May KarapatanPagkasakay ko sa motor ay mabilis niyang hinablot ang kamay ko para iyakap ito sakanya, hindi ako nakagalaw agad ng iikot niya ang motor papaalis at bumalandra si Mason sa paningin ko, malungkot niya kong sinulyapan hanggang sa malagpasan nanamin siya ni Rafa, sinubukan ko siyang lingunin at duon nakita ko si Tracey na kinakausap siya pero sa akin lang ang paningin niya kaya minabuti ko na lang na ibalik ang tingin ko sa harap
Mabilis na pinaharurot ni Rafa ang motor niya, maga na ang mga mata ko kaya naman hindi ko na rin nagawang tignan pa ang paligid at kung saan niya ko balak dalhin, ang alam ko lang ay namumungay na ang mga mata ko kaya naman nahiga ko ang ulo ko sa likod ni Rafa at tuluyan ko na ngang naipikit ang mga ito
Sumakit ang mga mata ko pagkagising ko, tumigil na ang pagandar ng motor kaya agad kong naiangat ang ulo ko para tignan ang paligid
"Gising ka na pala" maamong saad ni Rafa, napabitaw ako sa pagkakayakap sakanya at agad na bumaba sa motor, nakaawang ang bibig ko habang iniikot at sinusuri ang lugar
Puno ng damo ang paligid, may mga bata ring nagtatakbuhan, may mga tao namang nakasakay sa mga kabayo sa kabilang banda, may mga bilihan naman ng souvenir at kung ano ano pang mga pagkain na nakakalat sa paligid, habang kami ni Rafa ay nakatayo ngayon sa mala bunduking lugar, hinubad ko ang helmet na nakalagay pa rin sa ulo ko't binitbit ito habang unti unting napapanganga sa ganda ng paligid
Naluluha kong nilingon ang nakahalukipkip na si Rafa, nang mapatingin siya saki'y napangiti siya pero hindi ko yun nagawang suklian ng siya na mismo ang kusang lumapit sa akin at inaya akong maglakad lakad, pumayag ako dahil na rin sa ganda ng paligid
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" napatigil kami sa paglalakad ng makasilong kami sa isang malaking puno na nakatayo rito sa mala berdeng bundok, huminga ako ng malalim at tinanaw ang bulkan na siyang atraksyon rito sa lugar, ang taal volcano
"Hindi ko masasabing mabuti pero humupa naman ang sakit kahit papaano" sambit ko ni hindi siya nilingon, naramdaman ko ang titig niya sa akin pati na ang hanging humahaplos sa balat ko
"Dito ako pumupunta kapag gusto kong magisip isip" maikling aniya, nilingon ko siya't nakitang nakatanaw rin siya sa taal, napatango ako sa sinabi niya at siya ring paglingon niya sa akin
"May hindi pa pala ako nasasabi sayo" natiim ko ang mga labi ko ng pasadahan siya ng tingin, hinagod niya ang buhok niya bago ulit ako tignan
"Kinausap kasi ako ni Maam, and she says na sabihin ko saiyo to" pananabik niya pa, napasimangot ako pero interesadong pinagkatitigan siya, nangisi pa siya ng tignan rin ako
"Ano daw bang nangyayari sayo? napapabayaan mo na studies mo, at ang sabi niya pa kailangan mo raw bumawi this finals para ikaw pa rin ang maging top 1" mahabang paliwanag niya, napabuntong hininga ako at dinama na lang ang hanging tumatama na ngayon sa mga buhok ko
"Hindi ko rin alam ..." tunog malungkot ang pagkakasabi ko nun
"Sa tingin ko kasi may iba ka pang pinagkakaabalahan kaysa sa studies mo" nagpanggap akong di ko narinig yun, dahil mismong ako, alam ko! alam kong yun rin ang dahilan kung bakit, hindi ko man lang binalance, pinagmasdan ko ang sinag ng araw na siyang tumatama sa balat ko
"Sorry nga pala ah" napalingon ako kay Rafa ng sabihin niya yun, binigyan niya ko ng sinserong ngiti
"bat ka nagsosorry?" nagtatakhang tanong ko, napangiwi siya
"dahil sa ginawa ni Tracey kanina, ako na ang humihingi ng tawad sayo" pinagtiim niya ang labi niya ng pasadahan ako ng tingin, sinsero ko rin siyang binigyan ng ngiti
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...