33

51 1 0
                                    


I'm sorry

"Bat gulat na gulat ka naman, ija?" natatawa ang tono ni Tito Michael ng sabihin yun, ngiting hilaw ang naipakita ko sakanya atsaka ko sinulyapan si Maddie na nakaupo at iwas ang tingin sa akin

"Fern" napalingon agad ako kay Papa na tinawag ang pangalan ko, agad akong ngumiti pagkatingin sakanya

"Pasensya ka na, Anak" napagtiim ko ang mga labi ko ng sabihin yun ni Papa, takha ko siyang tinignan at hinintay pa ang sasabihin niya

"Yung pangprom mo kasi eh, nagamit sa pangospital sa akin" nahihiyang sambit ni Papa, sinsero akong napangiti

"Papa, okay lang po, hindi naman po needed ang pumunta ruon" tinignan ako ni Papa atsaka siya napangiti

"But if you really want, Fern ako muna ang magbabayad para makapunta ka" napatingin ako kay Tito Michael na kalapit si Tita Natasha na nginitian lang rin ako, nang sulyapan ko ulit si Maddie ay nakangiwi na siya habang tinitignan ang tatay niya, napabuntong hininga ako

"Huwag na po, tito! okay lang po" ngumiti ako sakanya atsaka niya ko pinagkunutan ng noo

"Sigurado ka? Si Maddie ay pupunta, ayaw mo ba talaga?" iminuwestra pa sa akin ni Tito Michael si Maddie na nakatungo at di man lang makatingin sa akin, naiwan sakanya ang tingin ko at hindi ko man lang magawang ngumiti o malungkot, wala akong nararamdaman habang tinitignan ko ang kaibigan ko atsaka ko ulit binalingan si Tito Michael

"Huwag na po, bukas ay labas na rin po dito ni papa, duon po muna ko sa tabi ni Papa, mas mahalaga naman po kasi si Papa ruon eh" mahabang paliwanag ko na kinangiti naman ni Mama sa tabi ni Tito Michael, naramdaman ko ang pagakbay ni Papa sa akin kaya agad akong napatingin sakanya, nakangiti siya habang nagtutubig ang mga mata niya kaya nginitian ko rin siya pabalik

Papa, ngayon po ay kayo naman! kayo na lang ang pagtutuunan ko ng atensyon

Nakailang minuto pa'y nagusap usap na sila Mama, Papa pati narin sila Tito Michael at Tita Natasha, kaya naman kaming apat rin ay narito lang sa labas ng kwarto at walang imik na pinapakiramdaman ang bawat isa

"Fern ..." nabigla ako sa pagtawag ni Maddie sa pangalan ko kaya agad kong naiangat ang tingin ko sakanya, pero mabilis ang pangyayari, naramdaman ko nalang ang pagiyak niya habang niyayakap ako

"I'm sorry ... I'm really sorry" nagkadautal utal pa siya habang binabanggit yun pero hindi ko na siya nagawang sagutin pa ng mahigpit ko rin siyang yakapin pabalik, nang mapapikit ako'y hindi ko rin napigilan ang pagngiti

"Sure ka bang ayaw mong pumunta sa prom bukas?" daing ni Maddie ng matapos kaming magiyakan rito sa rooftop ng hospital

Maraming bulaklak rito at nagmukhang garden ito pero ang ganda namang tignan nito lalo na pagtatama ang sinag ng araw mula rito

"Hindi naman kailangan, matutuloy pa rin ang party kahit wala ako" inilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa ng polo shirt ko atsaka dinama ang hanging tumatama sa balat ko at pinagmasdan ang kahel na kulay ng araw

"Pero di masaya pag wala ka" ngumuso si Maddie na parang bata kaya napangiti ako

"So childish" pangaasar ko sakanya, nginisihan niya lang ako atsaka niya ko tinabihan

"Huwag kang aasa na magiging ganyan tayo" napalingon ako kay kuya na katabi ngayon si Nate, pinigilan kong matawa ng nakatanaw sila sa amin

"Umaasa na ko, anong magagawa ko?" napatawa kami ni Maddie sa sinabi ni Nate na inilingan lang ni kuya at nginisihan, tumakbo si Maddie papalapit sa kuya niya kaya ganun rin ang ginawa ko papalapit kay kuya

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon