BraceletPatungo na kami ngayon sa sikat na tourist spot kung saan makikita ang malalaking windmill na nakatayo malapit sa dagat, nakangiti naming sinalubong ang malalaking alon sa dagat at ang malamig na simoy ng hangin, picture dito at picture doon ang mga ginawa namin
Nagstay pa kami doon at sabay sabay na nagpahinga sa buhangin, nang nagtatawanan sila Kuya at ang iba pa ay hindi ko rin napigilan ang pagtawa sa mga usapan nila, natigil lang ako sa pagtawa ng kalabitin ako ni Mama, agad ko siyang tiningala at agad sumunod sakanya ng nakangiti niyang iminuwestra ang daanan para maglakad kami
Tahimik lang ako na sumusunod kay mama, lumapit kami sa isang kubo kung saan may mga lalaking nagbebenta ng mga pagkain at mga iba pang souvenir na may mga kinalaman sa windmill, pero nangunot ang noo ko ng iabot sa akin ni mama ang isang bracelet, silver ang kulay ng nakapaligid rito at may mga bilog na mukhang flower ang disenyo naman na kulay itim, sa gitna nito ay may dalawang silver na puso may mga nakasulat rito tulad ng "te amo" at kung ano-ano pang ibang lenggwahe, nakangiti kong tinignan si mama ng bayaran niya ang lalaki at pasadahan niya ng tingin ang kamay ko kung saan nakasuot ang bracelet
"Bakit niyo po ako binibigyan ng ganito, Mama?" nakangiting tanong ko habang sinusuri pa rin ang bracelet
"Gusto ko lang ibigay saiyo ito dahil nung nakita ko ang magandang bracelet na to, ikaw agad naisip ko, anak" napangiti ako sa sinabi ni mama kaya agad ko siyang ginawaran ng yakap at halik sa pisngi
"Thankyou po Mama, ang ganda nga po nito" napagpasyahan na rin namin bumalik sa pwesto namin kanina at sakto namang pabalik na rin sila
"Saan po tayo pupunta?" tanong ko nung naglalakad na sila pabalik
"Sa Baluarte, fern" nakangiting tugon ni Tita Natasha habang hawak hawak ang lumilipad niyang dress at ang sumbrero niyang puno ng kulay
Sumunod kami sakanila ng papasok na sila sa Van, habang papunta kami ruon ay nakangiti ko lang pinagmasdan ulit ang bracelet, ang ganda ganda nito, iingatan ko ito dahil binigay ito ni Mama sa akin
"Fern, magpahinga ka muna" mahinang sambit ni Nate kaya agad akong tumango sakanya at sumandal sa upuan, unti unti kong naramdaman ang pagkapagod kaya mabilis rin akong nakatulog
Pagkarating namin sa Baluarte ay nasalubong namin agad ang tigre na tahimik lang na nakamasid sa amin, kinuhanan namin ito ng litrato atsaka kami pumasok sa loob kung saan nakita naman namin ang mga parrot, tuwang tuwa kami rito kaya nakipagkuhanan din kami ng litrato hanggang sa mapasok nanamin ang buong lugar
Sa harap ay makikita ang iba't ibang mga kabayo, madaming litrato ang kinuha namin hanggang sa makausad kami at sunod naman ay ang malaking mga letra ng Baluarte at ang mga dinosaur na nakadisplay sa paligid nito, awtomatiko kong kinuhan ng litrato ang nakita kong mga deer at nagawa ko pang ngumiti ng nakisama naman ang mga ito ng kunan ko ng litrato
"Fern, tara doon mas marami pang hayop ruon" nakangiting sambit ni Nate sa akin, tinanggap ko ang kamay niyang nagaalok sa akin sabay naming pinuntahan ang isa pang pasukan, nandoon nakadisplay ang mga ahas sa loob ng parang isang aquarium, iba't-ibang uri ng ahas ang makikita at mayroon pang pagong
Napaawang ang bibig ko ng makita ang puting tigre sa isang kulungan kasama niya ang isang malaking leon, lumapit ako ruon para kuhan ng litrato ang mga ito pati na rin kung paanong pinakain ng nagaalalaga sa mga ito ang mga hayop, nawala ang atensyon ko ruon ng hatakin ako ni Nate sa isang gate kung saan agad akong namangha, napangiti ako ng makita kung paanong lumipad sa harap ko ang mga paru-paro, tatawa tawa naming sinusubukang hulihin ang mga ito pero hindi namin magawa kaya pagod kaming naglakad kung saan may mga kahoy na magkakadikit at duon kami mas namangha ng makita ang iba't ibang paru-paro at kung paanong nabubuhay ang mga ito, mula sa pagkabata hanggang sa lumabas na sila sa sarili nilang cocoon, nakangiti kong inabot ang isang mariposa at tuwang tuwang nagpakuha ng litrato kay Nate, sumunod ang mga tao sa amin kaya ginaya nila ang ginawa ko
Nang mapagod sa kakakuha ng litrato ay bumalik na rin kami sa Van, tuwang tuwa kaming nagkukwentuhan sa mga nangyari at halos gugustuhin ko ng matulog sa sobrang pagod na naramdaman ko
Maggagabi na ng makarating kami sa tinutuluyan namin, pagod na pagod kaming nagsipuntahan sa villa ng bawat isa, nakipagpaalaman na rin kami at naligo na, matapos naming maligo ay kumain kami ng sabay sabay ng hapunan namin, halos maiyak ako sa kakatawa sa mga kuwento ni kuya, tama ang nangyari ngayon para sa akin, sandali kong nakalimutan ang problema at nagawa ko na ring magsaya kahit na nitong mga dumating na araw ay sakit ang naramdaman ko
Pagkatapos naming kumain ay sinamahan ako ni Nate maglakad lakad sa beach, napapangiti ako sakanya ng ikwento niya sa akin kung paano raw nadapa yung lalaki ng lingunin ng leon yung lalaki
"Buti naman at maayos na ang pakiramdam mo, Fern" suot suot ko parin ang jacket niya at ngumiti sakanya
"salamat sa nangyari ngayon" nakalagay ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng jacket atsaka tumigil sa paglalakad at hinarap ang dagat, naramdaman ko namang tinabihan ako ni Nate
"Dapat lagi ka na lang nakangiti at tumatawa" tiningala ko si Nate ng sabihin niya iyon
"Bakit naman?" nagtatakhang tanong ko sakanya, nilingon niya ko atsaka siya nagkibit balikat at nakangiting umiwas ng tingin
"mas maganda ka kasing tignan ng ganon, fern" napanguso ako sa sinabi niya at natatawang hinampas ang braso niya
"bolero" umiling-iling pa ko ng magpatuloy na kami sa paglalakad para bumalik sa villa namin
"hindi ah, totoo yun" nakangiting sabi niya, ngumiti na lang ako sakanya at nang marating nanamin ang villa namin ay agad akong huminto sa paglalakad at agad hinubad ang jacket niya
"salamat ah" inabot ko ito sakanya at nakangiting nagpaalam sakanya, tinanguan niya ko ng tanggapin niya ang jacket at maiging hinawakan ito
"goodnight" paalam rin niya, hinintay niya kong makapasok sa loob bago siya umalis
Nang makitang nakahiga na sila Mama at Papa ay agad kong hinanap si kuya pero wala siya rito kaya pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at naghilamos na para na rin makatulog na, nang marinig ko ang pagbukas at sarado ng pintuan ay siya naman ring naramdaman ko ang paghiga ni kuya sa tabi ko, napangiti pa ako ng halikan niya ang buhok ko
"Sana ay huwag kang magpadala sa kanya, princess" yun ang huling narinig kong bulong ni kuya sa likod ko bago pumikit ng tuluyan ang mga mata ko
to be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...