26

51 1 0
                                    



Gusto Kita

Maaga pa lang ay nakaayos na ko, hindi mawala sa labi ko ang ngiti, talagang mangyayari na ang pinakaiintay ko, nakailang suklay na ko sa harap ng salamin pero hindi ako mapanatag, kaya naglagay na rin ako ng kaunting foundation para mas maglight ang mukha ko at nang onting lip loss, pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin at hindi ko alam pero pakiramdam ko'y mali ang itsura ko kahit ang ayos ayos naman nito, naupo ako sa kama habang nakabusangot, hinagod ko ang dark blue kong skirt at inayos rin ang kwelyo ng uniform ko

"You look okay! stop being paranoid, fern!" saad ko sa sarili habang nakatanaw sa salamin, bumuntong hininga ako't nginitian ang sarili

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng may kumatok mula roon, tumayo ako para pagbuksan iyon at nakitang tamad na nakatingin si kuya sa akin habang nakanguso at nakataas ang kilay

"Why so beautiful, princess?" seryosong aniya, pinigilan kong mapangiti't pinalo siya sa braso

"wait, kuya, kukunin ko lang ang cellphone ko't lalabanas na rin" nakangiting saad ko, tinanguan niya ko atsaka siya naglakad papaalis ruon, pinagmasdan ko pa ang paglayo niya bago puntahan ang mga gamit ko, small bag lang ang dala dala ko kung saan duon nakalagay ang mga gamit ko

Napaupo ako sa kama ng makitang may mga nagmessage sa phone ko, agad ko tong kinuha't binasa

Curt : Fern, I'll see you at small garden, before bob :)

Rafa : Fern, I'll talk to you later, this is important!

"Fern?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni kuya, kinagat ko ang labi ko ng itago ko nalang sa bag ko ang cellphone at hindi nagawang replyan ang dalawa, tatakbo takbo akong dinaluhan si kuya na nakahalukipkip na nagiintay sa pintuan namin, ngumiti ako sakanya't naunang maglakad

"Princess ..." mahinang tawag ni kuya habang naglalakad kami, napalingon ako't kinunutan siya ng noo

"kasali si Mason sa battle of the bands?" interesadong tanong niya, nakalagay ang dalawang kamay niya sa magkabila niyang bulsa habang titig na titig sa akin, napanguso ako't tinanguan siya

"bat mo natanong, kuya?" mabilisang tanong ko rito, nagkibit balikat lang siya't mabilis na inunahan ako sa paglalakad kaya agad ko siyang hinabol at hindi na ulit inalala ang tinanong sakanya

"oh my fern!" bungad agad sa akin ni troye habang pinapasadahan ako ng tingin ng makarating na ko sa pwesto ng section namin, nahihiya akong nginitian siya't inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko

"iwan na kita rito, princess?" nalingon ko si kuya na nakahalukipkip habang nakatingin sa akin, nginitian ko muna sila Eunice at Eunica na nakaawang ang bibig pati na rin si Troye habang nakatitig kay kuya

"ah sige, kuya" ngiting anya ko rito, nginitian niya rin ako't hinalikan sa noo bago ko tuluyang iwan, pinagmasdan ko pa ang tuluyan niyang paglayo bago binalingan ang mga titig na titig sa aking sila Troye

"kuya mo siya?" malakas na pagkakasabi ni Troye habang nakaturo pa sa dinaanan ni kuya, dahan dahan akong napatango habang takhang tinitignan siya

"bakit? fern! isa siyang diyos!" naghihisteryang saad naman ni Eunice habang hawak hawak ang ulo niya, napangiwi ako sa ginawa niya

"siya ata ang ninuno ng lahat ng gwapo" nahihiyang sambit naman ni Eunica, napailing ako't pinigilan ang pagngiti

"nakakainggit ka girl" tulak sa akin ni Troye habang nakangiti, napangiti na lang rin ako sa mga sinasabi nila

"wala ba siyang girlfriend, fern?" agarang tanong ni Eunice habang kagat kagat niya ang labi niya

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon