38

73 1 0
                                    

Letter

Ilang araw na ang dumaan at binanggit na rin ang top 5, at natuwa ako ng top 1 parin ako pero pagkauwi ay halos sabunutan ko ang sarili ko, ano bang nangyayari sa akin? napaupo ako sa kama ko at nahilamos ang mukha ko

Kung patuloy lang akong ganito ay walang mangyayari sa akin, napasulyap ako sa cellphone na nasa table side ko, kinagat ko ang labi ko ng kusang abutin ito ng mga kamay ko, bukas na ang recognition at makikita ko siya ulit, bukas na rin ang last day at hindi ko na siya makikita pa ulit

Inopen ko ang phone ko't agad na pinindot ang pangalan niya para magtipa ng mensahe para sakanya

Me : hi Ryle :)

Nabigla ako sa mabilis nitong pagsagot sa akin

Mason : Hi

Me : may gagawin ka ba bukas after recognition?

Mason : Wala naman, bakit?

Me : may ibibigay lang sana ako, mabilis lang yun promise :)

Mason : Ano ba yung ibibigay mo?

Me : letter :) ikaw lang ang unang lalaking pagbibigyan ko ng letter kaya naman sana talaga mabigay ko sayo yun bukas

Mason : Sige, bukas nalang

Gusto kong ibato ang cellphone ko dahil sa nagawa ko pa siyang imessage at worst, nagawa ko pang gumawa ng letter para sakanya, ano bang iniisip ko?

Pagkarating sa school ay nakapila na ang mga estudyante kaya naman pumunta na rin ako sa section ko, kabadong kabado ako habang nasa tabi ko si Mama at Papa, nagagawa ko na lamang ngumiti kapag may sinasabi sila sa akin pero ang puso ko ay hindi na mapakali habang papalapit ng papalapit ang oras

Nang makaakyat sa stage ay ngiting hilaw ang naipakita ko ng kunan kami ng litrato ni Papa, sinulyapan ko si Mason na di man lang ako nagawang tignan pabalik, napanguso ako pagkababa ng stage

"Fern, Anak, uuwi na kami kaagad ng Papa mo hindi siya pedeng magtagal rito at kailangan niya pang magpahinga, sasabay ka na ba samin?" tanong ni Mama habang inaalalayan si Papa, napangiti ako atsaka agad na umiling kay Mama

"mauna na ho kayo" agad naman nila kong tinanguan atsaka sila naglakad papaalis

Nakailang minuto akong naupo sa upuan habang iniintay at tumitingin sa paligid, napapalingon ako sa mga pamilyang nagpapalitrato habang ako'y narito at nagaantay sa lalaking mahal ko, napanguso ako habang nililingon ang nakangiting si Curt kasama ang papa at mama niya, nakakabanas na parang ang tagal ng oras na dumating ni Mason

Pinaglalaruan ko ang paa ko ng makita ko ang pares ng sapatos sa harap ko agad ko itong naitingala at duon ko nakita si Mason, para akong maluluha sa posisyon ko ngayon, bakit ba palaging ako nalang ang nagaantay para sayo? bakit ba palaging ako ang naghahabol sayo? bakit ba mahal parin kita kahit na sobra mo na kong nasasaktan?

Agad akong napatayo at binuksan ang bag na dala dala ko, ngumiti ako ng makuha ang letter na ibibigay ko para sakanya, sa likod ng sobre ay nakalagay ang pangalan niyang ako lang ang tumatawag sakanya

"Naaalala ko noon nung tinulungan mo kong kuhain ang mga letter para sa akin, halos di ako magkamaliw sa katuwaan noon kahit napakasimple lang ng ginawa mo" napatingin siya sakin ng sabihin ko yun, nakangiti kong inabot sakanya ang letter na ako mismo ang gumawa para sakanya

"Alam kong wala pa yang letter na ibinigay ko saiyo kung para sa mga letter na natatanggap mo, pero sana tanggapin mo parin to" sinsero akong ngumiti sakanya ng kuwin niya iyon sa kamay ko at pagmasdan niya

"Thankyou" para akong natunaw sa pagsabi niya nun, nakita ko ang pagngiti niya sa akin pero hindi ko na to nasuklian pa at agad na umiwas ng tingin, hindi ko na rin nagawang magpaalam pa sakanya nang iwasan ko siya at maglakad na papalayo sakanya

Siguro nga tama sila, dapat ang katulad kong babae ay mananatiling babae at hindi magaasal lalaki, dapat hindi ako ang naghahabol o nanliligaw sa lalaki, kung hindi ako gusto dapat ay tanggapin ko na lamang iyon at kalimutan na siya, huminga ako ng malalim ng makalabas na ko ng gate, unti unti kong nilingon ito atsaka ngumiti

Hindi lahat ay nagkakatuluyan kung ipipilit ang pagmamahalan, dapat matutunan kong huwag ipilit ang pagmamahal kung ayaw naman sa akin, dapat rin na huwag ko munang isipin ang tungkol rito dahil dadating rin naman ang nakalaan sa akin

Ang liham na yun ang simbolo na tapos na ang pamimilit ko sakanya, na tatapusin ko na rin ang kahibangan ko sakanya, sana ay maging masaya ka na, Mason dahil tapos na! wala ng mangungulit pa ulit sayo kahit kailan, patawarin mo sana ako sa mga pinaggagagawa kong nakadagdag lang sa problema mo, huwag kang magalala magmula ngayon mababawasan na ang problema mo at magiging masaya ka na rin kay Tracey

Dear Ryle,

      I just want to say thank you, for giving me a chance to know you more, for giving me a chance to talk or rather chat with you everyday, for giving me a chance to give to you this letter, it will be pleasure if you read it too. I really don't know why I'm writing this letter for you, maybe because in this letter, I would finally say the right words that keep bugging me every night. Like everyone said, it's weird that a girl like me confessed feelings for a guy named Ryle Mason Torres but my heart can't handle it anymore, feels like if I didn't tell you I'm going to burst. Yeah, I know everyone thinks I'm desperate but what should I do? It's really hard to keep it on my own. Everytime I talk to you and say cheesy lines, I questioning myself how could I say that? you know what the answer, simply my heart is the one who is responsible for telling you that.

      I know that you don't want commitment because you don't want to get hurt, but believe me everyone will feel it you're not an exception so please. just try it, try to love again even if it's not me. I want you to feel a happiness that given by love. It's normal to be hurt, to be broke and to feel the pain coz it's part of loving and I quote "But how can one move on, when the stitches in the past starts bleeding again". I know you didn't understand this but when the right day come you'll know what I mean't. I know I'm not the type of girl you can inlove with, but I can prove to you that it will be worth it if you take the risk to be with me. I know you still not going to try it but I'll take this oppurtunity to say to you that I can wait for you, if only you want me to.

ps. but when the pain is no longer can handle that's the time I will stop

                                                   - Fern

Hindi ko na pinigilan pa ang pagbuhos ng luha ko pagkarating sa bahay at yakapin ang pamilya ko, naramdaman ko ang yakap nila sa akin

"Magiingat ka ruon, Anak ha" nababasag na ang boses ni Mama ng sabihin iyon, tanging tango na lang ang nagawa ko at walang naisagot dahil na rin sa pagiyak ko

"Fern, alagaan mo ang sarili mo roon, ha? huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo ang tita mo na ang bahala sayo ruon" hinalikan ako ni Papa sa noo kaya tanging tango nalang rin ang naisagot ko kay Papa

"Princess, itext mo ko or tawagan mo ko kapag may nantrip sayo dun ah? promise lilipad ako dito sa pilipinas papunta sa Italya, huwag mong pababayaan ang sarili mo ruon" nahihimigan ko ang lungkot sa boses ni kuya kaya nagawa ko nalang rin siyang yakapin at tumango

"Mahal na mahal ko po kayo, babalik po ako rito, lagi po kayong magiingat atsaka alagaan niyo po ang sarili ninyo, lagi ko po kayong kakamustahin" naiiyak na sambit ko rin, pinunasan ko ang luha ko atsaka sila binigyan ng isang halik, kinuha ko ang maleta ko at sa huling pagkakataon ay nginitian ko sila kahit na may lumalandas na luha sa mga mata ko

Hinatid nila ko hanggang sa labas at nang malagay na ng driver ang mga bag ko sa taxi niya'y sumakay agad ako ruon para hindi na muling umiyak, agad na pinaandar ng driver ang sasakyan at nang napoproseso ko nang napapalayo na ko sa pamilya ko'y agad ko silang nilingon, naruon si kuya at pinupunasan ang luha niya habang tinatanaw ang sinasakyan ko, si Mama na yakap yakap ni Papa, at si Papa na diretso lang ang tingin sa sinasakyan ko pero maga ang mga mata

Sinapo ko ang bibig ko ng marinig ko ang mahinang paghagulgol ko, umiling iling ako habang pinupunasan ang luha ko, kailangan kong magpakatatag para kayla Papa, kakayanin ko at makakaya ko to!

to be continued ...

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon