11

58 1 0
                                    

Numb

Habang papunta kami sa isang mall ay hindi ko mapigilang maisip ulit yung mukha ni Mason kanina

"Inlove na inlove ka na talaga, Fern ah" napasulyap ako kay Curt, seryoso siyang nakatingin sa kalsada habang ang isang kamay ay nakasandal sa gilid nito, nakataas ang isang kilay niya at igting na igting ang panga niya

napangiti naman ako "Bat mo naman nasabi yan? wait, masyado na ba kong obvious?" napahawak ako sa magkabilang pisngi ko at agad na naginit dahil sa nararamdamang hiya, napasulyap si Curt sa akin at di matago ang ngiti niya ng humarap ulit siya sa kalsada, ngumuso siya para pigilan to

"Bat ka ngumingiti dyan, ha? kainis to!" pinalo ko ang braso niya at agad siyang umiwas habang nakangiti

Tinigil niya ang kotse atsaka ako tinignan "ang cute mo kasi, Fern" natatawa niyang sabi atsaka ulit pinaandar ang kotse para ipark

"Halika na" iminuwestra niya ng kamay niya ng pagbuksan niya ko ng pinto, ngumuso ako atsaka siya matalim na tinignan, napangisi siya

Bumaba ako at hindi pinansin ang pagalok niya, pinigilan kong ngumiti ng makita ko sa gilid ng mata ko ang paghagod niya sa buhok niya ng kamay na inalok niya sa akin

Pagkapasok na pagkapasok namin sa mall ay nakakakita pa ko ng mga estudyante ring gumagala sa mall, may mga magkakaibigan, mayroon ding mga magsho-shota, agad akong hinila ni Curt ng matameme ako sa nakita ko sa isang foodcourt

"C-Curt ... s-sandali" pinaupo ako ni Curt sa isa sa mga upuan, pero ang mga mata ko'y naiwan na ata sa dalawang taong nagtatawanan sa kaharap naming fast food, medyo tago ang upuan nila pero nagawa ko paring makita sila kahit na nasa sulok pa ang mga upuan nila, bakit magkasama si Mason at Maddie? naramdaman kong umupo sa tabi ko si Curt at inilapag niya ang dalawang baso na may nakatatak na blizzard sa gitna nito

"Fern ..." tinapunan ko ng isang segundong tingin si Curt at tumingin na ulit kayla Mason

"C-Curt ... bat magkasama sila?" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na yun basta ay bigla na lang lumabas sa bibig ko yun, pakiramdam ko ay kumikirot ang puso ko, napahawak ako rito at huminga ng malalim

"I think they're just talking about school stuffs, Fern" walang ganang sagot niya sa akin, nararamdaman ko ang titig niya sa akin pero hindi ko parin magawang lingunin siya

"school stuffs? bat hindi natin sila lapitan?" nakangiting sambit ko, pinapakalma ang puso ko

"huwag ka ngang magselos, Fern" napaharap lang ako sakanya ng dahil sa naiiritang tono niya

"I'm not jealous, Curt" mariin kong sabi sakanya, napalunok siya at umigting ang panga niya sa sinabi ko, pumungay rin ang mga mata niya at masinsinan akong tinignan, isinandal niya ang kamay niya sa table at umayos ng upo para malapitan ako

"then, why are you acting like that? huh?" matalim ang mga tingin niya sa akin at halos mamula na siya ng sabihin yun, nabigla ako sa pinakita niyang ekspresyon, ilang minuto at napatitig pa ko sakanya, napaiwas ako ng tingin at napapikit

"for god sake! she's my bestfriend! I can't be jealous! co'z SHE'S MY FUCKING BESTFRIEND, Curt" naipatong ko ang dalawang siko ko sa mesa at naisapo ang mga kamay ko sa noo ko

"walang pinipili ang selos, Fern kahit na ba bestfriend mo pa" mariin niyang sabi sa akin, napasulyap ako sa kanya at nakitang nakatitig lang siya sa ice cream at pinaglalaruan ito gamit ang pulang kutsara

"but you know what? being numb is much harder than being jealous" naiangat ko ang ulo ko sakanya at takang pinasadahan siya ng tingin, nakangiti siya habang nakatitig sa ice cream

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon