believe me" lumuhod ako at pinagdikit ang mga palad ko habang kinukuskos ito, nagsusumamo ang mga mata ko sa pagtingala sakanya habang siya nama'y tiim na tiim ang bagang na pinapanood ang ginagawa ko
"Bakit? Bakit siya pa? Bakit nagkagusto siya sayo? Masaya ka naman na sa paghahabol kay Mason ah? Bakit kailangan mo pang kuhain ang atensyon ni Curt? Ganyan ka ba kauhaw sa pansin? na pati yung lalaking gusto ko'y aagawin mo pa?" malakas at madidiin ang mga pagkakasabi niya kaya napapatungo ako at walang magawa kundi ang umiyak at magmakaawang pakinggan niya
"Alam mong hindi ako ganun ... Maddie ..." nasapo ko ang bibig ko ng mabasag ito at marinig ko na ang mahinang paghagulgol ko, sarkastiko kong narinig ang pagngisi niya sa akin
"Noon, hindi ka ganun, pero nang nakita ko kung paano ka kadesperada, nagbago na ang tingin ko sayo, fern! You're not you anymore, you've changed a lot! big time! I saw how desperate you are, I saw how you flirt! You're a bitch and a slut! And you're not my bestfriend anymore" nang maproseso ko sa utak ko ang mga sinabi niya'y tumayo ako't gagawaran sana siya ng sampal ng madiin niyang mahawakan ang kamay ko, napalunok ako pabagsak niyang bitawan iyon, hindi pa ako nakakabawi ng sampalin niya ko ng pagkalakas lakas, sa sampal niyang iyo'y duon ko lang naramdaman ang sobrang sakit, nagawa ko pang malasahan ang dugo sa gilid ng labi ko, nanghihina ang mga mata ko ng lingunin ko siya, pagkahawi niya sa buhok niya'y siya ring pagpunas niya sa mga luha niya, wala na kong kakikitaang emosyon sa mukha niya ngayon ng tignan rin ako
"I wish you rot in hell" mariing pagkakabigkas niya, napaawang ang bibig ko sa mga sinabi niya at sa sobrang sakit ng mga sinabi niya'y naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko, unti-unti akong napaluhod habang tinatanaw ang paglayo niya sa pwesto ko, ni hindi ko marinig ang hagulgol ko, tuloy tuloy na luha at panlalabo lang ng mata ang naaaninag ko
Makalipas ang ilang minuto'y umaabot na sa lugar na kinaluluhuran ko ang musikang nanggagaling sa gym, naingat ko ang mga tingin ko sa dalawang paa sa harap ko, at duon nakatayo at nakapamulsa si Rafa, maamo ang mga tingin niya sa akin, hindi ko na nagawang magsalita ng lapitan niya ko't tuluyang makatayo
"Sila Mason na ang sunod na tutugtog, alam kong gusto mong makita yun" simpleng saad niya habang inaalalayan ang beywang ko, nang pumasok sa isip ko ang sinabi niya'y mabilis kong hinagod ang buhok ko't pinunasan ang mukha ko, nginitian niya ko ng mapatingin ako sakanya pero hindi ko yun nabalik bagkus hinayaan ko lang siyang alalayan ako habang nakakapit siya sa beywang ko
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...