12

50 1 0
                                    

Couple Jacket

Pipikit-pikit pa ko ng maaninag ko ang silaw ng araw sa bintana ng kwarto ko, pinasadahan ko ng tingin ang buo kong kwarto, nakahiga na ko sa kama ko, napatingin ako sa tabi ko at nandoon si kuya nakaharap sa akin habang yakap-yakap ang unan ko  

napangiti ako ng maalalang nakatulog nga pala ako sa sofa kagabi mukhang binuhat ako ni kuya papunta rito sa kama at mukhang nakatulog rin siya dahil sa sobrang pagkaantok ah

"Goodmorning kuya" hinalikan ko ang pisngi niya atsaka siya unti-unting nagising, kinusot kusot niya ang mata niya atsaka siya ngumuso ng makita ako

"Goodmorning, princess" umupo ako sa kama at nginitian siya, ngumiti rin siya atsaka bumangon

"Breakfast na tayo, princess" sabi niya habang sinusuot ang tsinelas niya, naginat pa ko bago siya tignan ulit

"I'll go wash myself first" ngumuso ako ng hinagod niya ang magulo gulo niya pang buhok at hinarap ako

"okay, I'll wait you outside" marahan niyang isinarado ang pintuan ko ng lumabas na siya, napahiga pa ko ulit at sinubukang ipikit ulit ang mga mata ko pero hindi na ulit ako dinalaw ng antok kaya napagdesisyunan ko nang maligo

Sinuot ko ang grey oversize sweatshirt ko at black na short na may nakatatak na nike at isang tsek sa baba nito, nagsuklay lang ako bago ako lumabas at umupo sa upuan sa kitchen namin, nakaeks ang dalawang kamay ni kuya at tulalang nakatingin sa lamesa, sila mama ay kumukuha ng bread at tinutulungan si papa na kumain rin, habang nagbabasa si papa ng newspaper

"Kain ka na, fern" anyaya ni mama habang nakatingin kay papa, sinulyapan ko si kuya at di nagbago ang galaw niya kaya tinapik ko siya atsaka siya napatingin sa akin

"kain na kuya" nakangiting bungad ko sakanya, tumango siya atsaka siya kumuha ng bread at bacon

Pagkatapos naming kumain ay tumambay kami sa sala para manood, walang klase ngayon kaya inutusan ni mama si kuya na mamili ng mga kailangan namin dito sa bahay, dahil wala naman akong gagawin sa bahay ay sumama nalang rin ako kay kuya

Malamig ang hangin ngayon dahil malapit na ang pasko kaya nagsky pink na lang ako na damit na pinatungan ng grey na jacket at leggings, nakasandal ako sa gilid ng pader namin habang hinihintay si kuya, ng lumabas na siya ay pinasadahan ko siya ng tingin nakadark blue vneck tshirt siya at kulay black na jacket nagpantalon rin siya na bumagay sa damit niya, agad akong sumunod kay kuya ng nagsimula na siyang maglakad, ang mga kamay niya ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng jacket niya, napangiti ako at ginaya siya

Nakanguso ako ng hanggang sa makalapit na kami sa mall ay hindi umiimik si kuya, sinundot ko ang tagiliran niya kaya napatingin siya sa akin

"Bat ang tahimik mo kuya?" walang emosyon niya kong tinignan atsaka siya umiling sa akin at pinilit ngumiti

"Wala lang" sabi niya, kinulit-kulit ko siya hanggang sa makarating kami sa loob ng mall

"Princess, kumuha ka ng cereal!" nakangusong sabi ni kuya habang binabasa ang listahan na hawak hawak niya

"Do we have fresh milk for the cereal, kuya?" mabilis kong tugon, nakataas ang isang kilay niya ng lingunin ako, ang isang kamay niya ay nakahawak sa hawakan ng cart habang ang isa ay ginagamit niya para hawakan naman ang papel

"Kumuha ka na rin, princess, iintayin kita sa chocolate section" nakangising sabi niya, nagangat ako ng tingin sakanya ng subukan niya ng iginalaw ang cart agad kong hinawakan iyon kaya napatingin siya sa akin

"Why are you going to chocolate section? is there chocolate in the list?" nakataas na ang kilay ko ng tignan siya, kinagat niya ang labi niya atsaka umiwas ng tingin at pinipigilang ngumiti

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon