20

39 1 0
                                    

Desperate

Kinaumagahan ay nagayos agad kami para magpaalam sa mga Pioneer, nagshort lamang ako at simpleng printed tshirt na pinatungan ng jacket, nilalagay na ang mga gamit nila sa isa pang Van na gagamitin nila pauwi, pinaglalaruan ko ang mga paa ko habang kinakausap nila Mama sila Tito at Tita, nahagip ng mata ko si Maddie at Kuya na naguusap sa gilid ng Van mukhang nagtatago sila, napatingala ako kay Nate ng akbayan niya ko't tignan ng maiigi

"Merry Christmas, Fern" masayang bati niya, ngumiti rin ako sakanya

"Merry Christmas rin" bati ko pabalik sakanya, ngumiti siya atsaka inalis ang pagkakaakbay niya sa akin

"Magingat kayo rito ah" paalala niya, seryoso ang tono ng boses niya kaya napalingon ako ulit sakanya

"Kayo rin" nakagat ko ang labi ko

"Kita na lang tayo ulit pagbalik niyo" ngumiti siya at huminga ng malalim, napangiti rin ako sakanya at napatango

"See you soon" mahinang sambit ko, nilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabila kong bulsa at nagulat ng yakapin niya ko, naestatwa ako ng maramdaman ang mga braso niyang pumupulupot sa akin, nanlalaki ang mata ko ng kusa siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin, umiwas siya ng tingin at kinagat ang labi niya

"Goodbye Fern, I'll wait for you" matipuno niyang sambit pagkatapos ay nauna na siyang pumasok sa loob ng Van na hindi man lang ako nagawang lingunin pa ulit, nakita ko kung paanong hinablot ni kuya ang mga kamay ni Maddie kaya agad akong napatingin sakanila, liningon siya ni Maddie at kitang kita ko ang galit at lungkot sa mata niya

"Frank, let go of me" madiing pagkakasabi ni Maddie, malayo ang mga magulang namin para makita sila pero malapit ako para makita at marinig sila, hindi man lang nila nagawang lingunin ako habang nagtititigan sila

"I can't, you know I can't" mas mariin ang pagkakasabi ni kuya at nasapo ko ang bibig ko ng makitang may tumulong luha sa mata ni kuya at kung paanong manginig ang mapupulang labi niya

"you have to, I-I can't love you, Frank" napaiwas ng tingin si Maddie kay kuya, at kita ko kung paanong nangunot ang noo ni kuya sa sinabi ni Maddie, mukhang nagsusumamo ang mga mata niya, napahinga ako ng malalim ng maramdaman ang bilis ng pintig ng puso ko

"b-bakit? is it because of your brother? huh? hey ... h-hon .." lumambing ang boses ni kuya habang idinidikit niya ang kamay ni Maddie sa pisngi niya

"no, dahil .... dahil may iba akong gusto, Frank" nakita ko ang panghihina ni Maddie ng sabihin niya iyon habang nauutal, nabitawan ni kuya ang kamay ni Maddie ng marinig iyon, napangisi siya sa kawalan habang tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha niya

"bullshit! sino? sino yung sinasabi mong gusto mo? ha?" medyo lumakas ang boses ni kuya habang nanggagalaiting tinititigan si Maddie, napalunok si Maddie at iniiwasan lang ang mga mata ni kuya

"si ... si ... C-Curt ..." mahinang sambit ni Maddie, maski ako ay nagulat katulad ni Maddie ng marinig iyon ni Kuya

"Bullshit! Just ... Bullshit! You're lying! I know you are! You love me and you can't hide that feelings for a long time, Maddie! You know you can't" hindi makapaniwala ang boses ni kuya at napapailing pa siya habang tinititigan si Maddie

"Hindi! Wala akong feelings para sayo, Frank, why can't you just accept it? You think I'm inlove with you? damn! think again! how could I love someone like you? or even fall for you? napakadesperado mo para habul-habulin ako! wala kang pinagkaiba sa kapatid mo, oo tama! parehas kayong desperate!" madiin at masasakit ang binitawang salita ni Maddie na pati ako'y tuluyang nanghina sa narinig ko, ramdam na ramdam ko kung paanong nawawarak ang puso ko sa narinig kong iyon, nilingon ko sila at nakita ko kung paanong madiin na hawakan ni kuya ang kamay ni Maddie at kung paanong sobrang namimilipit sa sakit si Maddie

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon