Symptoms
Pinaikot-ikot ko ang ballpen sa kamay ko at nakapangalumbabang nakatingin sa teacher ko na nagtuturo sa harap
"Mas nakakaenjoy pang tignan yung ginagawa mo sa ballpen kaysa sa pakikinig kay maam" napatingin ako sa katabi kong nakangiti sa akin
Nakataas ang buhok niya, ang mga mata niya ay parang nangungusap, ang mga labi niya ay katulad ng kay Curt at kapag ngumingiti siya ay lumiliit ang mga mata niya, matangkad rin siya katulad ni Mason at halatang pacool kid dahil hindi nakaunbutton ang unang button niya sa polo niya kaya nakikita ang tshirt na suot-suot niya
"I'm Rafa, and you're?" inabot niya sa akin ang kamay niya at naghihintay na abutin ko ito, pamilyar ang pangalan niya sa akin pero hinayaan ko nalang at ngumiti rin sakanya, inabot ko ang kamay niya "Fern" sagot ko
"Inlove ka ba?" nakangiting tanong niya sa akin, naramdaman kong napataas ang kilay ko sa tanong niya
"Ha? san mo naman nakuha yang tanong na yan?" natatawang sabi ko sakanya
"Ah, wala naman pansin ko lang kasi sayo lagi kang nakatingin sa labas at hindi ka nagfofocus sa mga tinuturo ni Maam" masyado na ba akong halata? na pati siya ay nakikita na rin yun, bumuntong hininga ako at tinignan siya
"Masyado na ba akong halata?" natawa siya ng mahina at tinignan ako
"di naman, pwera nalang kung tititigan ka" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya
"so, tinititigan mo ko?" nakagat ko ang labi ko sa walang prenong salita ko
"secret, alam mo kasi nakakarelate lang ako kaya nasabi kong inlove ka" napatingin ako sakanya at interesadong ngumiti sakanya
"inlove ka rin?" kinamot niya ang batok niya at ngumiti ng nahihiya sa akin, tinawanan ko siya ng mahina at pinalo ang kamay niya
"para kang bakla, sige na, kwento ka naman sakin" natawa naman siya at umayos ng upo para mas makaharap sa akin
"tsaka ko na kukwento yung sa amin, sasabihin ko nalang sayo kung paano ko nalamang inlove ka" napangiti kami at tumango naman ako sakanya
"okay, una sa lahat, lagi mo siyang iniisip" tumango-tango ako dahil talaga namang bawat oras naiisip ko si Mason
"second, lagi kang nagmamasid sa paligid, hinahanap ng mga mata mo ang mukha niya o hindi kaya'y tinitignan mo kung dadaan ba siya o nandyaan na ba siya" nakagat ko ang labi ko nang maisip ko kung paano ko chinecheck ang labas bawat oras kung dadaan ba si Mason
"third, nagiging interesado ka sa usapan pagnababanggit ang pangalan niya" pinigilan kong mapangiti ng maisip ko kung paanong araw-araw kong naririnig ang pangalan niya sa t'wing magkukwento si Maddie saakin
"fourth, nagiimagine ka ng tungkol sainyong dalawa halimbawa nobyo mo na siya" napangiti si Rafa sa akin ng mapangiti ako sakanya, dahil naisip ko lang naman kung ilang beses ko ng pinagrereplay sa utak ko na kami na kunyare at sobrang sweet namin
"fifth, wala akong sinabing pangalan pero siya agad ang pumasok sa isip mo" nanlaki ang mata ko ng ngitian ako ni Rafa, ohmygod! puro si Mason ang naisip ko ....
"sixth, mapapangiti ka dahil tama ako, at lahat ng binanggit ko ay nangyari na sayo" napatakip ako ng bibig dahil tama siya! lahat tama eh, tagos na tagos sa akin!
"at kung talaga ngang nangyari na sayo yang lahat, inlove ka ngang talaga!" may kompyansa sa tono ng pagsasalita niya, napailing na lang ako habang nakangiti, inlove ngang talaga ako
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...