5

85 5 0
                                    

Huy Classmate!

"Okay class, you may now sitdown and I'll give you 3 minutes to review" pagkasabi ni Maam non ay mabilis na nagbulung-bulungan at naginartihan ang mga kaklase ko

"Maam, bukas na lang po" angal ng isa kong kaklase

"Oo nga po, Maam! di niyo po kami inorient na may quiz today" dagdag pa ng isa ko pang kaklase

"Aba, Miss Ebwaba, saan ka ba nakakita ng suprise quiz na inaannounce, you must study now so you could have a high score, besides lahat kayo matalino, kaya naman hindi na kayo dapat nagrereklamo, onting review lang yan para sainyo" matapos sabihin ni Maam yun ay yumuko ang mga kaklase ko at nagsimula nang magreview

"Pedeng maki-review?" napatingin ako sa tabi ko nang bigla niya akong tanungin, nakangiti siya sa akin, nagtakha naman ako dahil pumadpad pa siya rito para lang magreview? bakit hindi siya dun sa upuan niya?

"Bakit dito ka pa makikireview? pede ka naman dun sa upuan mo" binuksan ko ang notebook ko at tinignan ang mga notes ko, nang mapatingin ako sakanya dahil hindi siya sumasagot nakatingin lang siya sa notebook niya at seryosong-seryosong nagbabasa, pinagsawalang bahala ko nalang siya at nagbasa rin ng mga notes ko

"Huy Classmate!" naiirita akong napatingin kay Curt nang kalabitin niya ako

"Ano ba yun? nagrereview yung tao eh" nagpeace sign siya habang nakangiti

"Sorry, may notes ka ba sa Implements cosmetics,supplies and materials? hindi ko kasi nasulat yun eh, mahaba kasi ..." pagpapaliwanag niya pa, napailing na lang ako dahil sa kakulitan niya, nilipat ko ang pahina ng notebook ko at ibinigay sakanya

"Oh? paano ka?" nagtatakhang sabi niya

"Okay lang, tapos na kong magreview, stock knowledge" natatawang sabi ko

"wow, may knowledge?" pangaasar niya, pinalo ko siya sa braso at inirapan

"joke lang naman, ito naman di mabiro, salamat classmate" tumingin ako sakanya at nakangiti siya sa akin nang malapad, ngumiti rin ako sakanya at tumango

"Okay class, times up! go back in your proper seat we're going to start" umayos ako ng upo at napatingin kay Curt, nakangiti siya sa akin at kumindat "goodluck" mahinang sabi niya, ngumiti rin ako sakanya at tumango

"number 1, this is used for shaping the free edge of the nails" nagsimula akong magsulat sa papel ko at napangiti ng fresh na fresh pa sa utak ko ang mga notes ko

"number 2, metal devices used to cut or shorten fingernails and toe nails" napatingin ako sa dalawang kaklase kong nagbubulungan ng "nail cutter yun Iya, hindi clippers baliw" napailing na lang ako, yung mga gantong estudyante, halatang hindi nakikinig at puro daldalan lang ang ginagawa pag nagtuturo ang teacher, naturingang first section ganto ang mga inaasal, they must know the consequence of this, this is list as cheating

"Pass your paper, finish or not finish" nang maipasa ko na ang paper ko napabuga pa ko ng hangin nang sulyapan yun ng isa kong kaklase at mabilis niyang isinulat sa papel niya, aral-aral din kasi, wag puro landi

Kinuha ko ang papel na pinasa sa akin, at sinulatan pa ng corrected by sa baba nito, the fvckers! kay Curt ang papel na to! agad akong napatingin sa harap at magsisimula na si Maam banggitin ang mga tamang sagot, napatingin ako kay Curt at prente lang siyang nakaupo habang titig na titig sa paper, may times pa nga na ngingiti siya, baliw na ata!

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon