Ikaw lang ang hinihintay ko
Pagkagising ko'y wala ng tao sa kwarto, bumangon ako para icheck ang phone ko walang kahit anong message na galing kay Mason kundi kay Nate lang at sa iba ko pang kaibigan
Sean Nate : Happy Birthday, Fern :) goodmorning :D
Curt : I heard nasa Vigan ka daw and I saw your picture with Mason, hope you have a wonderful day, Happy Birthday, sana ay masaya kang nandyan siya :)
Rafa Antonio : happy birthday my dearest friend :D miss na kita, nakipaghiwalay na pala sakin si Tracey, pero okay na ko :) pero ikaw ah! magkasama pala kayo ni Mason diyan si Ilocos ah, umaariba ka diyan ah, hintayin ko ang kwento mo sakin pagdating niyo rito, atsaka pala yung gift ko sayo naihanda ko na rin hahahaha :* :D
Maddie : Happy Birthday Ferrrrrrn :D ang dami mong handa rito, labas kana ;)
Pia : Happy Birthday Fern, swerte mo naman kasama mo si Mason, hihihihi :D
Fatima : Happy Birthday sa pinaka maganda kong kaklase, mbtc :D
Zackary : HBD :*
Jude : hbd po :3
Ang iba pang mga mensahe ay hindi ko na nakita kaya nagtipa na lamang ako ng mensahe para sa mga nabuksan kong message at agad silang pinasalamatan, naligo muna ako bago ako lumabas papunta sa Blue Lagoon, sinuot ko ang kulay maroon kong swimsuit two piece at pinatungan lang ito ng plain white loose sleeveless, sinuot ko din ang shades kong kulay pink na dior so real, matapos kong magbihis ay dinampot ko ang cellphone ko't dali daling naglakad papunta sa Blue Lagoon, may mga naliligo na't nagkakasayahan sa dagat habang ang iba ay inaayos ang lamesa kung saan may mga pagkaing nakalatag, habang papalapit ako sakanila'y nakangiti silang pinagmamasdan ako, lumapit ako kay kuya na syang nakalahad ang dalawang kamay na animo'y naghihintay sa akin para yakapin ko siya, tumakbo ako para salubungin siya ng yakap, pumikit ako ng maramdaman ko na ang paghaplos niya sa buhok ko
"Happy Birthday, Princess" malambing niyang bulong sa akin, ngumiti ako't humiwalay na sa yakap ni kuya, hinalikan ko siya sa pisngi at pinunasan ang luhang pumatak sa mga pisngi ko
"Thankyou, kuya" nginitian niya ko pagkatapos ay tinignan ko na si Mama at Papa na nakangiti sa akin, nginitian ko sila at nilapitan
"Ma, Pa" niyakap ko sila at ganun din ang ginawa nila sa akin
"Happy Birthday our Princess" parehas nilang sabi, tumango lang ako at hinalikan sila sa pisngi atsaka ko nilingon si Maddie na nakangiti sa akin, nilapitan ko rin siya at niyakap
"Happy Birthday, Fern" rinig ko sa tono ng boses niya na umiiyak na siya, hinaplos haplos niya ang buhok ko kaya naman tinignan ko siya
"Thankyou for being my bestfriend" mas lalo siyang naluha sa sinabi ko kaya bumitaw na siya sa pagyakap sa akin at ginamit niya ang dalawang kamay niya para takpan ang bibig niya at punasan ang mga luha niya, nang talikuran niya na ko'y napunta ang atensyon ko kay Nate na ngumiti sa akin
"Happy Birthday, Fern" yun lang ang sinabi niya at nginitian ko naman siya, nagpasalamat lang ako kayla Tito at tita na binati rin ako pagkatapos nun ay nagsalo salo na kami sa pagkain, habang kumakain ay nagsiswimming na sila habang ako'y nakikipagpicture pa sa iba
"Fern, ito pala ang regalo ko saiyo" inabot sa akin ni Maddie ang isang kahon na may balot na kulay lila, namumugto ang mata niya ng yakapin niya ko, nginitian ko siya at siya namang pagtabi sa akin ni kuya sa gilid ko
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...