25

40 1 0
                                    




Excited

Nang makarating ako sa room ay halos wala na kong ibang narinig kundi ang foundation na magaganap bukas, umupo ako sa upuan ko kaya nadako rin kay Rafa ang tingin ko, napatingin rin siya pero hindi ko siya nagawang ngitian ng makita ang sugat sa ibabang labi niya, kumunot ang noo ko ng ngitian niya ko ng pilit, tumayo ako't nilapitan siya

"Ano yan? Bat may ganyan ka?" agad na tanong ko pagkaupo ko sa tabi niya, sinuri ko pa ang buong mukha niya at may pasa rin siya sa gilid ng mata niya kaya napaiwas siya ng tingin at napangisi, dinilaan niya ang labi niya kung saan naruon rin ang sugat atsaka ako binalingan ulit ng tingin

"nagalusan lang, hindi ako nakaiwas eh" pagngisi niya, pinaningkitan ko siya ng tingin atsaka sumandal sa upuan

"anong sabi nung lalaki? nakausap mo ba?" naramdaman kong hinarap niya ko pero hindi ko siya nagawang lingunin atsaka ako humalukipkip

"tama ka nga, ang asshole ko" natatawang sambit niya habang hinahaplos ang labi niya, sinulyapan ko siya atsaka ako napanguso

"hindi mo naman alam eh, so, anong balak mo ngayon?" mahinang tanong ko, huminga siya ng malalim atsaka tumaas ang isang kilay niya ng tapunan ako ng tingin

"hindi ko alam, hindi ko pa siya kayang kausapin ngayon" umiling-iling siya kaya hinagod ko ang likod niya para sa ganung paraan ay mapakalma siya sa nararamdaman

"naiintindihan kita, ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ko rito habang sinisilip ang mukha niya, hinihilot niya ang sentido niya ng pilitan niya kong ngitian

"ayos lang ako, don't worry" mahinang anya, tumango ako't tumayo na rin para bumalik sa upuan ko, tahimik na dahil dumating na rin ang first subject teacher namin

"Agaizer" tawag ni Maam kaya agad kaming napalingon sakanya, tumayo si Curt para abutin ang test paper na ibinigay sakanya ni Maam, batid kong yun ang test paper namin nung bago magsem break

"Apondar" agad ring kinuha ni Rafa ang sakanya, napaayos ako ng upo ng sunod ng tawagin ang mga babae matapos ang mga lalaki, napapalunok pa ko ng papalapit na ng papalapit sa akin

"Santillan" huminga ako ng malalim bago tumayo at abutin rin ang test paper, tinignan ako ni Maam ng kuwin ko ang test paper

"Anong nangyayari sayo, Santillan?" mahina lang ang pagkakasabi niya nun kaya batid kong kaming dalawa lang ang nakarinig ng sinabi niya, nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napapahiyang tumungo

"Sorry po ..." mahinang bigkas ko rin, tinanguan niya ko pagkatapos ay naupo na rin ako agad sa upuan ko

25/50 ang score ko, kalahati! nanlumo ako sa nakikita kong marka sa test paper, napahinga ako ng malalim at bago ko pa maitago ang test paper ko sa bag ay mabilis na tong hinablot ni Curt

"uy" mahinang saway ko sakanya, nilayo niya sa akin ang test paper ko habang pinagmamasdan niyang mabuti, huminto nalang ako sa pagabot nun ng malaang hindi niya talaga yun ibibigay

"nice, still passed" nakangiting sabi ni Curt pagkatapos ay ibinigay niya ulit ang test paper sa akin, binigyan ko siya ng pilit na ngiti

"ahm, Fern ..." mahinang tawag ni Curt kaya napalingon ako sakanya, tumaas ang kilay ko't binigyang pansin siya

"bakit?" walang emosyong tanong ko pabalik

"bibili ka ba ng ticket sa battle of the bands?" masigla ang boses niya at napakasaya ng ekspresyon niya kaya nginitian ko rin siya

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon