40

59 1 0
                                    

Diary

Mugto ang mga mata ko ng makarating sa Taal Vista Hotel, dito ko naisipang magstay for 2 days, padabog kong binitawan ang mga maleta ko sa lapag at agad na nahiga sa kama para umiyak lang ng umiyak, pinagsusuntok ko ang kama kahit na wala naman akong magagawa para mabawasan ang sakit, gusto kong kahit isang beses lang ay mawala na lang, para akong sinasaksak sa mga nalaman ko

Nang tumama sa mga braso ko ang sinag ng kahel na araw ay hindi ko na magawang umiyak, yakap yakap ko ang mga tuhod ko habang nakatitig sa kawalan, tumunog ang cellphone ko kaya nalingon ko iyon

Nate : Hey, I miss you so much, how's your day, babe? :)

Gustong gusto kong ibato ang cellphone ko, how dare you? para akong napapaligiran ng mga taong hindi ko kakilala, nabubuhay ako sa kasinungalingan, sa buong buhay ko nabuhay lang ako sa kasinungalingan, pinatay ko ang cellphone ko, para akong nanghihina habang hinahanap ang diary ko, gusto kong isulat ang lahat ng ito, gusto kong ilabas kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko ngayon, halos mapunit ang papel na sinusulatan ko dahil sa higpit at madiin na pagkakasulat ko, natawa pa ko ng wala nang espasyo ang susulatan ko, pero agad nangunot ang noo ko ng huling papel na lang ang natitira, pero hindi na ito masusulatan pa dahil may kung anong nakasulat na rito

Dear Princess,

Alam kong pag nabasa mo na to ngayon ay tapos ka na sa pagsusulat ng diary mo, una sa lahat gusto kong humingi ng tawad, Princess. Hindi ako naging mabuting kuya sa iyo, hindi kita napagtanggol pero maniwala ka ginawa kong ipaglaban ang nalaman ko pero paulit ulit lang akong pinagagalitan nila Mama, hanggang sa dumating yung point na wala na talaga akong magawa dahil sa nangyari kay Papa, ayokong sumuko pero wala akong magawa, nagulat ako ng isang araw ay narinig ko ang paguusap nila Mama at Papa, nalulugi na ang kompanya pero dahil sa pagiinvest nila Tito Michael ay hindi pa ito tuluyang bumabagsak, pero nagulat ako nang kapalit nang pagtulong nila sa atin ay ikaw, ang gagong Nate na yun, hindi ko alam na siya pala ang susunod na CEO ng company nila ng Papa niya, pinagplanuhan niyang ipakasal ka sakanya, nahihibang na siya! gusto kong magwala at pagsusuntukin siya sa nalaman ko, I'm sorry princess, na kailangan mong maranasan ang lahat ng ito pero dahil nga ruon walang magawa si Papa at Mama dahil yun nalang ang tanging paraan para mabuhay pa tayo at makapagaral, ayoko mang aminin pero ang mga Pioneer nalang ang pagasa natin, hindi ko yun inisip at nakipaglaban pa ko kayla Mama, sinuway ko sila dahil sa ginawa nila sayo, pero kalaunan wala na rin akong nagawa kaya kahit papaano tanging pagprotekta nalang sayo ang ginagawa ko, natatandaan mo nang sinabi ko sayong "Always follow your heart" Now, I want you to do it now, choose to be happy! Sana ay mapatawad mo ko sa mga nangyari sayo pati na si Mama at Papa, sana ay hindi ka tuluyang lamunin ng galit, Princess, alam kong mahirap tong gawin pero sana ay mapatawad mo pa kami sa pagtatago nito sayo, gusto ko rin sanang malaman mo na gusto ko si Maddie, gusto kong humingi ng tawad dahil gumawa pa ko ng kasunduan natin na walang magkakagusto sa isa't-isa pero eto ako, mahal ko na siya pero nang dahil kay Nate ay hindi namin magawang mahalin ang isa't isa, Princess I don't want to be selfish but please don't fall for him, this is not for me, sinasabi ko to para sayo, ayokong mapunta ka sa lalaking yan, si Mason, siya ang gusto ko para saiyo, Mahal ka niya pero nang dahil kay Mama ay iniwasan ka niya, Mahal na mahal ka rin niya, Princess kaya wag kang susuko sakanya.

Ps: Mahal na mahal kita, Princess patawarin mo ang kuya kung wala akong nagawa para hindi mangyari ang lahat ng ito

- Kuya

Halos mapunit ko ang papel na yun, ganun lang ako kabilis na loko? Ganto ba ko kabilis maloko? Para akong tanga! Ilang beses na kong sumigaw sa sobrang sakit, bakit? bakit niyo to nagawa sakin? Napakasama ninyo! Akala ko ay makakatulong ako kayla papa sa pagaaral ko pero para akong isang bayarang babaeng ipapamigay lang at yun ang paraan para matulungan ko kayo? Napakawalang hiya ninyo! All this time nakulong ako sa mga pagpapanggap at kasinungalingan ninyong lahat, how dare you all! Walang kapatawaran ang lahat ng ito

Pumunta ako sa Bathroom para tignan ang kabuuan ko, mugtong mugto ang mga mata ko at sobrang pula na rin ng labi ko, gusto kong saktan silang lahat dahil sa ginawa nila sa akin, gusto ko silang gantihan sa panggagago nila sa akin, gusto kong makawala sa kulungang sila mismo ang naglagay sa akin, pinagkatitigan ko ang sarili ko, sobrang hina ko kasi kaya lahat sila nagawang lokohin lang ako nang ganun, mga walang puso! mas masahol pa sila sa hayop!

