Listen to Me FirstUmiwas siya ng tingin at sumandal lang rin sa sofa, walang ekspresyon ang mukha niya, pinasadahan ko siya ng tingin habang unti-unting kumukunot ang noo niya, nakapantalon na siya ngayon at plain blue tshirt na pinatungan niya ng brown leather jacket, parang nahiya tuloy ako sa suot kong uniform parin ng school dahil hindi pa ko nakakauwi mula kanina, baka isipin niya ay napakaloyal ko sa school namin, magulo ang buhok niya at ngayo'y pinaglalaruan niya na ang labi niya gamit ang dila niya ng sulyapan niya ko, umiwas ako ng tingin at nilingon ang babaeng papalapit na sa amin para ilagay ang inorder namin, nakangiti siya habang sinusulyapan kami ni Rafa pero hindi ko siya magawang ngitian dahil bumabalik lang sa isip ko ang mga nakita ko kanina
"Ang ganda at ang gwapo niyo po, Maam at Sir" tumawa pa ng nahihiya yung babae ng malagay niya na ang mga inorder namin sa lamesa, napanguso lang ako't nginitian siya ng naiilang
Nang makaalis na ang babae'y humigop muna ko sa milkshake bago pasadahan ng tingin si Rafa, nakanguso siya habang nakamasid sa akin kaya halos samirin ako sa paginom, pinunasan ko ng tissue ang labi ko bago ko ulit binaling sakanya ang tingin ko
"Look, I don't wanna hear some bullshit about her, I'm done with her" nagngingitngit siya sa galit atsaka niya iniwas ang tingin niya sa akin, pinagmasdan ko lang ang namumula niyang tenga at ang nakakunot niyang noo
"Listen to me first" mahinahong sabi ko, lumunok siya at tumungo
"About Tracey, she's not what you think ..." pagsisimula ko, tumaas ang kilay niya ng iangat niya ang tingin niya sa akin
"what do you mean, fern?" may kyurosidad sa tono ng tanong niya kaya huminga muna ko ng malalim pagkatapos ay humalukipkip ng tignan niya kong maigi
"she says, that her classmate almost rape her, but then Mason came and help her, that's why you think Tracey want it too because you heard the story to that guy without even knowing if that's really truth" mahabang paliwanag ko rito, nanlumo ang mga balikat niya ng marinig yon, at hindi na alam kung paanong makakatingin pa sa akin
"Are you really sure about this, fern?" nagkibit balikat ako sa tanong niya at bumuntong hininga
"why don't you ask that guy, he probably tell you the truth" isinubo ko ang hiniwa kong cake at tinignan siya, kagat kagat niya ang labi niya habang nakatitig sa milkshake niya
"fern, I know you want to help us, but ... this is not mean we'll go back together, there's such problem with her that only her could fix, I'll help her ofcourse but not just today or tomorrow or after tomorrow ... I just couldn't, it's really hard for me, big time! I need such time to fix this in my head, I love her, yes, so much. But she must learn how to keep and protect those things or people she had bago mawala ang mga ito sakanya" pagiling niya at uminom rin sa milkshake niya, nawawalang pagasa ko siyang inintindi
"hindi kita pipiliting makipagayos dahil karapatan mo yan, pero sana rin huwag mong hayaang mahuli ang lahat, baka kasi sa ginagawa mo siya naman ang mawala sayo" paalala ko sakanya, tinignan niya ko atsaka siya ulit umiwas ng tingin
"ofcourse, you don't have to remind me, fern" mahinahong anya
Pagkatapos naming ubusin ang kinain ay binayaran niya talaga ang kinain namin, nagpresinta pa siyang ihahatid na ko, pumayag na rin ako dahil nagdidilim na rin naman
"Salamat, Fern" sinserong saad niya, nginitian ko lang siya at ginulo ang buhok niya, sinimangutan niya ko sa ginawa ko pero agad rin niya kong nginitian
"Wala yun, ikaw pa ba" matama kong pinalo ang balikat niya at humakbang papaatras sakanya ng simulan niya ng paandarin ang motor niya
"Sige, dalawang araw na lang foundation na, kasali raw sa battle of the bands yung mahal mo ah, bumili ka na ba ng ticket?" pagiiba niya ng usapan, tila parang natulala ako sa sinabi niya pero agad ring nakabawi
"ah, bukas ako bibili" simpleng saad ko, ngumiti ako sakanya at ganun rin siya
"kung ganon, sige mauna na ko ah" paalam niya, tumango ako at nagpaalam na rin sakanya, nang tuluyan na siyang makaalis ay tsaka bumagsak ang mga balikat ko
Sana'y hindi ko nalang nakita yung nangyari kanina, pakiramdam ko'y naninikip ang dibdib ko sa nasaksihan ko, naglakad na ko papunta sa bahay at agad na naupo sa sofa namin, naruon si kuya at nakaawang pa ang bibig ng pasadahan ako ng tingin
"uwi pa ba to ng babaeng katulad mo?" tunog ama ang pagsita niya sa akin kaya inirapan ko lang siya at tumayo na papunta sa kwarto ko kahit na rinig ko pa ang mga pinagsasabi niya sa akin ng talikuran ko siya
Dalawang araw na lang ay foundation na, kahit na ganun ang nakita ko kanina'y hindi parin mawala sa isip ko ang mukha ni Mason, ang pagpikit niya pagkumakanta siya
Sumalampak ako sa kama ko at nagimagine ng mga mangyayari ng mapagdesisyunan ko nang maligo at matulog
to be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Him
عاطفيةFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...