Confessed
Pinaghandaan ko ang araw na ito dahil ngayon ako aamin kay Mason, aaminin ko na ang nararamdaman ko para sakanya, ewan ko ba rin sa puso ko, bigla na lang paggising ko gusto ko ng sabihin ang totoo sakanya at kung ano mang mangyari mamaya? believe me, pinaghandaan ko ang masakit na rejection at pagkapahiya basta gusto ko lang malaman niya na ang nararamdaman ko para sakanya, at hindi ko naman sasabihin yun para maging kami, gusto ko lang aminin, yun lang yun!
Habang papalapit ng papalapit sa room ay parang dumadagungdong ang puso ko, feeling ko nga aatakihin na ko pero hindi, ngumiti ako at huminga ng malalim, it's now or never!
Umupo ako sa upuan ko at kahit kinakausap ako ni Rafa wala akong maisip na kung ano, nang mapadaan si Curt ay tinawag ko siya kaya napahinto rin sa pagkausap sakin si Rafa
"C-Curt ..." huminto naman siya at tinignan ako
"Fern?" patanong niyang sabi sa pangalan ko
"Ahm, kasama mo ba mamaya si Mason?" naramdaman kong napatawa ng mahina si Rafa pero hindi ko na siya pinansin, umiwas ng tingin si Curt atsaka tumango
"Ah, sige, samin na kayo makiupo mamaya ni Maddie ah? aasahan ko yan!" narinig kong napa-tss siya atsaka siya tumango at naglakad na papunta sa upuan niya
"Ikaw ah! kaya pala di mo ko kinikibo kanina pa, si Mason nanaman nasa isip mo, sige ka, magseselos ako niyan" parehas kaming natawa sa sinabi niya atsaka ako umiling sakanya
"aamin na kasi ako sakanya, mamaya eh" ngumiti ako sakanya at naramdaman kong naginit ang pisngi ko sa sinabi ko, nanlaki naman ang mata niya pero kalaunan ay ngumiti rin siya
"t-talaga? seryoso? shit! goodluck, fern! sigurado akong magugustuhan ka din niya, ang ganda-ganda mo kaya! bobo lang niya pag hindi niya yun nakita" ngiting-ngiting sabi niya ginulo niya pa ang buhok ko at kinabig ang braso ko, ngumiti naman ako sa ginawa niya at napailing-iling
"ano ka ba! aamin lang ako, wala akong ibang intensyon, gusto ko lang talagang umamin, di na kasi kaya ng puso kong itago eh, parang onting-onti nalang sasabog na! alam mo ba yun?" nakangiting sabi ko, ngumiti rin siya ng malapad atsaka tumawa ng mahina
"oo naman no, nung ako nga aaminin ko na kay Tracey yung nararamdaman ko para sakanya para akong dinadaga eh pero ginawa ko parin kasi ayokong sayangin yung oras na ipaparamdam ko sakanya yung totoo kong nararamdaman" ngumiti siya sa akin at napangiti rin ako
"swerte ni Tracey sayo" ngumiti siya sa akin at umiling
"ako ang maswerte sakanya, Fern" tumawa siya ng mahina kaya natawa rin ako at napailing
"parehas kayong maswerte sa isa't-isa" nakangiting sabi ko, nginitian niya rin ako at tumango-tango
"swerte rin naman kayo ni Mason sa isa't-isa" parang lahat ng dugo ko sa katawan ay napunta sa mukha ko kaya nanlaki ang mata ko sakanya at humarap nalang sa blackboard, kainis talaga tong si Rafa walang pasabi!
"h-hindi ah ...." natawa si Rafa sa akin at medyo napalakas ang tawa niya kaya natahimik ang buong klase
"Yes, Mr. Apondar? do you know the answer in problem no.3?" nakoooo! trigonometry nga pala ang subject ngayon, loko-loko kasi tong si Rafa eh ang ingay eh, napakamot ng ulo si Rafa at ngumuso habang papalapit sa blackboard
"Sir, I really don't know ... can I call a friend? hehe .." tumawa ng nahihiya si Rafa atsaka tumingin sa akin, nanlaki ang mata ko at napanganga, umiling-iling ako sakanya kaya mas napangiti siya, talagang Rafa na to oh! dinamay pa ko!
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...