"Come osi tutti voi! Come osi tutti voi!(How dare you all in Italian)" paulit ulit kong binigkas yun habang nanghihina ang mga tuhod ko, napakapit ako sa sink dahil naramdaman ko nanaman ang pagtulo ng mga luha ko

Pagkabukas ko ng shower ay siya ring pagbasa ko sa sarili kahit pa suot suot ko ang damit ko, napaupo ako sa sahig kahit ramdam ko ang mga tubig na lumalandas sa damit ko papunta sa katawan ko, hindi ko na tiniis ang pagdaing habang umiiyak

"Bugiardo! Bugiardo! Bugiardo! (Liar in Italian)" halos lamigin ako sa tagal ng tubig na dumadaloy sa katawan ko, nang tuluyan ko nang maproseso sa utak ko lahat ng iyon ay nagkaroon ako ng lakas para tumayo at linisin ang sarili ko

Pagkalabas ko ng bathroom nakita ko na ang madilim na langit at dahil ngayon ko lang naramdaman ang gutom ay kumain na rin ako, pagkarating ulit sa suite ko ay nagpahangin ako kaagad sa balcony, tulala ako habang pinagmamasdan ang paligid

Naaalala ko pa nang kasama ko ang pamilya ko rito, isa yun sa pinakamasayang araw sa buhay ko pero ngayon para akong pinapatay sa t'wing aalalahanin ang lahat nang nangyari noon, isa lang ring kasinungalingan ang mga ipinakita nila sa akin!

"Buongiorno! Signorina (good day! Madam/Miss in Italian)" narinig ko ang maligayang bati ni Erica ang assistant ko

"Ciao Erica (Hello Erica)" simpleng saad ko, katulad ko'y isang filipino rin si Erica kaya naman minsan ay hindi kami nahihirapan magkaintindihan

"Miss? Ano pong problema?" napangisi ako ng malaman niya agad iyon ng dahil lang sa tono ng boses ko, gusto ko siyang yakapin ngayon dahil pakiramdam ko siya nalang ang makakaintindi sakin ngayon

"Sinungaling sila" agad akong napaluha ng sambitin yun, narinig ko ang pagsinghap ni Erica sa kabilang linya, napailing ako habang tumatama sa balat ko ang simoy ng hangin

"Paano niya nagawa sakin to? Tinuruan ko ang sarili kong mahalin siya pero kasinungalingan lang pala ang lahat ng ito!" halos mapaos na ko ng sabihin yun, hinayaan ko ang tuloy tuloy na pagbagsak ng mga luha ko habang iniinda ang sakit

"Miss ... is it your fidanzato? (boyfriend)" halos maningkit ang mga mata ko sa pagkasabi niya nun

"He doesn't deserve to be my boyfriend, Erica" umiyak lang ako ng umiyak kahit sa kabilang linya ay rinig ko ang pagpapatahan ni Erica sa akin

Nakatulog ako nang gabing yun ng puno ng hinanakit at tanong, kaya pagkagising ko ay hindi na ko nagtakha sa mamula mula at namumugto kong mga mata, ngayon wala na kong lakas para umiyak, dapat ako susurpresa pero ako ang nasurpresa nila, para yung isang pasabog na talaga nga namang hindi ko kakayanin.

Sinuot ko ang shades ko nang makalabas ng hotel, agad akong pumara ng taxi para dalhin sa isang mall malapit, lahat ng makita kong dress ay nilalagay ko agad sa cart kahit hindi tinitignan ang presyo nito, pati na rin ang mga pumps,stilleto at iba't iba pang heels, kahit sa pagbabayad ay hindi ko nagawang suklian ng ngiti ang nakangiting babae sa akin, nakahalukipkip ako habang ang bag ko ay nakasabit sa isang kamay ko, mabilis na inilagay ng driver ang mga shopping bags sa taxi niya atsaka ako pinagbuksan ng pinto

Sa araw na iyon ay wala akong ginawa kundi bigyan ng oras ang sarili ko, ngayon ko lang rin nagawang magpagupit ng walang kahit sinong pinapaburan kundi ang sarili ko, gusto ko pang matawa ng sabihin ng naggugupit sa akin na heartbroken raw daw ba ko para magpagupit, gusto ko siyang sapakin ng oras na yun, mas sobra pa sa heartbroken ang nararamdaman ko!

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin, bukas ay uuwi na ko, nakakatuwang isipin na balak pa palang magpropose ni Nate sa akin sa birthday ko, sa ikalawang araw na ang kaarawan ko, gusto kong matouch at matuwa sa gagawin nila para sa akin pero para san pa? kung isang malaking kasinungalingan lamang iyon?

Kumain lamang ako atsaka ako nagpahinga para maging handa bukas sa pagharap sakanila, gusto kong maging maganda ang pagkikita namin, gusto kong ipamukha sakanila ang panlolokong ginawa nila sa akin.

to be continued ...

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon