16

43 1 0
                                    

Chase

"Fern, hindi ka pa ba kakain?" simpleng tanong ni mama, habang umiinom ng coffee niya, lumunok ako at tinignan si Mama

"Ma, ligo lang po ako, hindi pa naman po ako gutom" simpleng sagot ko lang rin kay mama, tinignan niya kong maigi atsaka siya tumango at umiwas ng tingin, tumayo na ko sa pagkakaupo at hindi na nilingon pa sila kuya at papa na titig na titig lang sa ginagawa ko, tulala lang ako habang naglalakad papunta sa dagat, huminto ako ng maalala ang nangyari kahapon, napaluhod ako sa buhanginan at hindi nanaman napigilan ang pagiyak

"fuck!" umalingawngaw sa akin ang pagmumura ni Nate, agad niya kong niyakap hanggang sa maubos na ang luha ko, hinarap niya ko at pinunasan ang mga luha kong natuyo na rin dala ng hangin na tumatama sa amin

Tulala akong naupo at pinanood ang alon ng dagat, ramdam kong tinabihan ako ni Nate pero hindi ko magawang lingunin siya ng titigan niya ko

"Are you feeling better now?" mahinahon niyang sabi, huminga lang ako ng malalim at hindi siya nagawang sagutin, tumingin ako sakanya at pinilit siyang ngitian

"want to swim?" mahinang sambit ko, tinitigan niya ko bago siya tumango at ngumiti sa akin

Tumayo ako at hinubad ang loose tshirt kong may nakatatak na Vigan, napatingin ako kay Nate na nakatingala sa akin, kinunotan ko siya ng noo atsaka ako tumikhim

"ayaw mo bang lumangoy?" nakaawang ang bibig niya habang nakatingin sa akin nang mapansin niyang tinititigan ko na siya'y napaiwas siya ng tingin

"ikaw na lang muna, fern" pagkasabi niya nun ay nagkibit balikat na lamang ako at tumungo na sa dagat

Two Piece swimsuit ang sinuot ko na kulay blue green, bumagay ito sa balat ko dahil hindi naman ako ganun kaputi at hindi rin maitim, tumatama sa akin ang sikat ng araw kaya hinayaan ko ang umaalon kong buhok na bumuhaghag at lumipad ng dahil sa hanging tumatama sa balat ko, lumusong ako sa tubig at kinampay ang mga paa ko mula sa berde at nakarating ako sa asul na asul na kulay ng dagat, napapikit ako ng sumakit ang mata ko dala ng alat ng tubig, napaahon ako at agad hinagod ang buhok kong basang basa

Tinignan ko ang pinanggalingan ko at nandun si Nate na nakaupo at tanaw na tanaw ako, ngumiti siya sa akin at kumaway pero hindi ko nagawang ngumiti ng makita ang kotseng dumaan sa pinakalikod niya, naestatwa ako ng makita ang tao sa loob non, batid kong kahit malayo ako'y nakita niya rin ako, lumangoy ako sa pinakamalapit na buhanginan, nang makaahon ako'y mabilis akong tumakbo para maabutan ang sasakyan kung saan naroon si Mason

Hindi ko pinansin ang tawag sa akin ni Nate sa malayo, hindi ko na rin ininda ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko, hindi ko rin pinagkaabalahang pansinin ang mga taong napapadaan at tinitignan ako, basang basa pa ko pero hindi ko yun inisip at patuloy lang sa pagtakbo at paghabol sa sasakyang alam kong hindi naman hihinto

"Mason!" sigaw ko kahit ang layo layo ng agwat sa akin ng kotse nila, napaluhod ako sa sobrang kawalang pagasa, nakatuon lang ang buong atensyon ko sa kotseng palayo ng palayo sa akin, duon ko lang naramdaman ang pagod at ang sakit ng tinakbo ko, napatawa ako sa sarili ko dahil nagawa kong habulin ang sasakyan ng walang saplot ang paa at walang nagtatakip na sarong sa katawan ko, hinablot ako ni Nate at dali-dali niyang isinuot sa akin ang damit niya, mabilis niya kong inakay pabalik sa kinaruruonan namin

"Why are you doing this to yourself, fern? god!" narinig ko ang mahina niyang pagmumura pero hindi ko siya nagawang sagutin, inupo niya ko sa buhanginan at agad tinabihan

"Fern, I'm here" hinawakan niya ang baba ko para lingunin siya, tulala lang ako habang nakatingin sakanya

"I'm here to listen, tell me what happened please, It's hurting me seeing you like this" nabigla ako ng may tumulong luha sa mga mata niya, parang lahat ng gumugulo sa isip ko'y biglang naglaho, tuliro akong nagangat ng tingin sakanya, namumula ang labi niya kong pinasadahan ng tingin, nanginginig ang kamay ko ng punasan ang pisngi niya bago pa ko magsalita ay hinatak niya na ko para yakapin siya

"Please, Fern tell me what happened" tinignan niya kong maigi at hinarap sakanya, tumango tango ako sakanya atsaka tiim bagang niyang binitawan ang balikat ko

"I-Its about Mason ..." tumungo ako at pinagmasdan ang mga paa ko

"what about him?" malamig ang tono ng boses niya ng itanong sa akin yun

"h-he left me" nakagat ko ang labi ko ng mautal ako, batid kong gusto niyang ituloy ang pagkukwento ko ng hindi siya sumagot sa sinabi ko

"kahapon, ng bigla kayong mawala sa lighthouse---" agad akong napatingin sakanya ng putulin niya ang sinabi ko

"wait, what? nawala kami sa lighthouse? I thought you were with us nung ayain ako ni Frank, sa bar, nabigla nga ko ng ayain niya ko eh, limit sa kaalaman mo ay hindi kami nagpapansinan dahil sa may problema lang nga na nangyari" mahabang paliwanag niya, napailing ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin

"Magisa na lang ako dun the last time I check at nagulat ako ng nandun si Mason, he give me a most beautiful gift that I could ever had, he kissed me and that was the most wonderful time in my life, but then after that, he left me" mapaklang sambit ko sakanya, nilingon ko siya at malayo na ang tingin niya

"and what does he say before he left you?" nilingon niya ko at napatulala ako sa mga batang tumatawa habang nagsiswimming kasama ang mga iba pang bata

"he says na tigilan ko na siya at wag ng pahirapan pa and that hindi siya ang para sa akin, that was the most bullshit I could ever hear" sarkastiko akong tumawa at pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko, napatingin ako kay Nate ng tumayo siya at kumuha ng bato para ibato sa dagat, wala ng mga tao at palubog na rin ang araw, tinignan niya ko atsaka siya ngumiti sa akin, inalok niya ang kamay niya kaya naman agad kong kinuha ito, inabutan niya rin ako ng bato at hindi na ko nagdalawang isip pang itapon rin ito sa pinakamalayong parte, napangiti ako sa ginawa ko para bang nabunutan ako ng tinik sa ginawa namin

Tatawa-tawa kami ni Nate habang papunta sa villa namin, nagpaalam ako sakanya at nagpasalamat dahil sa pagpapagaan niya ng loob ko

Huminga ako ng malalim ng makalabas galing sa bathroom, pinunasan ko ang buhok ko at natulala sa cellphone kong nakalagay lang sa kama ko, lumunok ako at napagdesisyunang abutin ito, kinagat ko ang labi ko at kinalma ang sarili kong naghuhurementado na

Nilingon ko ang paligid at wala naman rito ang pamilya ko, binuksan ko ang app na madalas kong gamitin at kabadong pinindot ang pangalan ni Mason, lumunok ako at nagsimulang magtipa ng mensahe

Me : alam kong gusto mong tigilan na kita pero please, can you just please lunch with me? hindi ko maipapangakong last na yun pero sana pagbigyan mo ko sa lunch, sa pagbabalik ng school days, aasahan kita, please :'(

desidido kong pinindot ang send button at agad pinatay ito, pumikit ako at nahiga sa kama ko

Mason ... If you think I'll give up on you, think again! I won't and I'll never be

If this means I'll chase you again then I'll chase you forever, I don't care if that's going to be hard, I don't care if this means I'll hurt myself, I want you and I'll chase you even if I die in this decision I'd made

Napabangon ako sa pagkahiga ng may kumatok sa pintuan, tumayo agad ako at binuksan iyon, bumungad sa akin ang nakangiting si kuya may dala dala siyang pagkain na batid kong binili niya sa isang fastfood

"Bukas ng umaga ay iikutin natin ang bayan, kung sumama ka lang sa amin kanina ay grabe princess, ang lulupet ng mga fastfood ruon gawa sa sinaunang mga bahay yun, nakakatuwang pagmasdan" umiling iling si kuya habang nakangiti siya at umupo sa kama

Tumabi ako sakanya at kumuha ng fries sa pagkaing nakalatag sa kama, nginuya-nguya ko yun habang nakikinig sa mga kwento niya

Naisip ko kung duon rin ba pumunta sila Mason kanina? napanguso na lang ako at iniwasang isipin nalang iyon, pipigilan ko ang sarili kong isipin muna siya ngayon at ienjoy ang vacation namin

Nang maggabi na ay natulog na lamang ako at hindi na lumabas pa ulit, siguro nga'y makakatulong sa akin ang pagikot namin sa bayan bukas, baka sa ganoong paraan ay magawa ko namang ngumiti at ienjoy ang bawat oras na nandito kami dahil iilang araw na lang naman ay magpapasko na, dapat ay nagsasaya lang ako at hindi na iniisip pa ang mga problema

to be continued ...

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon