23

42 1 0
                                    


Hear my part

Pagpasok ko'y puro bulungan ang mga kaklase ko kaya naman takha akong nakisali sa mga pinaguusapan nila

"Huy, anong meron?" tanong ko na agad namang nilingon ni Eunice

"Malapit na kasi ang foundation natin, pinaguusapan namin yung mga mangyayari" nakangiting paliwanag niya, tumango ako atsaka nakinig pa sa usapan nila

"Alam niyo ba na may battle of the bands raw na magaganap?" excited na sabi naman ni Eunica, ang kakambal ni Eunice

"tuwang tuwa ka nanaman, Nica dahil makikita mo nanaman si Skyler" pagiling ni Eunice sabay pagirap niya kay Eunica, napanguso lang si Eunica sakanya

"Ate, wag ka ngang bitter, may gf na si Ace, move on move on rin" nagkibit balikat lang si Eunica ng matalim siyang titigan ni Eunice, napatawa ako sakanilang dalawa

"So, ibig sabihin ba nun kasama ang banda nila sa battle of the bands?" masaya ring tanong ko, pinagtuunan nila ko ng pansin

"tumpak, teh!" pabaklang sabi naman ni Troye, ang gay kong kaklase

"napunto mo" pagsangayon pa ni Eunica

"naman, sila pa ba mawawala" pataray na sabi ni Eunice

Napangiti ako agad ng maisip na kakanta sa entablado si Mason, hindi naman sa hindi ko pa siya napapakinggang kumanta, sadyang first time ko lang talaga na mapapanood nang harapan na magpeperform sila, dahil eto rin ang kauna-unahang labanan ng banda sa school namin

"Tuwang tuwa nanaman si Fern" pagpansin sa akin ni Troye, nanlaki ang mata ko't nahihiyang ngumiti

"Sino ba namang hindi matutuwa? makikita at maririnig na niyang kumanta si Mason, the love of her life" natatawang dagdag pa ni Eunica

"akin siya, fern, sorry" seryosong saad ni Troye, sinamaan ko siya ng tingin at sabay sabay rin kaming nagtawanan

"At alam niyo pa ba ang mas masaya?" pagputol ni Eunice sa amin, nakangisi siya habang nakahalukipkip, takha namin siyang tinignan

"ano naman yun?" walang ganang sambit ni Eunica na inirapan lang ni Eunice

"well, after foundation, the most awaited prom of the year is coming!" maarteng sabi ni Eunice habang nakangisi, nanlaki ang mga mata nila at sama samang nagkuwentuhan tungkol ruon

"Actually, magpapatahi na nga ko ng gown na gusto ko, ayoko namang parehas kami ni Nica, loser!" itinaas pa ni Eunice ang daliri niya para maghugis "L" sa noo niya habang nakadila, tinawanan lang namin siya

"Kambal tayo, kaya kung loser ako! Loser ka rin!" asar naman ni Eunica sakanya na sininghalan lang ni Eunice

"Ako gusto ko kulay pink yung nasa loob ng suit ko, kung pwede lang kasi ako maggown eh, ang chararat niyo kaya mas maganda pa ko" walang ganang sabi naman ni Troye na nginisian ko lang, pare parehas silang tumingin sa akin kaya napahinto ako sa pagtawa

"Eh ikaw?" tanong ni Troye

"Anong klaseng gown ang ipapatahi mo, Fern?" ngiting ngiti na tanong ni Eunica

"Oo nga, kung gusto mo sabay sabay nalang tayo magpatahi" aya pa ni Eunice, napangiti ako't tinignan sila

"Sige ba" pagsang ayon ko, pumalakpak pa si Troye sa sinabi ko habang nakatiim ang mga labi niya, si Eunica naman ay daldal ng daldal tungkol sa kulay na gusto niya para sa gown niya, si Eunice naman ay pagod na pinakikinggan ang kakambal niya, napangiti ako atsaka sumandal sa upuan ko

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon