13

52 1 0
                                    

Small World

Titig na titig ako kay kuya ng makaupo kami sa sala, tahimik ang lahat at ramdam na ramdam ko ang tensyon rito kaya tumikhim ako at ngumiti sakanila, nakita ko naman ang pagngiti rin sa akin ni Nate at ang mga mata ni Maddie na hindi maalis kay kuya

"May gusto ho ba kayong kainin?" ako ang nagsalita, tinignan lang nila ko atsaka ngumiti si tito Michael

"Fern, kumusta ka sa school niyo?" tanong ni tito Michael, hindi man lang pinansin ang tanong ko

"She's doing good" bago pa ko makasagot ay si kuya ang sumagot kay tito Michael, napatitig ako sakanya at sobrang talim ng tingin niya rito

"How about you, Frank?" tanong naman ni tita Natasha na nakangiti kay kuya, nilingon ni kuya si Nate at tinignan ng maigi

"I'm doing good" mariin niyang sinabi, nagtitigan lang sila ni Nate, ang talim ng mga tingin ni kuya sakanya habang si Nate ay walang ekspresyon ang mga mata

"Ang sabi ng papa mo, Fern, sa grade 10 mo ay sa italy ka na magaaral" napatingin ako kay tito Michael na prenteng nakaupo katabi si Papa

"opo, ang tita ko ho ang magpapaaral sa akin dahil hindi na po kaya nila papa ang pagaralin kami ni kuya ng sabay, kaya naman ho nagaaral ako ng mabuti para hindi maging pabigat sa tita ko" nakangiting sambit ko, tumango tango si tito Michael

"tss" ngumisi nang naiirita si kuya, binalingan siya ni papa at sinamaan ng tingin

"Frank, can we talk?" napatingin ako kay Maddie na titig na titig kay kuya, sinulyapan siya ni kuya at parang nabigla pang nandoon si Maddie, tumayo si Maddie at pumunta sa kitchen namin, sinundan siya ni kuya, sinundan ko sila ng tingin

"S-Sandali lang ho ah? kukuha lang ako ng maiinom" ngumiti ako sakanila atsaka dahan dahang umalis para sundan sila kuya, nagtago ako sa pader ng makita silang magkaharap

"Ano bang problema mo?" mariin na sabi ni Maddie kay kuya, umiwas ng tingin si kuya kay Maddie

"paano mo to natitiis? ha?" mahinahong sabi ni kuya, hinawakan siya ni Maddie sa braso at hinarap sakanya

"I want my brother to be happy, sasaya rin naman si Fern dito eh" mahinahon ding sabi ni Maddie kay kuya, may tumulong luha sa mata ni kuya kahit titig na titig siya kay Maddie, kumalabog ang puso ko

"hindi sasaya ang kapatid ko, masasaktan lang siya, hindi mo ba iyon naiintindihan? bestfriend ka niya! dapat alam mo yun!" mariing sabi ni kuya kay Maddie, bago ko marinig ang sinabi ni Maddie ay may humatak na sa kamay ko paalis ruon

"Ang sabi ng matatanda, masama raw yung nakikinig ka sa usapan ng iba" napaharap ako kay Nate at nakangiti na siya sa akin, napatungo ako

"May kukunin lang naman ako sa kusina pero naguusap kasi sila ..." mahinang sambit ko, hinawakan ni Nate ang baba ko para iangat, napatingin ako sakanya

"Uhm ... so, narinig mo yung pinaguusapan nila?" umiwas ng tingin si Nate

"medyo, pede ba kong magtanong sayo?" agad siyang tumingin sa akin

"a-ano yun?" inalis niya ang kamay niya sa baba ko at umayos ng tayo kaya tiningala ko siya

"m-may namamagitan ba kay kuya at maddie?" nabigla siya sa sinabi ko at nanlalaki ang mga matang tinignan ako, matapos niyang iproseso ang sinabi ko ay mabilis siyang natawa

"ayun? wala naman ata ... bat mo naman nasabi yan?" nakangisi paring sabi niya, napanguso ako at napaiwas ng tingin

"Iba kasi ang tingin ni kuya kay maddie, may iba ..." nakagat ko ang labi ko at huminga ng malalim

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon